How Jude and Stella Met

Start from the beginning
                                    

"Nope," he slightly shook his head. "But if I were to write our story, hindi ko ilalagay ang pagkikita nating iyon. I'd better start off with this... itong pagkikita natin sa bangko."

"Ayaw mo siguro malaman ng mga tao na may pagkasuplado ka," ngiti ko.

At doon na nagsimula ang lahat.


Jude's POV

She walked up to me wearing jeans and a tight yellow blouse. Nakalugay lang ang alon-alon niyang buhok. And just like what I expected, she approached me and introduced herself to me. She did what every other girl would do when they see me. They cornered me many times, many of them did. Every girl wanted to corner a Jude Castillo.

Kaya naman nginisihan ko na lang siya. Wala ako sa flirting mood. People interested me, especially girls. I loved toying with their hearts, having fun with their young flirtatious spirit. Girls would do anything to please themselves, even force a guy to love them just to feel loved.

Because I knew that it was what most of them wanted.

Sa wakas at nakaramdam din siya na hindi ko siya eentertainin. Umalis na ang babaeng nagpakilala na Ellen Estabillo. Mabuti naman, dahil may mga bagay pa ako na dapat pag-isipan.

Sa totoo lang, wala akong hilig sa libro. Nagkataon lang na ang bookstore ang pinakatahimik na lugar na napuntahan ko sa buong mall na iyon. Sa may coffee shop sana ako mag-iisip kaya lang masyadong masaya ang tugtog doon, hindi naaangkop sa kung ano ang gumulo sa isip ko.

Kakatapos lang kasi noon ng birthday ni Papa. 79 years old na siya at kinausap niya ako sa office room niya ng kaming dalawa lang.

"I want to give the company to you, Jude. But, you have to show me that you can be responsible enough to handle it."

At ang ebindensya ni Papa sa pagiging responsable ng isang lalaki ay kapag ikinasal na ito. Pinaliwanag pa talaga sa akin ni Papa ang bawat detalye, ang mga dahilan kung bakit ito ang hiningi niyang kondisyon sa akin.

Kapag ikinasal daw ang isang lalaki, nakatali na ito sa iisang babae. Siya ay nararapat na maging loyal at kaakibat nito ang pagiging responsable ng isang lalaki sa kanyang mga galaw lalo na at may nakakahalubilo itong ibang mga babae. Nagiging responsable ang lalaki kapag kinasal ito dahil ito na ang bubuhay sa pamilya nito, siya ang ka-partner ng asawa nito sa pagtupad sa mga plano nila para sa pamilya. Mukhang madali lang daw ang role ng pagiging asawa para sa mga lalaki, hindi naman kasi sila ang nagluluto sa bahay, naglilinis at nag-aalaga sa mga bata. Hindi raw mga lalaki ang nagba-budget para sa ipapamalengke at hindi rin mga lalaki ang nabubuntis at may bitbit sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan.

Pero para kay Papa, kasing hirap din ng obligasyon ng mga asawang babae ang dinadala ng mga asawang lalaki.

Buong araw kasi silang kumakayod para sa pamilya. Kapag ikinasal ang isang lalaki, hindi na nito nagagawa ang mga nakasanayan nitong gawin tulad ng pag-gimik. Masakit para sa mga lalaking may anak na yung ilang araw lang nito nakikita ang kanyang anak dahil siya ang nagtatrabaho para sa pamilya. Aalis ito ng bahay na hindi pa gising ang kanyang anak at uuwi ito ng bahay na tulog na ang kanyang anak. Minsan pa ay hindi na ito nalalambing ng kanyang asawa dahil pagod na ito sa mga gawaing bahay at sa mga bata. May mga sakripisyo din naman ang mga lalaki. Hindi rin minsan maisakatuparan ng mga ito ang pangarap nito dahil kinukonsidera na nito hindi lang ang kanyang sarili kundi mas higit pa ang kanyang asawa at mga anak.

Marami pang sinabi ang Papa para bilugin ang utak ko. At siyempre, effective iyon dahil heto at napaisip ako sa mga sinabi niya.


Ilang araw din ang lumipas. Wala akong nautusan noon para asikasuhin ang problema sa bank account ko kaya ako na mismo ang personal na pumunta. Isang pamilyar na mukha ang nag-assist sa akin.

Si Ellen Estabillo.

Magaling siya sa larangan ng trabaho niya. Sa totoo lang, napadali ang pag-ayos sa problema dahil na rin sa pagiging madiskarte niya.

Pero ang pumukaw sa atensyon ko ay ang name tag niya.

Stella.

Stella ang pangalan na nakaprinta doon. Napatitig ako saglit sa kanya.

Pero Ellen ang sinabi niya sa akin, 'di ba?

Natakpan na ng mahaba niyang buhok ang name plate niya.

"Miss Ellen, right?" ngiti ko sa kanya.

"Yes, Sir?"

"Ikaw yung sa bookstore na nagpakilala, 'di ba?"

Natulala siya saglit sa akin. "Y-Yes, that's me, Sir."

So, Ellen nga ang pagkakapakilala niya sa akin. But her name tag said Stella Estabillo.

That got me wondering, what game was she trying to play?

Because I love interesting games.

The Set-Up Wedding [PUBLISHED BY PINK AND PURPLE]Where stories live. Discover now