"Maganda ba ang view?" Napatalon naman raw ako sa gulat! Jusko!


"H-ha?! Hindi ah! A-ano I mean, uh sige hahanapan na kita ng damit. Eto nga o, naghahanap na ko." Tumingin tingin ako ng damit at ginalaw galaw yung mga nakasabit. Pero base on my peripheral view, nakangisi pa rin siya sakin. Hindi tuloy ako makapaghanap ng maayos.


"O. eto na may nakita na ko." Binigay ko sakanya yung Blue na shirt, plain shirt. V-neck. Marami naman siyang damit so pede na yan para ngayon lang naman e. Binayaran niya na at sinuot. Pagkatapos lumabas na kami.


"It's already 4pm. Hanggang anong oras ba klase mo?" 4?! 3 ang end ng last class ko!


"3. Tapos na. Sige, uuwi na 'ko."


"Ihahatid na kita." Hindi na ko nakasalita dahil nakita ko nanaman yung tingin niyang mangangain. Pagkalabas namin ng mall sobrang lakas ng ulan. Shit, don't tell me mas-stranded kami dito!


"Dun muna tayo sa condo ko. Kapag tumigil na yung ulan ihahatid na kita."


"Pero sila Mommy ehh. Baka magalit."


"Call them ." Pumunta ko sa may gilid. Ic-click ko pa lang sana name ni Mommy kaso biglang may tumawag sakin. Si Aira.


"HELLO ALLISON! ASAN KA?! BAT HINDI KA UMATTEND NG LAST SUBJECT MO?!"


"Ay sandali po. Uhh, long story kasi. Kwento ko nalang bukas ha? Hehe." Binaba ko kagad yung phone. Alam kong tatalakan niya ko pagkakwento ko nito, simula pa nga lang kasi ayaw niya na kay Lance. Tinawagan ko na sina Mommy. Kaso out of coverage.



"Hey! Bat ang tagal?"


"Out of coverage kasi eh. Sige mamaya ko nalang tatawagan. Baka mastranded tayo dito sa Mall." Since wala kaming payong tumakbo kami papunta ng kotse niya. Grabe basang basa kami. Medyo malayo kasi.



"F*ck!" Rinig kong malutong niyang mura.


"Nakakapagod." Sabi ko ng makarating kami. Pareho kaming hingal na hingal. Napatingin ako sakanya. Yung abs bakat na bakat sa damit niya. Naglalaway na 'ko dito.


"Fasten your seatbelt kung ayaw mong tumilapon sa labas." Ang suplado niya/ Maya maya pa nakarating narin kami ng Condo niya. Malaki siya. Umupo lang ako ng couch bang siya naman pumasok ng kwarto niya ata.


"Here, eto muna suotin mo. Basang basa ka na eh." Inabot niya sakin yung shirt niya plain white. Kinuha ko yon at nagpalit na sa CR niya. Pagkasuot ko nung damit, above the knee siya sakin. Medyo maiksi pero no choice ako eh. Nakaundies parin ako, alangan namang tanggalin ko diba. Lumabas na ko ng CR.



Nakita ko siyang nakatopless. Nakatingin rin siya sakin. Parang kusang gumalaw yung mga paa ko at napaatras ako. Darn! "You're so damn hot." Lalo naman tuloy akong napaatras until nacorner na niya ko.


"Ah eh.." Umurong ata yung dila ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko at kinakabahan ako. Tumawa siya. "What babe?"



"Nothing. Pwede na ba kong umuwi?" Natanong ko na lang. Sila Mom kasi tapos si Kuya pa. Patay talaga ako nito. Idagdag mo pa ang bunganga ni Aira. Talagang double dead ako.


"Bat ka uuwi? Kakarating mo palang. Umuulan parin." Ang hot talaga niya. Nagdadalawang isip tuloy ako kung aalis ba talaga ako o hindi.


"Fine, hihintayin ko munang tumila yung ulan." Lumayo na siya sakin at pumunta sa may Dining Room. Nagtimpla siya ng kape. Eto nanaman ako e. Pinagnanasaan ko nanaman yung likod niya. Ang hot kasi! Napaka broad at firm na firm ang dating!


He's my BEDMATEWhere stories live. Discover now