Chapter Five

1.1K 44 0
                                    

Chapter Five

Juvy POV

Napadpad kaming dalawa ni kuya Vince sa isang bar. Treat daw niya. Kahit hindi sanay uminom ay naki-join nalang ako dito para kahit papano ay pansamantala kong makalimutan ang sakit na nararamdaman.

"Kuya kailan ka pa dumating? Nagkita na ba kayo ni DJ?" Tumingin pa ito sa akin bago sumagot.

"Hmm hindi pa, actually kanina lang ako dumating" Sa Amerika kasi ito namalagi upang pamunuan ang kompanya nito doon.

"Si Jack matagal na iyong nakabalik ditosiya ang namamahala ng mga resorts namin ngayon .Kayo, nagkita na ba kayo ni Jack?"

"Nah, fortunately wala pa." nakabusangot na sagot ko. "Pero kamusta na pala 'yon kuya?" hindi ko maiwasang magtanong tungkol dito.kahit ang totoo ay wala akung pakialam sa lalaking unang naka-pagpaiyak sa akin dahil sa subrang inis. Ito ang pinakabastos na lalaking nakilala ko. Well, ang lalaking nakaaway ko sa taxi kanina ang pangalawa.

"oh,he's fine. actually pag makita mo siya ngayon,for sure,hindi mo siya agad makikilala."

tumango lang ako.pero sa loob-loob ko ay wala akong plano na makita uli si Jack.

"kuya,bakita ka po pala napauwi bigla dito sa atin?"

"Secret". natatawang sagot nito.

"Bakit naman secret" Hindi ito sumagot bagkos ipinagpatuloy lang nito ang pag-inom.
Hindi ko na namalayan kung ilang baso na ba ang nainom ko...namin. Basta ang alam ko ay naging masaya ako ngayong gabi na nakapagpagaan ng aking damdamin.

Jack POV

"Jack pwede bang pakisundo kami dito sa *toot*? You know this place di ba? Lasing ang kasama ko eh. Hindi ko na rin kayang magdrive."- Vince

"what? Wrong timing ka Vince."

I'm here sa condo ni Tenny o Lenny ahh basta, my newest girlfriend, kunting kembot na lang mapapayag ko na to ehh, pero dyahe bigla namang tumawag tong magaling kong kapatid and yes, wala akong galang, hahaha. Hindi naman talaga ako tumatawag ng kuya sa kanya, 1 year lang naman tanda non sa akin eh. Pero mas walang galang 'yong bunso namin, mantakin niyo, tumatawag lang yon ng kuya kapag may kailangan.

"Come on Jack, magaling ka lang talaga kapag ikaw ang may kailangan. Kanina inutusan mo akong kummuha ng kotse mo sa pinag-iwanan mo , pero ako hindi kita maaasahan." lasing nga kung magsalita ito.

Muntik nang mapikot ng gwapong si ako kanina, sa isa sa mga girlfriends ko, dinala niya kasi ako sa condo niya pero di niya sinabing nandoon ang parents niya, at ang alam ng mga ito, mamamanhikan na ako, pero dahil malakas ang radar ko, ayun, dali-dali akong pumuslit at iniwan na lang doon sa parking lot ng condo niya ang kotse ko. Yun tuloy nakipag-agawan ako ng kotse kanina, pero never ko namang pinagsisihan, wink :) Kaya si Vince na lang ang pinakuha ko kanina ng kotse ko kahit kadarating lang nito ng Pilipinas galing sa States.

"Bro, magtaxi ka nalang"

"come here!"

Hay wala na akong choice kundi ang sunduin nga ito, ginamitan na ako ng seryosong tono eh.

"Okay, okay,. I'll be there in thirty minutes."
----
Pagkarating ko, nakita ko kaagad si Vince na may kasamang babae na halatang lasing na lasing dahil napatalungko nalang ito sa mesa. Tsk! Tsk! grabe naman 'to, may chicks kaagad sa first day palang ng pamamalagi dito. Akala ko kasi tigang na ito eh, hehe, hindi na kasi ito nakikipagdate simula nong naghiwalay sila ng friend ng bunso namin na si Valentine.

"Bro, chicks mo?"

"Ugok! si Juvy to, buhatin mo na nga lang yan." 

kung makapag-utos naman 'to, but wait, Juvy daw? don't tell me...

"Lee?" Binuhat ko kaagad ito at hindi ko talaga maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ko ang maamong mukha nito.

"Paano kayo nagkita ni Lee?"
Tanong ko matapos ayusin ang pagkakahiga nito sa backseat ng kotse. Noon pa man, close na si Lee at nung kapatid ko, pero mula ng break-up nila ni Valentine ay di nayan namalagi dito sa Pilipinas except pag may important business transaction ito dito.

"Basta... wag mo na nga lang ako kausapin." Napakamot na lang ako ng ulo at nagsimula nang magdrive palayo sa bar na iyon.

"Teka bro, kila bunso ko ba ihahatid itong si Lee?"

"No, I think tulog na si DJ ngayon, it's almost three in the morning. Sa condo nalang muna dalhin yan."

Ang condo na siyang tinutuluyan naming dalawa ang tinutukoy nito.

"Hindi puwede, alam mo namang dalawang kwarto lang ang naroon." Nagtaka ako ng hindi ito sumagot, paglingon ko tulog na pala ang loko. Nilingon ko nalang si Lee sa likod, pagtingin ko bahagyang nakalilis ang bistidang suot nito. Naisip kong buksan ang ilaw sa loob ng kotse at silipin ang nakalantad na makikinis na legs nito. Napangiti na lang ako sa sarili kong kalokohan.

"Ale", anas ko ng maalala kung paano kami nagkita kanina sa abangan ng taxi.

TBC.  .  .

When LOVE and HATE Collide. (The Billionaire Series No.1)Where stories live. Discover now