STBW 6.

8.2K 123 14
                                    

Vince's POV

Today is Sunday. And guess what? This is not my oh-so-good favorite day of all the days every week. Ito kasi yung araw na madalas dumadalaw ang parents ni Claire. I think it's been a week or two yung last na dalaw nila and for sure they will make it up today. Alam kasi nila na rest day ko and they want us to bond with them. Seriously ang oa ng mga magulang ni Claire. Malaki na siya tapos kasal na though for me it's just a piece of paper. Tama ba iyon na dapat laging dinadalaw yung babaeng yun? Pati ako nadadamay. Kung pwede ko nga lang iwasan ang linggo, matagal ko nang ginawa. Because fvck, we need to act as a sweet real husband and wife. At iyon ang ikinaiinit ng dugo ko.

Naiisip ko pa nga lang ang mangyayari mamaya nabubwisit na ako. Ni ayoko sanang lumabas dito sa kwarto buong maghapon dahil mas okay pa ang manood na lang ako ng porn buong araw kesa makipaglandian sa babaeng yun. Yes I accept it. Claire has a beauty and sexy body but fvck never in my wildest dream na isiping attached ako sa kanya. She ruined me. That's it.


"Vince gising ka na ba?" kasabay ng pagkatok sa labas ng kwarto ko. Dali-dali akong tumalikod sa pagkakahiga at nagtalukbong ng comforter. "Vince?"

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko at ang mahinang mga yapak niya na senyales na papunta ito sa pwesto ko. Ugh I'm not good at this. Kailangan kung magkunyare.

Niyugyog niya ng mahina ang balikat ko. "Vince, gising na. Papunta na sila daddy."


Bakit ba kasi kailangan ko pang makisama sa trip ng pamilya niya. Pucha pati sana'y ang mahaba-habang tulog ko kailangan ko pang isakripisyo. Ngayon na nga lang ako makakatulog ng perpekto ipinagdadamot pa nila.

"Vince." naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tagiliran ko at muli niya akong niyugyog this time medyo malakas.


Padabog kung inalis ang comforter sa mukha ko at tinignan siya ng masama. Mukha pa lang niya naaalibadbaran na ako.

"Ano ba, Claire! Can't you see I'm sleeping?" I shouted.

Halata mong nagulat ito dahil sa pagsigaw ko. Yumuko ito at nilaro ang mga daliri.

"S-sorry. Parating na kasi sila daddy. Dapat nakaayos ka na." mahinahong sabi niya.

I rolled my eyes. "I can't come. I'm sick." sabay kuha ko ulit ng comforter at ibinalik ito sa pagkakatalukbong. Tinalikuran ko siya. Sana lang nakuha niya ang gusto kung ipahiwatig na wala ako sa mood at wala akong balak na makisalo sa kanila ng pamilya niya. At lalong lalo na na ayokong magpanggap muli na kunyari ay mag-asawa talaga kami. Dahil sa totoo lang tumataas ang balahibo ko.


"May lagnat ka ba?" she asked. Di ako umimik.


Nagulat ako dahil hindi ko namalayan na naabot na pala niya agad ang noo ko. She touched my forehead with the back of her hand.

"Hindi ka naman mainit." sabi niya.

Hinawakan ko ang noo ko and touched my forehead too. "Hindi ba? Eh kanina mainit yan. I'm sick. That's it." I blurted.

"Vince, wala ka naman atang saki-"

"Tangina naman claire pwede bang lumabas ka nalang! Istorbo ka eh." sabay tapon sa kanya nung unan sa gilid ko na saktong tumama sa mukha niya. This girl is really getting into my nerves. Kapag sinabi kung ayokong lumabas, ayoko.

Dumapa ako at hinintay ang sasabihin niya pero wala na akong narinig mula sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga yapak paalis at ang pagbukas-sarado ng pinto.

She's the Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon