CHAPTER 8 ~ Sign ~

Start from the beginning
                                    

"Yes, I did."

Tinapik ni Hurricane si Wynter at inasikaso na si Sky.  Daplis lang ang tama sa kaniya at huminto narin ang pagdurugo noon. I guess she'll be fine.

I wish that man rot in hell. Sinong matinong tao ang babaril sa isang bata? 

"Where are they?"-me

Tumingin sa akin si Fierce na karga-karga ang anak niya. "Nang sinabi sa amin ni Wynter ang nangyari kay Sky...nagpaiwan sila. I dont want to leave them but for the first time I feared those men. Kahit ata multo matatakot kapag nakita ang ekspresyon sa mga mukha nila."

"They'll get theirselves killed. Hindi pa natin alam kung sino ang binabangga natin."-yale

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "No...

...

...

They're the one who dont know what they are getting in to."

Walang sino man ang gugustuhin na galitin ang buong BHO & CAMP. Only those people who dont know us. Messing with us can be your destruction...but intentionally hurting one of the kids means...death.

"We need to help them."-me

"We will. I'm just waiting for something."-rain

Tutok na tutok ang atensyon niya sa tablet niya. Sa tabi niya hawak ni Autumn ang isang maliit na screen na may dalawang control na parang sa playstation. Naka konekta iyon sa tablet ni Rain.

"Woohoo! That's my man!"-autumn

Lumapit ako sa kanila. Sumunod sa akin ang ibang mga agents.

Nanglaki ang mga mata ko ng makita kong pinanonood nila ang nangyayari sa pinanggalingan namin. Kita doon ang mga BHO Boys na animo delubyo sa paghahasik ng lagim.

"H-How?"-me

Tumingin sa akin si Rain at ngumiti bago niya binalik ang atensyon niya sa tablet. "This is a new invention of BHO & CAMP. Sky Chameleon. Kung alam mo ang Harry Potter then alam mo din kung anong itsura ng quidditch ball nila. It looks like the Sky Chameleon. Ang pagkakaiba lang kulay itim na puso ang Sky Chameleon na may pakpak. It's a spy camera."

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Where stories live. Discover now