Season 2 | C |>> #HugsAndKisses

Start from the beginning
                                    

"Adriano!"

Kakalabas ko palang ng classroom ng may tumapik sa likod ko. Dapat sasama ako sa mga ka block mates ko para kumain sa labas kaso naalala ko nga pala at tinawagan ko si Justin kanina.

"Himala 'tol, nasaan 'yung babaeng nakakapit sayo?"

"Si Belle?"

Nagkibit balikat siya.

"May inaayos,"

"Ah, o ano nga pala 'yung gusto mong pabor sa akin?"

Huminga muna ako ng malalim bago ko ipinaliwanag ang utos sa akin ni Belle. Bahala na, kung matutulungan niya ba ako o hindi.

~~

"Uh, Justin sigurado ka ba dito?"

Tiningnan niya ako ng masama, "'Tol, ang mga babae madali lang mabola yan. Sabihin mo lang sa kanila kung anong gusto nilang marinig tapos Boom! Baliw na baliw na agad sila sayo,"

Umiling iling ako sa sinabi niya. Pambihira, hindi naman siguro lahat ng babae ay ganoon, kagaya ng iniisip niya. "'Yun ba ang ginagawa mo sa lahat ng mga babae mo?" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya sa akin at itinulak ako papunta sa babaeng nakaupo doon sa may benches.

"Hindi din . Nadadaan sila sa pambobola oo, pero 'yung ibang babae kailangan pa pakitaan ng abs para makuha. Hirap talaga maging gwapo,"

Kaibigan ko siya oo, pero ang yabang talaga minsan nakakainis na.

"Basta 'tol. Isipin mo lang na gwapo ka, at kaya mo 'yan, sige na lumapit ka na doon! Tsk! Lamya-lamya mo naman," pang-aasar niya bago ako itinulak na naman papunta doon sa direksyon ng mga babae.

Ako naman na sunud-sunuran ay dahang-dahang lumapit sa kanila.

Hindi ko din alam kung paano ako napapayag sa mga ganitong kalokohan ni Justin. Minsan kung ano-ano ang pinapagawa niya sa akin.

Kahit na 'yung nakaraang araw ko lang nalaman na kapatid pa siya ni...Jesse, ay hindi 'yun nakasira sa pagkakaibigan namin. Ewan, ba para nang naging kapatid ko na'to.

"Hi-hi miss?" Bati ko sa babae. Tss. Pag nakita ako ni Belle na kumakausap sa ibang babae na hindi siya, lagot na naman ako nito. Pero, inisip ko na siya naman ang may balak nito kaya bakit siya magagalit?

Hindi naman sa takot ako sa kaniya kaso, sa tuwing hindi niya makuha 'yung gusto niya ay iniiyakan niya ako. 'Yun pa naman ang kahinaan ko.

"Bakit?"

Tiningnan ko ang babae, kasama niya ang mga kaibigan niya at nag-aaral ata sila sa may gazebo. Tiningnan ko ang bawat isa sa kanila at nakilala ko 'yung dalawa niyang kaibigan bilang mga klase ko. Tapos 'yung isang babae sa may kanan niya, namukhaan ko. Isa 'yun sa mga nagpapicture sa akin noong nakaraang araw.

Tch, patay. Kakalat 'tong gagawin ko.

Nakangiti sila sa akin, katulad ng mga mukha nila araw-araw pag nakikita nila ako. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Lumingon ako at nakita kong may kahalikan ng babae si Justin doon sa may dulo. Bakit ba ang dali lang para sa kan'ya?

"Bakit?" ulit na tanong ng babae. Huminga ako ng malalim at walang ano-ano yumuko ako hanggang sa ka lebel ko na siya.

"Sorry," sinabi ko.

"Huh?" gulat niyang tanong sa akin.

Kinuha ko naman 'yung pagkakataong naguguluhan pa siya sa ikinikilos ko at walang anu-anong hinalikan siya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now