Why I hate boys

6.3K 157 4
                                    

umuwi na ako after nung incident. di ko kasi gustong makita nila akong umiiyak. Ayaw kong kaawaan nila ako, ayaw kong magmukha akong tanga sa harap ng mga bestfriend ko.

OA na kung OA eh sa ganyan ako eh. Nagtataka ba kayo sa nangyari kanina? well, let me tell you the story why I hate boys.

*flashback*

11 years ago

I was only 8 years old, bago lang ako nun sa lugar namin, kakalipat lang namin, kasi si pappy(papa ko) ay nagpatayo ng business malapit dito, halos lahat ng nakatira dito mayayaman at ayaw ko sa kanila kasi di mo sila makakalaro sa labas kasi ayaw nilang nadudumihan puro lang sila barbie at bahay bahayan, di naman din kasi ako natutuwang maglaro nang ganun.

kaya isang araw, habang naglalakad ako sa park na malapit nang magdilim naisipan kong umupo sa swing at maglaro saglit, malapit lang din naman bahay namin dito sa park na to.

habang naglalaro may biglang lumapit sakin, isang batang lalaki na may hawak na CD player

(pasensya wala pang ipod 10 years ago)

"hello" sabi ko dun sa batang lalaki na umupo sa swing na tabi nung akin

"kumakanta ka?" tanong nya sakin

tumango lang ako, kasi totoo naman, sa bahay namin, kapag walang magawa si mama, kumakanta yun tapos pinapakanta din ako, memory enhancer daw sabi niya kay papy, di ko alam ano ibig sabihin nun kaya kumakanta lang din ako, tapos pag may family gatherings ganun din

"sige nga! kanta ka nga!" sabi nya

"anong kakantahin ko?" tanong ko

"kahit ano!" sabi nya

tumingin ako sa langit, ay alam ko na!!

"twinkle twinkle little star, how I wonder what you are, up above the world so high, like a diamond in the sky"

"hahaha. pang kinder naman yan eh!" sabi nya

"pero nakinig ka naman" sagot ko

"hahaha ang ganda ng boses mo." sabi nya ng nakangiti

"magkaibigan na tayo!" sabi nya

napaisip naman ako sandali sa sinabi nya, ganun lang pala siguro makipag kaibigan? kantahan mo lang okay na? hmm noted

"yehey. may kaibigan na ako!" sabi ko at ngumiti din

*endflashback*

ganyan ko nakilala ang una kong kaibigan, nakakatawa nga kasi di ko nalaman ang pangalan nya pero araw araw kami naglalaro. Ang alam ko lang, is yung nick name nya, which is Neau (reads as new)

naging close kami for 2 years kaso may nangyari

*flashback*

papunta na ako sa bahay nina Neau, kaso nakita ko syang nakapang-alis at ang daming kahon sa labas ng bahay nila, tumakbo ako papalapit sa kanya

"Neau? bakit ang daming kahon dito?" tanong ko

"Sam andito ka na pala! aalis kasi kami, sabi ni mommy pupuntahan daw namin si daddy sa states." sabi ni Neau

"iiwan mo ko?" tanong ko na mangiyak ngiyak na

"hala! wag ka iyak sam!" sabi nya, kaso naiiyak na talaga ako.

kaya umiyak ako

"Sam naman eh. lika nga!" sabi nya at pumunta kami sa park, sa may swing, kung saan kami unang nagkita.

Gangster Vs Bully ✔Where stories live. Discover now