Chapter 25

179 6 0
                                    

Hey Hey! U.D :)

MARK's POV

"hachuu!"- bahing ni Lailanie. Andito kami ngayon sa room namin. Woo. Buti nalang at nakita ko sya dun sa park kundi baka nirape na to -____-

"Ano ba kasi ginagawa mo dun?" - sabi ko sakanya habang pinupunasan ko yung ulo nya at mukha.

"Wala lang, naabutan lang naman kasi ako ng ulan e .. HACHING!"- sabi nya sabay bahing ulit.

"Oy naligo ako no."

"Oo alam ko may si-- si-- si-- HACHING!" 

"Wag ka na nga muna magsalita,halika bihisan na kita"- Nakita ko na namula sya bigla, tsss kala naman nya gagawin ko yun Good Boy ata to no!

"Oh? Bat namumula ka?"

"W-wala! Gagawin mo talga?" - naniwala sya. Hahaha.

"Syempre.... HINDI. Kahit ganito ako may respeto naman ako sayo no, tska alam ko na baka sapakin mo pa ko pag ginawa ko yun kahit concern ako sayo, magpalit ka na basang basa ka na oh." - Nakita ko na napangiti ko sya unti dun.

"Buti ka pa nagaalala sakin."

"Ha?"

"Wala! Babbuuuy ka talaga!" - Sabay punta sa cr at nagbihis na sya. Naaaning nanaman sya :3

LAILANIE's POV

kahit concern ako sayo

kahit concern ako sayo

Bat ganito tibok ng puso ko? Nababaliw >____< Bat ako kinilig dun? Waaa! Hindi Hindi! Nagbihis agad ako at lumabas ng CR, Nakita ko si Mark na kumukuha ng damit sa cabinet nya.

"Haay buti naman tapos ka na, ako naman sunod, nabasa din ako eh"

"uhhmm sige"

Umupo ako sa kama habang yung tuwalya eh nasa ulo ko pa. Bigla naman nag flashback sakin yung sinabi sakin ni mark, pakiramdam ko namula ulit ako at napa takip nalang sa mukha ko >___<

Maya-maya lang ay lumabas na si mark sa CR. Natulog na kami dahil sa pagod nya din siguro at ako, sa sakit ng ulo ko, di na ko nakapagsorry sakanya at nakapag pasalamat kasi yung hilik nya wagas eh. Halatang tulog na tulog.

Kinaumagahan. Gumising ako ng may ngiti sa labi ko. Ewan ko pero pakiramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko, pero masakit padin ang ulo ko dahil hindi ko parin naiinom yung gamot ko. 

"Naku lailanie, nagskip ka ng gamot mo, haaay ulyanin ka talaga"

Nasabi ko nalamang sa sarili ko. Pagbangon ko ay may nakita akong nakahain na almusal sa may table ko. Hindi na ko nagtaka kung sino ang naglagay neto dito sa table, siguro si mark ^___^

Ang sweet naman nya para dalhan ako ng pagkain dito sa kwarto >/////< kilig! Napansin ko din na wala na si mark doon kaya sya ang napaghinalaan ko. Tumingin ako sa ilalim ng plato, sa ilalim ng baso, pero wala man lang nakaiwan na note? Uhhh. Bat ba ko ganito? Naiinlove na ba ko sakanya? Pero hindi dapat. Sabi ko bawal mainlove sa Isa't-isa habang ginagawa namin tong pagpapanggap, pero bakit parang ako yung nahuhulog? Uhh!! Kainis. Hinid pwede to. 

Tumayo na ko sa kama at inubos ang pagkain na nasa mesa, medyo nahilo ako ng unti matapos kong kainin yun. Nilagyan ba to ng lason ni mark? Pero hindi ko naman na isip yun. Bat naman nya yun gagawin e wala naman ako ginagawang masama sakanya. Pagbangon ko ay nagsuot ako ng tsinelas, bubuksan ko na sana ang pinto ng may bigla akong nakitang sulat.

Galing kay mark? Nakita ko to sa ilalim ng pinto, parang isinuot mula sa labas papunta dito sa loob, nagtaka naman ako kung bakit yun gagawin ni mark eh pwede naman sya pumasok kasi magkahati kami ng room? Pero kahit ganun binasa ko parin yung letter na yun.

Hi Lailanie, gusto ko sanang pumunta ka sa park, may sasabihin ako sayo importante

Mark

Yun lang yung laman ng sulat. Pero bigla akong kinilig. Hindi kaya yung sinasabi nyang importante nyang sasabihin eh magtatapat na sya?

The Emotional Girl Meets The Broken Hearted Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon