Chapter Fourteen

940 36 0
                                    

Chapter Fourteen

"Hi, sweetheart!"

Mukha ni Jack ang bumongad kay Juvy ng makababa na siya sa sala.

"I-sweetheart mo yang mukha MO! " asik ni Juvy dito.

"ang sungit naman ng sweetheart ko" nakangising sabi naman ni Jack kay Juvy.

"pwede ba Jack, tumigil ka nga. Ang aga-aga nang-aasar ka. Kapag ako na pikon sa'yo,mag baback-out ako"

"I'm just practicing my role as your pseudo boyfriend"dahilan naman ni Jack.

"pwes,maaga pa. . .at saka wala tayong audience kaya magtigil ka" tinuro ni Juvy ang dalawang traveling bag niya kay Jack "ayan ang mga gamit ko, "

Binuhat ni Rex ang mga bag at isinakay sa sasakyan nito.

Bumuntong-hininga muna si Juvy bago sumakay sa passenger side.Wala nang urongan ito.

"para namang tense na tense ka d'yan Lee, relax okay.? Ang swerte mo nga ehh,dahil magkakaroon ka ng boyfriend na tulad ko" mayabang na saad ni Jack habang nagmamaniho.

"hah!nang maghasik talaga ng kayabangan talagang sinalo mo lahat"inis na komento ni Juvy.

"Hindi naman.nagtira naman ako para sa iba" cool na sabi ni Jack.

"Ganoon ba?wow ha,hindi halata. .wala bang pumupuri sa iyo kaya ikaw na lang ang nagbubuhat ng sarili mong bangko?"

"Hindi ahh,madami nga.subrang dami" nagpapapoging tingin si Jack kay Juvy.napaismid naman ang huli..

"hay naku! Makatulog na nga Lang, wala kang kwentang kausap." tinalikuran ni Juvy si  Jack at sa bintana humarap.

"kumain ka na ba?" usisa ni Jack pagkaraan ng ilang sandali.

"Oo naman.bakit Ikaw ba? "tanong din ni Juvy habang nakatalikod parin.

"Hindi pa nga, nagugutom na nga ako"biglang napaharap si Juvy sa katabi.

"bakit ngayon mo lang sinabi? Mag stop ka na lang sa isang restaurant para kumain. Mahirap magmaneho ng gutom" may himig pag-aalala sa boses ni Juvy ng sinabi niya iyon.ngumiti si Jack kay Juvy.

"concerned ka rin pala sa akin. Thank you! "

"I'm just practicing my role as your pseudo girlfriend "panggagaya ni Juvy sa sinabi ni Jack sa kanya bago tinalikuran ito ulit.

Batangas. . .

"Hello, hija.kamusta ka na?kagandang bata talaga nitong si Juvy" masayang bati ni Doña Lucita kay Juvy ang ina nina Jack.

"hello din po,kamusta din po kayo Doña Lucita" magalang na sabi ni Juvy.

"Wag nang doña, Juvy.just call me mama. Tutal ay doon naman ang tungo ninyo ng anak ko. Ikaw ang unang babaeng ipinakilala ni Jack sa akin, kaya alam kung seryuso siya sayo,bagay na bagay talaga kayo"masiglang pahayag ni Doña Lucita.

Nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili si Juvy dahil sa panloloko nila ni JAck sa Mama nito.mukha kasing tanggap na tanggap siya nito.naramdaman ni Juvy ang pag-akbay sa Kanya ni Jack. Hindi alam ni Juvy kung bakit nakaramdaman siya ng kakaibang pakiramdam sa simpleng akbay lang ni Jack.dahil sa kakaibang naramdaman ay di napansin ang kakaibang tinginan ng Mag-ina.

"halina kayo. Kanina pa nakahanda ang pagkain, siguradong nagutom kayo sa mahabang byahe." aya ng Doña.

"Hindi naman po kami gaanong gutom, Don--Mama" tanggi ni Juvy kasi nga kanina ay kumain din siya sa restaurant na kinainan ni Jack dahil sa pamimilit din nito.

"halika na baby, magtatampo 'yang si mama pag di mo titikman ang niluto niyang pagkain para sayo" ang kamay ni Jack ay bumaba para hawakan ang kamay ni Juvy.he clasped her hand with his big palm. Bahagya din nitong hinila si Juvy sa komedor. Pinaghila pa ni JAck ng upuan si Juvy at pagkatapus ay tumabi ito kay Juvy. Gusto na ngang matawa ni Juvy dahil talagang ginagalingan talaga ni Jack ang pag-arte.

"I-try mo tong beef stew ko,Juvy masarap to"alok ng donya.

"opo,thank you po" magalang namang sabi ni Juvy. Si Jack ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ni Juvy kulang na nga lang ay subuan na ni Jack si Juvy.

"kumain ka nang kumain, baby" nakangiting sabi ni Jack at napapitlag naman si Juvy ng domako ang hinlalaki ni Jack sa gilid ng labi ni Juvy. "May sauce ka sa labi"

"bagay na bagay talaga kayong dalawa. Anak, huwag mo namang itulad si Juvy sa ibang babaeng pinaiyak mo ha"

"Ma,Lee is different. . you knew that I love her. . .very much" Jack said it while looking intently to Juvy. That made her heart skip a beat. Hindi alam ni Juvy kung saan nanggaling ang panghihinayang na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kasi alam niyang umaarte lang si Jack.

"I know. I can see it in your eyes that you love her, anak "sagot naman ng doña."alam mo ba,Juvy,si Jack ko Kung ano-ano ang pinasok na part-time job niyan sa America para lang masustentuhan ang pag-aaral mo,naikwento na ba niya sa'yo ang tungkol doon? "proud na proud na sabi ng doña.

Maang na napatingin si Juvy kay Jack dahil sa mga narinig mula sa Mama nito. Tila namang nahiya si Jack at yumuko.

"Hindi ka dapat sa akin magpasalamat. Kasi may isang makulit na bata na nagtrabaho para pag-aralin ka" naalala ni Juvy 'yung sinabi ni Vince sa Kanya noon. 

TBC. . .

When LOVE and HATE Collide. (The Billionaire Series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon