Si sebastian.

Napalunok nalang ako dahil paki wari ko ay may bara sa lalamunan ko.

"B-bakit ka ba nandito? D-diba sinabi ko sayo umuwi kana!!" hindi ko maiwasang taasan ang boses ko.

Nakakainis.

Kapag wala siya, hinahanap ko.

Kapag nandito siya, pinapaalis ko.

Ano banaman yaaan!!

Hindi siya umimik. Inukutan niya lang ako at pinindot ang phone ko para patayin ang pagtugtog. Sinundan ko lang siya ng tingin na gawin iyon.

"H'wag kang sumigaw, Nandito lang ako sa tabi mo." mahina niyang sabi.

Nakakahiya tuloy. Napakahinhin niya tapos ako puro sigaw. Hindi naman ako ganto ah? Para tuloy hindi kami bagay.

"Iniintindi kita, kasi cargo kita, kasi may sakit ka, kasi kailangan ko. Ayoko pang mapatay ng Kuya mo kapag nakita ka nilang ganito. Kaya please? Makinig ka nalang sakin." umiwas siya nang tingin.

Tumingin siya sa platito na may apples. "Ba't hindi mo to kinain? Nahanginan lang. Sayang." iiling iling itong tinapon ang lamat sa supot, pagkatapos ay tinapon sq katabing bin.

"Diba sinabi ko sayong ayoko? Kapag ayoko, ayoko." nagiwas ako ng tingin at naisipan kong pumikit nalang ulit. Parang napagod na ko sa simpleng pagsasalita.

"Kakagising mo lang, Gusto mo na kaagad matulog ulit?" Malambing na tanong nito habang umuupo sa plastic chair sa tabi ko.

"Pagod ako, pwede ba." sabi ko nalang at tsaka pumikit ulit. "Nasaan pala si Jolina?Umuwi kana, siya nalang magbabantay sakin dito. Mas gusto ko siya, Nagagawa ko lahat ng gusto ko."

"O ede gawin mo rin kahit na anong gusto mo, hindi naman kita pinipilit na matulog o pinagbabawalan na gawin ang gusto mo , Ang sakin lang, Wag ka muna mag gagalaw, kasi masasaktan kalang." sermon nito saakin.

Napairap ako. "At kelan kapa nagkaroon ng pake sa nararamdaman ko?" hindi siya nakasagot.

Tignan mo, nanahimik siya.

"Alam mo sebastian, sana hindi mo nalang ako pinakeelaman e, alam mo yon? Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to. Ayaw na kitang makita, pero heto ka paren. Sulpot ka ng sulpot. Ganyan kaba talaga ha? Lagi mong sinisiksik sarili mo? Ayaw na nga sayo ng tao e...

..Ganyan mo ba nakuha yang ezra mo? Pinagsisiksikan mo ang sarili mo para lang magkasya sa puso niya ha? Alam mo, kung ganon. Hindi ka mahal niyan. Naawa lang yan sayo. Kaya pwede ba--..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Napansin kong biglang nagbago ang ekspresyon ng muka niya. Ng mata niya. Ng kilay niya. Malungkot.

Tsaka ko lang na realize na ang sakit pala ng mga sinabi ko. Nakakaguilty.

Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga."Sabi ko kasi sayo, Umalis kana. Baka kung ano pang masabi ko sayo na hindi mo magustuhan." tumagilid na ako ng pwesto para hindi ko na siya makita.

Kumirot ang ulo ko pero hindi na gano, Nakainom na kasi ako ng gamot.

Pasimple kong pinunasan ang tumulong luha .Iniwasan kong suminghot dahil baka ikutin niya nanaman ako. Tinakluban ko ng kumot ang katawan ko. Pati muka ko. Yung nakabendang ulo ko nalang ang nakalabas.

"Sige na, uuwi na ko. Kung yun ang gusto mo, kung yun ang makakapagpagaling sayo. I'm sorry, hindi ko sinasadya. Kung gusto mong kumain, Dinalhan kita ng barbeque jan. Alam mo zam, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Ako rin, Hindi ko matignan ng derecho ang kuya mo. Parehas kaming nagsisinungaling ni potrocio, dahil alam niya rin to. Sorry, kung sinabi ko...

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें