Panimula

36 5 1
                                    

Nahalughog ko ito mula sa baul. Ginawa ko ang story na ito noong HS pa ko. Dapat SuJu ang bida dito. Pero iibahin ko ang name ng lahat at chena. Fanfic kasi dapat ito at sa aff ko ipopost. Tinagalog ko na din, Sa wattpad ko nalang ipopost. :) Mga 2 to 3 chap lang siguro. Salamat!

WALANG PROLOGUE
---

Ako si Trina, and I'm a big fan of Hades Band. Isang sikat na banda dito sa Pilipinas. Sino nga naman ang di maiinlove sa bandang ito, napaka hot nila at ang gagaling pa. Nakaka-LSS pa ang mga kanta nila.

Si Eros ang kanilang Vocalist, unang tingin mo palang sa kanya ay mahihipnotismo kana ng kanyang blue eyes. Siya ang pinaka sikat sa banda. Half french kasi siya. Sunod ay ang kanilang rhythm guitarist na si Leo. Chinito at masisilaw ka sa kanyang puti, isang kindat lang niya naghihiyawan na ang mga fans. Mahilig magpunit ng sando sa concert. Kaya nga ba sulit kapag nanood ka. Sunod ay ang basist nilang si Ash, silent type lang siya pero nakikita mo ang pagmamahal niya sa pagtugtog. Mahaba ang buhok, siya ang pinaka matangkad sa banda, bibilugin na mga mata, at ang tangos ng ilong. At last but not the least, si Kyle the drummer. Chinito, maputi, killer smile. Hindi ko alam pano ko pa sila ipapakikilala. Naiisip ko palang sila ay mababaliw nako, Oh lahat pala sila ay may abs.

Pero ang pinakamamahal ko sa lahat ay si Eros. Siya ang pinaka-iniidolo ko. Siguro ay nahipnotismo ako sa blue eyes niya. Isang araw napadaan ako sa isang mall show nila sa isang mall. And boom! Nainlove ako kay Eros at nagresearch ako about sa kanila. At mamayang gabi, they're going to held a 1 night concert sa pinakamalaking indoor arena dito sa Pilipinas.

At heto ako ngayon, I'm on my way at the Concert Venue, and right now I'm listening to their songs while riding a bus.

While on my way, ang bus na sinasakyan ko ay biglang pumreno ng malakas.

Napatingin ako sa bintana ng bus, may nagkasalpukan na naman sa daan, tumayo ako sa kinauupuan ko at lalabas na sana ng bus dahil late na ako sa concert. Pero biglang umalog ang sinasakyan kong bus, at hindi ko alam parang tumatagilid ang bus, bago pa ako makasigaw, everything went black.

"Ahhhhh!!!!! Eroooos!!!!"

"Ms. Legazpi!!!" Napatalon ako sa gulat sa pagtawag sa akin ng Prof namin.

"Ano ba Miss Legazpi?! Oras ng klase natutulog ka!" Napatingin ako sa paligid ko, nasa klase ako.

Nagtawanan bigla ang mga kaklase ko. Napatigin ako kay Camille, kaibigan ko na nasa kabilang row.

"Hades na naman kase." Mahinang sabi niya. Pero narinig iyon ng mga kaklase ko. Kaya nagtawanan pa sila lalo.

"Iba ka talaga Legazpi!" Kantyaw nila.

"Palalampasin ko yang ginawa mo, sa susunod na tulugan mo ang klase ko, isisingko na kita, Miss Legazpi." Pagalit na sabi niya at nagpatuloy na sa lesson niya.

Matapos ang kahiya-hiyang eksena ko sa Calculus Class namin, buti ay break time na kaya nasa canteen kami ni Camille ngayon.

"Kaloka ka Trina! Alam mo naman na Terror yang si Ma'am Fabian, tapos tinulugan mo pa." Natatawang sabi ni Camille habang kumakain ng burger

"Sorry naman, busy ako sa mga lalake ko e. Napuyat ako kaka-MV Marathon." Napakamot ako sa ulo ko.

"Masyado ka kasing excited sa Concert eh. Haynako girl, first time mo ba silang makita? At ganyan kana kaexcited? E matagal-tagal pa naman yun ah. Sa isang linggo pa."

"A-ahh, hindi naman. Kaso first concert kasi yun. At nakabili na din ako ng ticket." Sabi ko habang ngumunguya. Wala naman kaso samin ni Camille yung way ng pagkain namin. Isa pa para na kaming magkapatid.

A Fangirl's DreamWhere stories live. Discover now