PAANO NGA BA?

7 0 0
                                    



Naranasan mo na bang magmahal?



Yung tipong kaya mong ibigay o isakripisyo ang lahat-lahat para sa kanya?



 Yung kaya mong tanggapin kahit maging sino o ano pa siya pagdating ng araw?



Yung lahat ng bagay at hamon sa buhay mo, 


kaya at matapang mong haharapin dahil alam mong mayroon kang kaagapay


 na pwede mong masandigan kapag pinanghihinaan ka na ng loob?




Ako kasi mayroon.



Pero paano kapag dumating yung araw na sumuko na siya?




Kakayanin mo bang harapin ang mga bagong umaga ngayong alam mo nang bumitaw na siya?




Na wala na sa tabi mo yung taong pinakamamahal mo.



Na wala na yung taong nagbibigay ng rason para mabuhay ka.



Oo,


sabihin na natin na nabuhay ka ng ilang taon sa mundo ng wala siya, pero paano kapag nasanay ka na sa presensiya niya?




Paano kung naiba na yung buhay mo nung dumating siya?


 Paano kung 'di mo na kayang bumalik sa dating ikaw sapagkat alam mong malaki ang naging impluwensiya niya sa'yo?



Paano nga ba?



Paano nga ba kalimutan ang taong higit mong minahal?



Yung taong naging malaking dahilan ng pagbago mo,



ng pagsisipag mo sa pag-aaral at naging malaking rason ng iyong patuloy na pakikipaglaban sa mga hamon ng buhay?




 Ang hirap diba?






Alam ko sa mga magbabasa nito, maraming 'di sasang-ayon.





Alam ko din na sasabihan niyo ako na ang tanga-tanga ko kasi minamahal ko padin siya.





Na kahit ganito yung nangyari sa aming dalawa,



di padin ako lumalayo sa kanya na dapat matagal ko nang ginawa.




 Alam ko din naman na sasabihin niyo na ako lang gumagawa ng makakasakit sa akin.



Okay lang.


Wala namang masama kung ganyan ang gusto niyong isipin


 dahil may kanya-kanya tayong mga opinion para sa mga bagay-bagay.




Paano nga ba makaramdam ng pagod?




Pagod na kusang magpapahinto ng nararamdaman ko para sa taong 'to.



Kasi kahit anong gawin ko, 


na sa kabila ng pang-iiwan na ginawa niya, 


'di ko magawang kalimutan at iwan siya ng basta-basta.




Ewan ko ba. Bakit parang sobrang hirap gawin?



 Kung tutuusin naman 2 BUWAN, 3 LINGGO at 5 ARAW lang naman naging kami eh.




Pero ba't 'di ko kayang bumitaw?



Ba't 'di ko kayang mang-iwan?




 Siguro, dahil alam ko kung gaano kasakit maiwan.



Gano'n ba yun?



Oo, ilang beses na akong iniwan,




at SOBRANG SAKIT sa pakiramdam.



Alam ko naman na alam niyo din yung feeling.




At 'di ko maipagkakaila yun kaya nga siguro 'di ko kayang lumayo sa kanya.



Paano nga ba pigilin o turuan ang PUSO na 'wag nang tumibok pa para sa kanya?




Paano nga bang 'di na umiyak 



sa tuwing naaalala mo yung mga MEMORIES na nabuo niyo sa maikling panahon na magkasama?





 Paano nga bang iwasan yung mga lugar na lagi niyong napupuntahan ng sabay?




Kasi,


 kahit saang sulok pa ako mapadpad,



may mga bagay talagang sadyang nagpapa-flash back sa lahat ng mga memories namin.




 Ang hirap naman talaga oh.



Aminin mo,



 diba ang hirap ng kalagayan na mayroon ako ngayon?




Oo,



alam kong sasabihin mo sa akin na ako lang nagpapahirap sa sitwasyon ko,



pero ang tanong ko lang sa'yo,



 naranasan mo na bang magmahal ng ganito?



 Siguro,



para sa mga taong nakaranas na ng pinagdaraanan ko ngayon,



 alam nila kung bakit ito ang pinipili ko.



Paano nga ba ako mang-iiwan kung kakampi niya naman si Lord?



 Na sa tuwing humihingi ako ng sign sakanya 


kung dapat ko pa bang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa taong 'to,





o susuko na lang ako at iiwan ko na siya,



 lahat ng sign na gusto ko,



nangyayari.




Una, yung SANTAN.



At kani-kanina lang yung DOSE (Twelve). Hayyyyy.



Paano nga ba?



Paano nga bang umiwas?



Mang-iwan? Mapagod?



 'Di umiyak?


 At tuluyang lumayo sa taong SOBRANG MAHAL NA MAHAL MO.



Kakayanin mo bang malayo sa kanya kung alam mo sa sarili mo na siya na ang bagong dahilan ng bawat paghinga mo para mabuhay sa mundo?



Ngayon?


Eto,



 magkaibigan kami.



Yun daw muna ang gusto niya para sa aming dalawa.




Gusto niya daw muna maging masaya at mag-enjoy kami sa aming kanya-kanyang buhay.



Okay lang naman yun sa akin.



 Kahit naman sabihin ko sakanya na mas magiging masaya ako 'pag kami na lang ulit,



wala talaga eh.



FRIENDS lang daw muna.



 Kahit na malaking sampal yun sa pagmumukha ko,



tatanggapin ko kasi alam ko na balang araw, kapag tama na ang oras,



babalik siya,



'di lang sa alam ko pero dahil na din sa mga sinabi niya na PANGHAHAWAKAN ko.



Aasahan ko ang kanyang pagbabalik.




At sana sa araw na iyon,



 handa na niyang tanggapin 


at matapang na siyang haharapin ang mga pagsubok na dumaan sa aming dalawa.





Isa lang naman talaga ang gusto ko eh,



mahanap niya na ang dapat niyang mahanap.



At sana,



makabalik siya sa kaarawan ko.



Ayun lang naman yung inaantay ko eh.



At hindi ako magsasawang patunayan sa kanya na kahit kailan,



'di ko siya iiwan.



 Kahit kailan 'di ako magsasawang ipadama sa kanya yung pagmamahal ko.




 'Di bale ng FRIENDS lang kami,



basta yung pagmamahal ko 'di magbabago.




At sisiguraduhin ko sa kanya na 'di ako kailan man mawawala sa piling niya.



Sabihin niyo na ang lahat ng gusto niyong sabihin,




basta ang desisyon ko,



 hindi ako aalis sa tabi niya kahit anong mangyari dahil ang desisyon kong ito ay suportado ng Maykapal.




TANGA na kung TANGA.



Basta hinding hindi ko iiwanan ang taong MAHAL ko.



Dahil,



nag iba ang pananaw ko sa pag-ibig magmula nung dumating siya at ibinigay siya sa akin ni Lord.


When 'Story of Us' became 'Letting Go & Moving On'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon