"Uhm, Drei? Uhm, yung kam-"
"Uy anjan na yung bus! Dali sakay na sakay na sakay naaaaa! ^____^" at hinila ko siya. Hay, anubayan, napansin niya na na hawak ko yung kamay niya. Kainiiiiiis. Kailangang gumawa ng paraan Drei. HAHA, hay. Tama na nga, pinapaasa mo lang yung sarili mo.
Nung nakasakay na kami ng bus, siyempre, dun kami sa two-seater. At kinalas na namin yung almost half an hour of holding hands. Hay, nakakalungkot naman. HAHA, grabe a, kanina lang kami naging close, skinship agad? Yung totoo?!? Hay. Tong si Manong Driver e mabilis magpatakbo, mukha tuloy natatakot tong si Denise. Hay, sabi ko na nga ba dapat nagsasakyan na lang kami. At mas mapapabilis pa. At mas masosolo- wait. Tama na Drei. HAHAHAHA.
"Uhm, Denise, gutom- SHOOT! Denise, kalma na, wag ka ng umiyak,"
Pinunasan niya yung mata niya, at ngumiti, pero may mga luha parin na pumapatak galing sa mata niya.
"Uh, sorry Drei a. N-nakita mo pa akong u-umiiyak..."
"Tsk. Diba sabi ko sayo, nasa heaven lang sila, binabantayan ka, bakit ka umiiyak?" Sabi ko sakanya, habang inaayos yung buhok niya, at kumuha ako ng panyo, at pinunasan ko yung mata niya.
O___________________O <-Mukha niya
Bat ganyan mukha nitong si Denise? May nasabi ba akong masama? O- SH*T. Wrong move wrong move wrong move. Nako, baka lalong lumala ang sitwasyon, lalong magalit siya kay Shaun at lalong magalit si Shaun sa mundo. At baka sabihin ni Shaun binabalik ko lang ang nakaraan... Psh, baka magalit lang talaga si Shaun, wala ng iba.
"Bakit g-ganyan ka makatingin Denise? ^___^" Isip ng palusot Drei, isip lang, isip!
"A-anong s-sabi mo? P-pakiulit nga?" Sabi niya pero yung mukha niya ganun parin.
"Sabi ko, "Tsk. Diba sabi ko sayo, nasa heaven lang SIYA, binabantayan ka, bakit ka umiiyak?" si God? Diba, asa heaven lang siya binabantayan ka niya, tayo?" Sabi ko, at feeling ko habang sinasabi ko yun e tumutulo na ang malamig na pawis ko mula sa noo sa sobrang nerbyos. HAHAHA. Hindi ako tinatawag ng kalikasan a! -___-
"Aaa, ganun ba. Pero kasi, for a second, akala ko talaga ikaw siya. Na ikaw talaga siya at hindi siya..." At nakatingin na lang sa langit tong si Denise, parang may iniisip.
"Hah? Wala akong maintindihan sa pinagsasabi mo Denise? HAHA " Yun na lang po masasabi ko sakanya.
"Pero alam mo Denise, pag ganyan, may problema kayo ng pinsan ko, andito lang naman ako e. You can always have my shoulder to cry on. Andito lang ako." at seryoso ko yung sinabi sa kanya. At isa pang makita ko na umiyak si Denise ng dahil kay Shaun, I'll take her, by hook or by crook.
"Hmm, thank you Drei, I know." Tapos, yun, naging silent kami.
Chapter 15: That Date. Part 1 ^^
Start from the beginning
