"Hi everyone- oh I'm sorry." All eyes were on Sir Perez. We didn't expect him to come.

But one thing is for sure. Daddy is the one one who invited him here.

"Jerome, mabuti naman at napagbigyan mo na 'ko." Nakangiting sinalubong ni daddy si Sir Perez.

"O since nandito naman tayong lahat, let's have lunch together. Magluluto ako." Masayang sabi ni mommy tapos pumunta na siya sa kusina. I know she'll have all the maids to assist her kaya naisipan kong alokin sila na umupo sa sofa.

Kuya, daddy and Jerome were busy talking to each other. Si Jc naman nakaupo lang sa tabi ko at nakatingala sa kisame.

"Jc, sorry ah hindi natuloy yung pagstroll natin. Ang pangit naman kasi tingnan kung-" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko siyang magbuntong hininga.

"Ok lang." Kahit na alam kong hindi siya ok eh pinabayaan ko na lang muna siya.

"Yna, teacher din pala si Jerome sa university mo ah." Sabi ni dad sa akin na nakangiti parang nakalimutan na nga niya na galit siya sa akin eh.

"Actually his my teacher." Dagdag ko pa sa kaalaman ni dad na hindi yata balak sabihin ni Sir Perez.

"Oh really? That's great! Mababantayan ka niya sa mga walang kuwentang tao kung ganun." Then I glared at my father for what he said dahil alam kong patama ito kay Jc. Napatingin nga rin ito sa kanya eh.

"Haha.. Ngayon ko nga lang po nalaman na kapatid pala siya ni Tristan." Sabi ni Sir Perez. Oh liar! Well of course that's not true. "Ang layo kasi ng itsura nila sa isa't isa." What the.. What do you mean?

"Aray! Oh 'yan Yna alam mo na ah." Sige lang kuya tawa lang. Pft! Damn it.

"Every people has there own beauty inside and out kaya siguro ganun." Sabi ni Jc habang kumakain.

That's when everyone stared at him. Ngayon lang kasi nila narinig si Jc na magsalita and I know they don't like it. Hindi nila gusto si Jc. Hanggang sa matapos kami kumain, hindi na sila nagsalita pa ulit. So my mom decides to speak to break the silence.

"So how's the food?" Tanong ni mommy.

"It's good tita." Nakangiting sabi ni Sir Perez.

"How 'bout you Jc?" Thanks to my mom dahil hindi siya nahawa kay dad.

"It's fascinating, tita." My mom felt flattered. Napangiti naman ako sa sinabi ni Jc. I think he really appreciates my mom's way of cooking.

"Really? How sweet of you naman." Hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang ngiti ni mom. "Narinig mo yun Tristan ah! Masarap daw luto ko." Kuya Tristan rolled his eyes.

"Hindi kaya!" Sagot ni Kuya Tristan kay mommy. As if naman, gusto niya lang salungatin si Jc eh.

"Weh?" Pang-aasar ko na mas lalo pang ikinainis ni kuya kaya ayun umalis siya sa harap ng lamesa at pumunta sa kuwarto niya.

"Care for some dessert?" Alok ni mommy.

"Yes please, honey." Sabi ni daddy.

Pumunta si mommy sa kusina para kunin yung dessert. Si kuya naman ayun di na bumalik. Biglang nagring ang phone ni dad kaya nag- excuse siya sa amin. Kaming tatlo nalang nina Jc ang natira rito.

"Hindi ko alam na pati pala rito susundan mo ko." Sabi ni Sir Perez kay Jc.

"Excuse me, ako ang nauna rito." Sagot ni Jc na ikinangisi ni Sir Perez.

"Ako ang inimbita." Seriously? Nag- aaway talaga sila sa harap ko?

"Hi mga anak! Eto na ang dessert." Inilapag ni mommy ang dala niyang bandeha ng dessert.

"Thanks tita! I really need that you know? Masyado na kasing nakakapait ng panlasa rito eh." Sir Perez is pertaining to Jc, I know. At siyempre alam ko rin na magsasalita rin si Jc.

"Bitter kasi siya tita! Haha.." Nakitawa na rin si mom kay Jc without knowing na umuusok na ang ilong ni Sir Perez sa inis. Haha.. Sorry, pati tuloy ako natatawa na rin.

Nang dumating si dad, kumain na kami ng dessert. Tumigil na rin ang dalawa sa kakapalitan ng mga salita. Siyempre si kuya hindi na ulit bumaba. Pagkatapos na pagkatapos naming kumain, nagsabi sa akin si Jc na aalis na raw siya.

Nagpaalam ako kay mommy and daddy na ihahatid ko lang muna si Jc sa labas. Pumayag naman sila.

"Jc sorry ah.." Nakayuko akong humingi ng sorry sa kanya.

"For?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Sa inasal nina dad sa sa 'yo kanina and yung pagpunta ni Sir Perez dito eh hindi ko talaga alam." Pagpapaliwanag ko sa kanya para malaman niya.

"Wala yun.. What's important is there's you and me. We will make each other happy kahit na maraming hadlang at hahadlang pa. I love you, Yna." Sabi ni Jc sa akin at hinalikan ako sa noo.

And from there, we end up hugging each other.

A/n
Ayan ah! Pili na kayo sa dalawa. Sir Perez or Sir Medrana?

When We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon