Part I - Ang bayan ng San Salvador

14 0 0
                                        


Kilala ang bayan ng San Salvador sa mga mamamayan nitong masayahin, matatag at matiyaga at hospitable sa mga bisita. Bagamt payak ang kanilang pamumuhay ay masaya naman ang mga naninirahan dito. Ipinagmamalaki ng bayan ang magagang nitong tourist spots na madalas na dinadayo ng mga lokal at banyagang turista.

Ngunit sa kabila ng mga magagandang katangiang ito ng bayan, lantad rin ang mga problemang panlipunan nito. Hindi maikakaila ang korapsyon na nagaganap sa pamahalaan at ang paglaganap ng krimen bunga ng ilegal na droga.

Kaya nga madalas ang mga rally sa mga lansangan para tuligsain ang mga nanunungkulan sa bayan. Kasama din ng mga protestang ito ang paghiling sa kapulisan na tugunan ang mga nagaganap na krimen at ilegal na droga.

Galit ang mga tao sa kasalukuyang gobyerno dahil animo'y bulag at bingi ito sa mga hinaing ng mamamayan. Kaya hiling at dalangin ng mga ito ang mapalitan na ang kasalukuyang gobyerno upang magkaroon na ng pagbabago.

Tamang-tama naman dahil nalalapit na ang eleksyon, kaya mistulang nakatitig sa maliit na silay ng liwanag sa dulo ng tunnel ang mga tao, dahil para sa kanila ang pagbabago ng administrasyon ang tanging paraan para makamtan nila ang kaginhawaan.

Siyam na buwan na lamang ang nalalabi at may bago nang uupo upang sila ay pagsilbihan at umaasa ang mga mamamayan ng San Salvador na sila na ang magiging tagapag-ligtas nila sa mga problemang kasalukuyan nilang hinaharap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang TagapagligtasStories to obsess over. Discover now