Marco's POV

21.8K 232 4
                                    

Photo caption: Marco Alvarez

Marco, Marco Alvarez. He is the popping character of the story. Bigla na lang susulpot, bigla na lang magiging MIA.

He's Ellen and Stella's childhood friend. Ellen's best friend na nagkaroon ng romantic attraction para sa kanya na unfortunately, hindi natugunan ni Ellen ng same feelings.

You want a POV from this story's #Friendzoned ?


MARCO'S POV

Simula pagkabata minahal ko na siya-- si Ellen.

Mula sa aming paglalaro, hanggang sa pag-aaral, nanatili siyang puno ng imahinasyon. Puno siya ng admiration para sa lahat ng mga bagay, mapa-hayop man o mga halaman at bulaklak. Kahit ang mga ulap at bituin sa langit ay nagpapangiti sa kaniya.

Sa kamatayan ng kanyang mga magulang, alam ko na dinibdib niya talaga iyon. Kung sa akin man iyon nangyari, ga'nun din ang mararamdaman ko.

Binisita ko siya kina Stella isang araw, nasa kwarto daw siya kaya pinaghintay nila ako sa salas. Sumulpot si Stella at tinanong ako, "Oh? Ano ang ginagawa mo rito?"

"Bibisitahin ko lang si Ellen. Okay na ba siya?" tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Kaninang umaga pa 'yun gising ah. Gising na iyon bago pa ako lumabas sa kwarto namin para magdilig," bumakas ang pagtataka sa mukha ni Stella. "Ano? Tara puntahan na natin siya sa kwarto?"

"Sige," sagot ko sa kanya, medyo matagal na kasi akong naghihintay noon.

Hindi na kumatok si Stella, share naman sila sa kwarto ni Ellen. Pagbukas niya ng pinto, iyon na. Nakita namin si Ellen na nakatungtong sa study table nila ni Stella at tila ibibigti na niya ang sarili niya sa kumot na naitali niya sa frame ng bubong ng bahay nila na walang kisame.

"Ellen!" Tumakbo agad ako papunta sa kanya kasama si Stella.

Wala siyang sinabi nung pinaupo na namin siya sa kama nila ni Stella. Walang buhay ang kanyang mga mata at maputla ang kanyang mukha.

Pero sa araw ng kanyang kasal, naalala ko ang hitsura niya nung binigyan siya ng camera ng mama ni Stella.

Nagniningning ang kanyang mga mata. PInagmalaki pa niya sa akin ang digicam na iyon at pinakita sa akin ang mga kinunan niya ng litrato tulad ng mga aso sa kalye, ang ulap sa langit at ang basang dahon ng mga halaman.

Iba ang kanyang ngiti, kasingkulay ng mga larawang kinukuha niya sa camera.

At habang pinapanood ko sila ni Jude na magpalitan ng wedding vow, hindi ko na pinigilan ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata.

Dahil muli ko na namang nakita ang ningning sa kanyang mga mata at ang makulay niyang ngiti na kahit hindi ako ang dahilan, masaya na rin ako dahil alam ko na simula sa araw na iyon, hindi na mawawala pa ang ngiti niyang iyon.

Pagkatapos ng seremonyas, agad akong umalis ng simbahan.

"Marco!" tawag sa akin ni Stella na humabol pala sa akin. Nakasunod sa kanya si Daniel.

"Stella, Daniel," ngiti ko sa kanila. Wala na ang mga luha sa aking mga mata.

"Aalis ka na ba? Hindi ka na ba a-attend sa reception?" tanong ni Stella.

Tipid akong ngumiti. "Gusto ko lang muna mapag-isa. Susubukan kong humabol sa reception."

Hinayaan na nila akong umalis. Pumunta ako sa garden ng simbahan at umupo sa isang bench malapit sa grotto. Tiningala ko ang langit. Matiwasay ang panahon, nakikiayon ito sa okasyon. Ang araw ay kasingliwanag ng ngiti ng mga bagong kasal, ang mga ulap ay kasing puti ng traje de boda ni Ellen.

Ellen...

May narinig ako na crunch ng mga dahon kaya napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.

Isang diwata.

Napailing ako. Hindi siya diwata, isa siya sa mga abay sa kasal na naka-fairy costume nga pala.

"Hi," ngiti ko sa kanya.

"Hi," ngiti niya sa akin. "Bakit ka nagmumukmok dito?"

"Ikaw rin naman nandito. Baka pareho lang tayo ng dahilan," sagot ko.

Umupo siya sa tabi ko. Napausog ako dahil sa laki ng pakpak na suot niya sa likuran niya.

"Sorry," tawa niya. "I am supposed to be a fairygod mother."

"Yeah," tango ko.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Umaawit ang mga ibon sa hardin na iyon na puno ng matataas na puno.

"So, kaano-ano ka ng groom at bride?" lingon ko sa kanya.

"I am the cousin of the groom," sinalubong niya ang tingin ko. "I'm Stephanie."

Nag-alok siya ng handshake na nag-alangan ako kung tatanggapin ko ba o hindi.

"Marco," pakilala ko sa kanya.

At nung tinanggap ko ang handshake na iyon, sana nalaman ko na rin agad na simula sa araw na iyon hindi lang handshake ang tinanggap ko, kundi ang pagpasok rin ni Stephanie sa buhay ko.

The Set-Up Wedding [PUBLISHED BY PINK AND PURPLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon