Chapter 15 - #Encounter

Start from the beginning
                                    

"Babe, si Kyona Penesa a.k.a Reccess sa WriCo (Writers Corner), Kyona si Babe..." pagpapakilala ni Jett samin.

Kumunot ang noo ko, "Babe? Gusto mo din bang tawagin ko siyang babe?" tanong ko.

Kumunot din ang noo ni Jett tapos yung babe niya humagikhik. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Psh.

"Why? Babe ang pangalan niya. Babelyn." sagot ni Jett at medyo namangha.

Napaawang ang bibig ko. What the fudge? "Di mo siya girlfriend?" tanong ko nalang bigla.

Ngayon ay napakagat labi si Jett at umiwas ng tingin, "She's my friend l, Kyon. Wala akong girlfriend..." pabulong na sagot ni Jett sa huling sinabi niya.

Napakagat labi ako at doon ko lang narealize na dire-diretsyo ang tanong ko na parang nagseselos. Kaya umiwas ako ng tingin. Hindi naman ako nagseselos. Naiinis lang ako at ewan ko kung bakit.

Nang makaalis na yung lintek na Babe nayun na Babe pala ang pangalan ay naging awkward ang paligid pero bigla yung binagsak ni Jett.

"Wala talaga akong girlfriend..." sabi niya.

Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya, "Eh ano naman?" tanong ko at umirap saka humalukipkip. Wala naman akong pakialam, a?

Pinunasan niya ang kaniyang ilong na para bang pinipigilang ngumisi, "Eh bakit nakasimangot ka kanina?" tanong niya.

Ngumiwi ako, "Wala lang, may nakita lang." sagot ko.

Eh bakit ko ba dinedeny? Ang totoo niyan ay naiinis naman talaga ako, pero paano kung tanungin niya akong bakit? Anong isasagot ko? Sasabihin ko na hindi ko alam kung bakit naiinis ako? Ano 'yun?

"Sabi mo e." yun nalamang ang sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya na parang ewan. Ngumuso nalang ako.

Bwesit! Bakit ka naman kasi maiinis, Kyona? Ano naman ngayon kung syota niya nga talaga 'yun? Tsk.

Ah, alam ko na! Alam ko na. Alam ko na! Naiinis ako kasi naiinis ako kay Jettro Ian Ramirez kasi isang taon na din kaming magkaibigan at close pa hindi niya man lang sakin nabanggit na may syota siya! Madaya! Madaya siya! Oo 'yun na 'yun....

Pero bakit ganito? Pero bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko?

-

Sabado at gaya nga ng sabi ni Jett, birthday ni Tita Gloria kaya nandito kami ngayon sa bahay nila Jett. Iilan lang ang imbitado kaya kakaonti lang kami.

Parehas kami ni Jett na wala nang ama. Kaya sila bumalik dito sa Cebu kasi patay na'yung Papa niya. Kaya sila umuwi dito kasi dito ang hometown ng Mama niya.

Maraming pagkaing inihanda sila Tita Gloria at lahat ng ito ay gastos lahat ni Jett. Ang laki nga ng ipinagbago ni Tita Gloria, di na siya masyado nagsisigarilyo sabi ni Jett tapos di narin masyado umiinom. Nag-iisang anak lang si Jett kaya Mama's boy,

"Proud na proud talaga ako sa baby boy ko!" nanggigigil na sabi ni Tita sabay yakap kay Jett. Si Jett naman ay napangiwi at mukhang nahihiya sa mga bisita lalo na sa mga kaedad naming babae na mukhang kinikilig pa.

Napairap ako at tumayo sa kinauupuan ko para kumuha ulit ng pagkain sa lamesa. "Pangatlong balik mo na'yan sa lamesa, di kaya tumaba kana niyan?" may biglang bumulong sa akin kaya naman napapitlag ako at napatingin sa bumulong.

Nagulat pa ako ng malapit ang mukha niya sa akin, bahagya akong lumayo, "A-anong pangatlo? Pangalawa pa lang to!" depensa ko.

"Hindi, pangatlo mo na'yan! May cake pa doon, kuhanan kita para tumaba kana," sabi niya at umikot para kumuha ng cake.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now