Gusto ko na talaga siyang batuhin ngayon dahil sa ginagawa niya pero hindi ko magawa dahil nakatali ako. Di man lang ako kinalagan eh kaimbyerna.

asaan ka na ba kasi Travis? Siya na lang ang natatangi naming pag-asa sa ngayon eh. Kabwiset na ang tagal niya. Pero I know dadating siya. Dadating nga ba?

"Ugh! Don't touch me and I don't wanna wear that freakin' gown for Pete's sake!" Sigaw ko out of rage. Paano ba naman kasi ang aga akong ginising ng mga gunggong na guards tapos dinala ako sa isang room na puno ng gowns. May make up artist din.

"You will wear this gown, or we will force you?" Sabi nung isang lalaki. "Para san ba kase tong kalokohan na to!?" Sigaw ko at nagpipilit makawala sa pagkakahawak ng dalawang malaking guards.

"It's an order from King Dark. So ready yourself and get dressed." Sabi nung isang guard at sumenyas dun sa dalawang pang guards kaya bumitaw naman iyon sa pagkakahawak sa akin at mahulog tuloy ako.

"Hoy bastos kayo ah! Kita niyo nang nanghihina pa ako bibitawan niyo ko!" Sigaw ko sa kanila pero diretso na sila palabas ng kwarto. Naiwan ako kasama yung make up artist.

"Tayo na dyan beh. Amoy lupa ka na." Sabi nung baklang make up artist. "Hoy ang kapal mo ha. Kung hindi lang talaga ako nanghihina inupakan na kita." Sabi ko sa kanya at nag roll eyes bago tumayo.

"Nga pala, wag mo akong minamaliit beh. Professional ako pagdating sa daggers." Sabi niya at nag ayos ng salamin. Woah. Okay...scary siya. Tumango na lang ako at pumasok dun sa cr. May nakalagay naman na sign eh.

May nakahanda ng towel, bath robe, at mga iba pang gamit. Hindi ko alam kung bakit ako pinagbibihis pero okay na din to kase makakaligo na ako. Ang bantot ko na pramis. Pero I need to find a way to get out of here.

Habang ako palang ang may magagawa sa ngayon. I'll do my best. Gagawin ko ang lahat para makalabas kami dito ng buhay at buo. May bintana dito na see-through at umakyat ako para makasilip doon.

Makikita ang malawak na kakahuyan mula sa la as at matataas din ang damo. Hmm..kung titignang mabuti ay nasa gubat or farm ata kami. Hayys. Malayo sa city.

"Ang tagal mo maligo." Muntik pa akong mahulog sa tinutungtungan ko nung nagsalita yung bakla.

"Oo na." Sagot ko at nagroll eyes na lang. Naligo na ako ng mabilis at binalot ang buhok ng towel at nag bathrobe. Nagsuot na din ako ng undies syempre.

Lumabas na ako ng cr at bumungad ang iritado pero kalmadong mukha nung make up artist. "Ang tagal mo talaga. O siya umupo ka na dyan ng maayusan na kita." Sabi niya sa akin at itinuro ang isang swivel chair.

Umupo ako doon at sumunod siya dala ang mga gamit pang make up. "Before anything else, para saan ba kasi to?" Tanong ko dahil naguguluhan na talaga ako.


"Hay naku. Wala man lang bang nagsabi sayo? Today, you will marry King Dark and you will become his Queen." Sagot niya.

Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi ako kaagad nakapag react. "The heck! I won't marry that bastard! Tinanggal ko ang towel sa buhok ko at tumayo. Papalabas na Sana ako ng pinto ng biglang may tumusok na dagger sa pinto.

Nabigla ako sa ginawa niya. " I know this will happen and I won't let you escape. And even though you will escape me, you can't get out of here. In our HQ full of gangsters, assassins, and, mafias. They will fight." Sabi niya at nagbato na naman ng dagger.

Umilag ako at humanap ng pangsangga. Kinuha ko yung isang monoblock chair at tumagos doon ang dagger. Wooh muntik na akong tamaan sa leeg.

The Mysterious Nerd Onde histórias criam vida. Descubra agora