Chapter 8

5.4K 231 33
                                    

Mabilis kong tinakbo at inakyat ang stage pagkakita ko sa anak ko. At nung nasa harapan na niya ako, agad ko siyang niyakap.

"Baby... Where have you been? Mom was so worried about you"

"I wanted to eat ice cream but tita Gen was talking with somebody on the phone"

"Baby naman eh, you should've told me. I will buy you ice cream naman. Pero wag yung lalayo ka sa akin bigla. Alalang-alala ako baby"

"Sorry mommy." Sabi ni Baby Gwyneth.  At yumakap na lamang siya sa akin. God knows how worried I was.  

I almost forgot that we were on the middle of the crowd. Napabalik lamang ako sa realidad nang marinig kong muli ang mga tili at sigaw ng mga fans na nandoon sa mall.

Napatingin ako sa mga maiingay na fans sa aking likuran na hinaharangan na ngayon ng mga bouncers. Urgggh! Fans will always be fans.

Dahil naka level ako kay Gwyneth ngayon, I look up to the man who caused those noise from the crowd, the man who brought my child back to me, none other than, Kent Ronnie.

The moment our eyes met, I saw him smiled. And microsecond later, narinig ko ang mga nakakabinging tili ng mga fans sa aking likuran.

Well di ko naman sila masisisi. Ang gwapo din kasi ng hinayupak na ito eh. The last time we met was 3 years ago pa, nung nag dinner kami.

Fresh pa rin sa isip ko yung gabing kinuha nya ang singsing ko. Yung gabing, binigyan niya ako ng necklace na hanggang ngayon ay suot-suot ko pa rin. Na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung bakit di ko mahubad-hubad ang kwintas na to. I had a bunch of necklaces at home and even in my home in Japan, I even lost count of them. But I still can't figure out why I always end up wearing this necklace. It has been an extension of me for the past 3 years.

Natigilan ako sa pag-iisip nung may lumapit sa amin, kay Kent in particular.

"We will start in a few minutes",Tumango lamang si Kent at agad umalis yung lalaki. I think siya ang manager ni Kent. Well, at least mabuti naman at lalaki ang manager niya. Teka nga!! Why am I thinking about that? Tsk.

Napatayo naman ako agad. At hinarap si Kent. "Thank you" I don't know what to say, so I end up saying thank You.

"No problem. And besides, the moment I saw her, I knew she's your daughter" sagot ni Kent.

Bakit feeling ko mas gumanda lalo ang boses niya? Anong nangyayari sa akin? Parati ko siyang napapanood sa internet kahit nung nasa Japan ako. But hearing him in person, indeed, it's different. 

"Kaya nga laking pasalamat ko na ikaw ang nakakita sa anak ko. Salamat ulit" Napansin kong malapit na magsimula ang show.

"By the way, mauna na kami ni Gwyneth. May show ka pa yata eh. Sorry sa abala. Savior ka namin today."

Pagpapaalam ko sa kanya. I gave him the best smile I could give. At kinuha na ang kamay ng anak ko. At nagsimula nang tumalikod.

Pagtalikod pa lang namin ni Gwyneth, nasa harap namin ang maraming wild na fans na nakatutok pa rin sa stage ang atensyon.

Ang malaking tanong ngayon, PAANO KAMI MAKAKADAAN?

Paano namin malulusutan ng anak ko ang nakadumog na mga tagahanga ni Kent? Baka mawala na naman siya ulit. What to do?

And an idea hit me. For pete's sake, I am a dela Merced. I can stop this show and can even close down this mall if I want to. Nakakabobo yata ang pagpunta ng Japan. Tsk!

I took out my phone and dialed my dad's number.

"Hello dad!... Yes, this is Deb... Can you come rescue us? Kami ni Gwyneth?... It's a long story... We are here at--- Hey! What are you doing?" 

Di ko natapos ang sasabihin ko dapat kasi kinuha nalang bigla ni Kent ang phone ko.

Napatingin ako sa kanya. What is he doing? Pati ang anak ko nakatingin na rin kay Kent na ngayon ay kumakausap sa lolo niya.

"This is Kent, tito... No need...I can handle the situation po... Yes... You have nothing to worry... Of course tito... Yes I will... Okay po tito... Hmm.. Yes sir... Bye" rinig kong sabi ni Kent kay Daddy.

Matapos nilang mag-usap binigay nyang uli sa akin ang phone. May plano pa sana akong kausapin si Dad, pero Call Ended na. Ano yun? Paano na kami lalabas ngayon?

I was waiting for Kent to say something. But he said nothing but he call his manager instead. Lumapit naman ulit yung lalaki kanina.

"Call StarStudio magazine. Tell them to postpone the pictorial later. I'll do it tomorrow instead" Bakas sa mukha ng manager ang pagkalito.

"I have more important matters to attend to" dagdag ni Kent.

Kahit confused pa rin, kinuha ng manager ang phone niya at ginawa ang sinabi ni Kent. Umalis na rin pagkatapos.

Pati ako rin ay nalilito sa nangyayari.

"You can't pass through that crowd. It would be difficult." I looked at the crowd behind us and he's right. So napatango ako sa kanya.

" Let's use the backstage. It would be easier" dagdag niya pa. At nagsimula nang maglakad pabalik sa backstage. Sumunod naman kami agad ng anak ko.

Di ko maiwasan na pagmasdan si Kent na naglalakad sa unahan namin. He looks so much more than he was 3 years ago. Kung noon oo, pogi at charming siya but now he's handsome, mature, hot guy.

Napabalik lamang sa wisyo ng madapa si Gwyneth dahil sa wires na nakakalat sa sahig.

"Oh my, baby! Are you okay?" Agad kong sabi kay Gwyneth. Sinagot naman niya ako ng ngiti.

Shet kasi na Kent to eh. Lakas makahigop ng atensyon. Di ko tuloy namalayan yung nilalakaran ng anak ko.

Kakargahin ko nalang sana ang anak ko para di na siya madadapa ulit nang...

Nang....

Nang...

Kinarga ni Kent ang baby ko.

KINARGA NI KENT ANG BABY KO!!!

Di ko alam kung paano nangyari, pero parang nag Slow Motion sa harapan ko yung ginawa ni Kent.

Slow motion kung pinanood ang madaling pagkarga niya kay Gwyneth.

At slow motion ko ring pinanood ang pagkapit ni Gwyneth sa leeg ni Kent na wari ay matagal na silang magkakilala.

Tinuruan ko si Gwyneth "Not to trust strangers" para iwas pahamak. Pero bakit ganun? Sigurado akong ngayon lang sila nagkita at nagkakilala, pero parang palagay na agad ang loob ng anak ko sa kanya.

Narinig ko rin ang mga sigaw, at ilan pang mga reaction ng mga fans sa likuran dahil sa ginawang pagkarga ni Kent kay Gwyneth.

Mas lumala ang pag slow mo ng mga pangyayari nang nilagay ni Kent ang kanang kamay niya sa likod ko, habang ang isang kamay naman niya ay karga ang anak ko, inakay niya kami papuntang back stage.

Nilingon ko si Kent. Tumingin din siya sa akin. Tiningnan ko ang anak ko na nakatingin rin pala sa amin.

Di ko namalayan na napangiti na pala ako. Di ko alam kung bakit feeling ko masaya ako.

Bakas rin sa mukha ng anak ko na masaya siya. Ang lapad ng ngiti niyang nakipagtitigan kay Kent.

And when they both look at me smiling ....

.....the two of them smiling at me

Lumaki ang mata ko bigla...

Kumabog ng pagka lakas-lakas ang dibdib ko...

At parang ang bagal ng proseso ng utak ko...

Dahil..

Dahil...

Dahil...

2 SETS OF EXACTLY THE SAME EYES ARE LOOKING AT ME RIGHT NOW.

Forced PregnancyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora