How Jude and Stella Met

20.1K 232 2
                                    

This is the genesis of the story, ang pagkikita nila Stella at Jude. That story will be told in Stella and Jude's point-of-view :)


Stella's POV

Jude Castillo. Mayaman siya, kaya niyang buhayin si Ellen pag ito ang naging asawa niya. Ang kailangan ko na lang alamin pagkatapos ko magresearch tungkol sa background niya ay ang kanyang ugali.

Hindi ko naman kaya na ipagkatiwala ang pinsan ko sa isang taong masama ang ugali, no? Kaya naman niresearch ko talaga kung saan ko siya pwedeng makasalamuha. Karamihan sa mga pinupuntahan niyang lugar ay masyadong mahirap ma-afford ng isang tulad ko para puntahan.

Sinubukan ko sa Judas, sa club na pagmamay-ari niya, pero kadalasan siyang nasa loob ng VIP box. Hindi yata sumasayaw ang lalaking ito, ni hindi siya nakikihalubilo sa mga babae sa dance floor. Nakikita ko lang siya na papasok sa box at lalabas. Nag-iikot siya minsan sa club sa dahilang hindi ko nahulaan. Sinubukan ko na gawan ng paraan para mapansin niya ako, yung kunwari magkakabanggaan kami, pero hindi nangyayari iyon. Tila hindi pa napapanahon yata noon para magkakilala kami.

Nahirapan na akong hagilapin siya ng ilang araw. Isa pa, may boyfriend ako-- si Daniel. Mahal na mahal ko si Daniel. Alam ko na sa plano kong ito baka mapunta sa alanganin ang aming dalawang taong relasyon, kaya naman maingat ako. Hindi ko pinapahalata sa kanya na may mga pinagkakaabalahan ako. Para rin naman sa amin ito. I did not want to let him down again.

Nag-propose na kasi siya noon ng kasal, pero tinanggihan ko dahil nga kay Ellen.

I knew it to myself that I could not leave her alone. I had to make sure that she will be okay before I leave.

By fate, Jude and I met again. Nasa bookstore ako noon, napapasyal lang ako nang namataan ko si Jude na may binabasang libro sa economics section. I inhaled deeply at the sight of him.

This is it. I have to grab the opportunity.

Nakasuot lang siya ng jeans at itim na polo shirt. His jet-black hair was cut short and neatly combed. He looked handsome and I admit that I was amazed with his looks. Nilapitan ko na siya. Pakapalan na ng mukha para lang sa agenda ko.

"Hi," bati ko sa kanya. "Jude Castillo, right?"

He just grinned at me. 

"I'm.. Ellen. Ellen Estabillo."

Then he resumed reading.

So iyon lang iyon? Hindi na ba ako papansinin nito?

Dahil nagmumukha na akong tanga sa kahihintay na magsalita siya o na pansinin niya ako, umalis na lang ako. Nasa ladies' room na ako nung nainis ako sa iginawi ko. Bakit ko ba pinairal ang pride at emosyon ko? Dapat kinulit ko pa siya eh. Baka hindi na kasi ako magkaroon pa noon ng chance na makita siya ulit at makausap.

Oh, stupid me.


Ilang araw rin ang lumipas. Nagulat na lang ako nang dumating sa bangko na pinagtatrabahuan ko si Jude. Hindi ko man lang napaghandaan, pero doon ko na siya nakausap ng maayos-ayos. Buti na lang at hindi ako susunduin noon ni Daniel dahil kinagabihan, nagulat ako noong sinundo ako ni Jude.

We had a nice talk in his car. He said that I look well-off, I look stable. Napangiti na lang ako sa compliments niya. He apologized doon sa pag-snob niya sa akin sa bookstore.

"May mga bagay lang na gumugulo sa isipan ko that time," ngisi niya habang nasa daan ang tingin at nagmamaneho.

"Ano naman? Ang ekonomiya ng Pilipinas?" tawa ko.

The Set-Up Wedding [PUBLISHED BY PINK AND PURPLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon