Chapter Ten

962 33 0
                                    

Chapter Ten

Juvy Lee Pov

"thank you, kuya" ani ko kay kuya Vince ng makarating na kami sa bahay nina DJ.

"Wala 'yon " nakangiting saad naman nito.

"kuya, di kaba papasok? "yaya ko dito nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan nito umiling lang ito bilang sagot.

"ahh okay" akmang papasok na ako ng bahay ng nagsalita ito kaya humarap ako sa kanya.

"Juvy, favor naman, wag mong sabihin kina DJ na nagkita tayo" saad nito nagtataka man ay napatango na Lang ako at pumasok na sa bahay.naratnan ko pa sa sala si DJ na natutulog sa may sofa kaya ginising ko ito.

"Bakit dito ka natulog? "tanong ko.

"Nakuha mo pang magtanong? " inaantok pa na pagtataray nito. "Natural,nag-aalala ako sa'yo,kaming lahat, dahil di ka umuwi. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag namin,. Isa pa na ikinapagtataka ko ay bakit nagpunta daw dito si Liam kagabi sabi ni auntie rogien" tukoy ni DJ sa kapatid ng ina nito.

"nagpunta siya dito? "gulat na tanong ko.

"Oo at mukha daw siyang di mapakali. Nag -away ba kayo? "

Nanghihinang napaupo ako sa sofa. Ano pa ba ang kailangan nito?may masakit na salita pa ba itong nakalimutang sabihin sa akin?

"hoy babae! Tinatanong kita. Saan ka ba nanggaling? " tanong ni DJ sa akin.

"break na kami" walang ganang sagot ko na lang dito.

"talaga? Aba, kailangan nating magsaya dahil sa wakas ay nagising na din sa wakas ang kaibigan namin. Magbihis ka,dali!! Aalis tayong dalawa!! " sabi nito na nawala ata ang antok at umakyat sa kwarto nito.

Napailing na Lang ako at nagpapasalamat narin dahil Hindi na ito nagtanong Kung bakit kami nagbreak ni Liam. Umakyat ako sa sarili kung silid at ginawa ang sinabi ni DJ. Ayaw Kung hindian ito kasi ayaw kung magmukmuk dahil lang sa ex ko. Wala pa naman akung pasok ngayon.

Nagulat ako ng kotse mismo ni DJ ang ginamit namin sa pag-alis kasi aside sa tamad itong magmaniho reason why nagiging personal driver nito si Gerlie minsan ay kuripot din ito. Napadpad kami sa isang beauty salon na ikinataas talaga ng Kilay ko. Si DJ kasi ang klase ng babae na di palaayos, okay na dito ang pulbos at minsan nga ay nakakalimutan pa nitong magsuklay pag lumalabas ng bahay.

"oh, tingin -tingin mo d'yan,bumaba ka na"

"anong gagawin natin dito? " tanong ko dito ng naglalakad na kami papasok sa establishment.

"siguro, kakain? Malamang magpapaganda ka! "sarcastic na saad ni DJ.

"ako Lang? "

"Oo,kasi ikaw lang ang brokenhearted dito, diba pag brokenhearted ang babae ay nagpapaganda kaya 'yun ang gagawin natin dito" di na ako nakapagprotesta ng pinaupo na ako ng isang binabae at sinimulang ayusan ako from head to toe habang si DJ ay printeng-printe lang na nakaupo sa sofa doon habang nagbabasa ng magazine.

Nagulat ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin pagkatapus ng pag-aayos sa akin. Nakakabigla dahil tila may nagbago rin sa Aura KO. Nagmukha akung sopistikada.

"Oh, di ba? Lumabas ang ganda mo sa bagong style ng buhok mo. Alam mo kung ako ang May ganyang mukha ay mag -aayos talaga ako". Pamumuri ng baklang Kelly daw ang pangalan na nag -ayos sa akin.

"ikaw din, ang cute mung tingnan sa buhok mo. "puri ko din dito matapos Kung tingnan ito buhat sa salamin.

"hay naku!! Bago pa kayo mahkabolahan d'yan ay halika na Juvy, aalis na tayo " sabi ni DJ sabay hila sa akin.

"Saan na naman tayo pupunta? "

"Sa SORIANO'Z, tinawagan ko na sila Gerlie kanina na doon tayo mag -cecelebrate"sagot ni DJ.


TBC. . .

When LOVE and HATE Collide. (The Billionaire Series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon