Season 2 | C |>> #HugsAndKisses

Magsimula sa umpisa
                                    

Bumilis ang pagtibok ng puso ko at nag init ang buong katawan ko. Alam ko ang nararamdaman ko pero ayoko ito pansinin. Noong huling naramadaman ko ito hindi maganda ang kinalabasan.

Tss. Talagang nabeberde lang ako. Oo tama nga. Polluted lang 'tong utak ko. Pati 'yung dinosaur sa tiyan ko umandar na naman . Tss, bakit sa tuwing kasama ko si Belle may nangyayaring kakaiba? Minsan talaga hindi ko alam kung bakit ako pumayag dito.

Tiningnan ko 'yung katabing papel, nandoon 'yung listahan ng mga kailangan kong gawin.

Kiss any random girl.

Ano?!

Kaya pala sabi niya mamili lang ako ng kahit sino. Tss. Paano ko gagawin 'to?

Tinawagan ko si Belle, sumagot naman agad siya sa pangatlong ring,

"Oh hey! Ken, napatawag ka?"

"Belle, I need to talk to you about something,"

May narinig akong parang nagtatalo sa kabilang linya,

"Nasaan ka ba? May nagtatalo diyan?"

Matagal siya bago sumagot, " Ano 'yung gusto mong itanong?"

"It's about your list. Kailangan ba talagang gawin 'yun? I mean..."

"Kiss a random girl?" Tumawa siya, "Of course! Hindi naman pwede na sa akin ka lang masanay 'di ba? Don't worry papabebe, the first time might be difficult but you'll get the hang of it. Pag nahihirapan ka, just imagine I'm the one you are kissing, then poof! It'll be easy, I promise,"

Hindi pa din ako sumasang-ayon sa gusto niya, wala kasi akong makitang dahilan para gawin ko 'yun.

"I'm on a debate conference, I'll talk to you later 'kay? Bye, love yah!"

Hindi niya na ako hinintay sumagot at binabaan ako. Hindi ko na siya tinawagan ulit, 9:30 am na pala baka nga nasa kalagitnaan siya ng klase niya.

Nagulat na lang ako na nag ring 'yung cell phone ko habang nagtitimpla ako ng kape.

Number ni Belle 'yung nagregister kaya agad ko namang sinagot, "Ba----"

"Just a reminder Ken. Just a simple kiss okay? No tongue, not torrid or whatever. Sa akin mo lang gagawin' yun. Sige, Ciao!"

Saglit akong napatulala at nakatitig sa phone ko. Ano ba 'yun?

~~

Nakarating na ako sa Brent at pumasok sa mga klase ko pero hindi pa din mawala sa isip ko 'yung inutos sa akin ni Belle. Hindi naman pwede na bigla lang ako lumapit sa isang babae at halikan na lang siya basta-basta. Ayoko nun at baka mabastos ko 'yung babae. 'Yung mga bagay na ganun ang makakagawa lang ay si....

Nag excuse ako sa klase ko tutal, nag rereport lang naman ang ibang grupo at lumabas ako ng kwarto. Ala-una na, panigurado ay nandito na 'yun sa campus.

Mabuti na ang at sa pangatlong ring ay sumagot na agad sa akin ang taong kailangan ko.. "Bro? Mag papatulong sana ako sayo,"

~~

Wala 'yung kapatid ni Belle sa klase namin. Hindi ko pa pala sa kaniya nasasabi na kaklase ko sa isang subject ko si Glorie.

Nitong mga nakaraang buwan ay natuto na akong kausapin 'yung ibang mga tao sa paligid ko kahit na minsan ay nagiging sapilitan talaga kasi kailangan sa mga group work. Pero isa sa mga bagay na pinapasalamatan ko sa pagpirma ng kontrata ni Belle ay natanggal na ang hiya at takot ko sa ibang tao. May mga naging kaibigan na din ako sa debate team namin. At kahit na siguro ang tingin pa din sa akin ng iba ay masungit at hindi pala salita dahil minsan talaga nawawala ako sa isip at bumabalik ako sa dating ako, ay siguro akong malaki na ang ipinagbago ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon