Blood 30 - unedited

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm good, medyo nanghihina lang...but I'm good." Ngumiti ang kaharap at hinawakan ang kamay niya. "ilang oras ba akong walang malay?"

"Two days and a half po."

"Oh..."

"Ma?"

"Bakit, Elisse?"

"Ano po bang nangyari?"

Umiling ito at hinigpitan ang paghawak sa kamay niya. "I'm gonna tell next time. Okay?"

Nakakaintinding tumango naman siya. Ayos lang naman sa kanya kung hindi nito sasabihin ngayon dahil mas kailangan nitong magpahinga. Alam niya namang magiging ayos din agad ito pero mabuti nang nakakasigurado.

Nawala ang tingin nito sa kanya kaya napalingon tuloy siya sa tinitingnan ng ina...si Adrienne.

Ngumiti ang Mama niya at pinalapit si Adrienne na sinunod naman ng huli. "Isa ka ba sa mga kaibigan ng anak ko?"

Napaubo siya bigla kaya sabay silang napatingin sa kanya. Napakamot siya sa may pisngi. "Ah, eh..."

Tumayo siya, nginitian niya si Adrienne at hinawakan ito sa kamay. Paglingon niya sa ina ay nakatingin lang ito sa magkahawak nilang kamay. "Mama, si Adrienne po..."

Huminga siya ng malalim at napakagat sa ibabang labi. Bakit ba siya kinakabahan? Kaya niya ito!

"G—"

"I am her girlfriend." Napatingin siya bigla kay Adrienne nang ito na mismo ang nagsabi ng relasyon nila. She smiled and winked, and she averted her gaze. She looked...hot.

"Oh," Mukhang nabigla naman ang ina sa nalaman. Akala niya ay magagalit ito pero nagulat siya nang ngumiti ito sa kanila. "Ang ganda ng taste mo, anak, ah." She grinned and winked.

"M-Mama..." Napanguso siya kaya natawa na lang ito. Hindi naman kasi nito kailangang sabihin iyon.

"Come here, Adrienne," Her mother beckoned her girlfriend to come closer and the latter obliged. Rain hugged her lover. "Welcome to the family."

"T-thank you."

Napangiti siya sa nasasaksihan. Ang sarap pala sa pakiramdam na alam mong tanggap ng magulang mo yung taong gusto mong makasama sa buhay. Ang sarap makitang magkayakap ang daawa at kaagad na tinuturing na miyembro ng pamilya. Parang katulad lang sa pagkakaibigan nila nina Sam, Rin, Len, Diamond, at Asha. They're family.

Bumitaw na ito mula sa pagkakayakap, Adrienne smiled. "Get well very soon...Mama."

She bit her lower lip. Okay, bakit kinikilig siya? Feeling niya...feeling niya ay kasal na sila dahil sa tinawag nito sa ina.

Her Mama smiled back. Nagkuwentuhan din sila ng mga kung anu-ano, like they're catching up in each other's life. Ang saya-saya ng araw na 'to. She got to see her mother and girlfriend talk and smile.

If this was what they call perfect then she's lucky.

Napalingon siya sa pinto nang may kumatok. Nang bumukas ito ay napangiti siya nang makita ang mga kaibigan.

"Onee-chan!" Sabay na sambit ng kambal, lumapit ang mga ito sa ina niya at sabay ring nag-bow. "Hajimemashite, Okaa-san!" Sabay rin nitong pagbati. Cute.

They said that it's nice meeting her mother, Rain.

Napangiti na lang ang ina, malamang kahit ito ay naaliw na agad sa kambal. Lalo na't magkamuhang-magkamukha ang dalawa maliban na lang sa pagkakaiba ng kulay ng mata at highlights ng buhok nila. But overall, they were really cute and hyper.

"Ako po si Len, blue po mata ko tsaka highlight ng buhok ko." Sabi nito at pinakita pa ang buhok.

"Sa'kin naman, almost violet na mata ko tsaka pink yung highlight ng akin!"

"Cute," Her Mom chuckled. "I'm Rain, Elisse's mother."

Sam and Diamond took a step forward.

"I'm Samantha West," She shook hands with her mother. "It's a pleasure to finally meet the mother of this special," She looked at Elisse and smiled meaningfully. "Woman."

"West?" Kumunot ang noo ni Rain. "Are you related to the one of the monarchy's high-official—perhaps, the West couple who fought with Sineiah against the first monarchy, centennials ago?"

Napangiti si Sam. "That's my grandparents po, pumalit na sa pwesto nila ang mga anak nila, and isa mga anak nila ang magulang ko."

"Heavens," Napailing ang ina. "I'm so outdated. I had been an outcast for decades and many things changed."

"It's fine po."

"Good to see you again, Tita." Lumapit na rin si Asha kasabay nang paghawak nito sa kamay ni Diamond. "She's my wife po, Diamond Thales."

Natawa si Rain. "Nawala lang ako saglit, nakapag-asawa ka na. Anyway, congratulations to the both of you, may the heavens bless your marriage."

"Thank you po." Pasasalamat ng best friend niya habang si Diamond naman ay nakangiti lang.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay nangulit na naman sina Rin at Len kasama ang kasabwat na si Asha. Wala talagang kapaguran ang mga kaibigan. Medyo maingay na rin sa loob ng kwarto pero sabi ng Mama niya ay okay lang daw, in fact, she's enjoying the moment them.

Kinalabit siya ni Adrienne kaya napatingin siya rito, sinenyasan siya nito na lumabas muna kaya nagpaalam na rin sila. "Ma, labas lang po muna kami saglit."

"Sure, take your time."

Pagkalabas ay naglakad sila at gumamit ng elevator papunta sa roof deck. Nang makarating ay parehas napatingin ang dalawa sa langit. Mahangin at hindi naman gaanong mainit ang panahon, tamang-tama para sa isang magandang umaga.

"Elisse."

"Hm?"

Napatingin siya rito at gano'n din ito sa kanya. Hinaplos ng dalaga ang pisngi niya at hinapit siya sa baywang upang bigyan ng halik. Napapikit siya at humalik pabalik, savoring the taste of her lips, and their tongue danced in a rhythm they both know. They parted and stared into each other's eyes.

"Are you happy?"

"Absolutely."

What more can I ask? Kasama niya ang ina, ang mga kaibigan nila, at si Adrienne. She can't wish for more, they're more than enough.

_____

Blood Sucker (GL) [Completed, Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon