Twenty Two.

520K 9.5K 325
                                    

Sa wakas!!

Ang Final Exams namin ay TAPOS NA!!

Laking luwag sa dibdib na ang lahat ng ni-review ay nandun. Kaya nakasagot naman ako kahit papaano. Sa wakas, di na sasakit ang ulo ko at lalabo ang mata ko kakareview.

Since tapos na rin naman exam namin pumunta na kami ni Luisa sa canteen. Sila Majah kaya tapos na mag exam? Si Damon kaya nakapag exam nang maayos? Paano naman kasi never ko siyang nakitang nag review kahit isang beses o isang segundo manlang puro pangungulit nga lang ang ginawa niya kagabi sa'kin eh.

Nakarating kami ng canteen at dun nakita na namin sila Majah kaya dali dali kaming lumapit sa kanila ni Luisa.

"Hey guys, musta exam?" Luisa asked as we take our seat.

"Walang kahirap hirap lang!" Pag mamalaki ni Lucas.

"Ang hirap kamo!" Raffy said.

"Sakto lang!" Maj said. Tss, pa-humble pa 'tong best friend ko eh panigurado namang sisiw lang sa kanya yung exam. Ngayon si Damon nalang ang hinihintay sana naman, maayos siyang nakasagot sa mga exams niya at hindi puro kiss namin. Haha.

Naramdaman kong biglang may umupo sa tabi ko at kahit di ko tignan kung sino yun alam kong si Damon yun dahil sa amoy palang niyang nakakaadik. "Hi, baby." He greeted kissing my shoulder.

"How's your exam?" I asked.

"Uh.. ayos lang." He said shrugging. Ayos lang? Di ba siya nahirapan? Parang waley lang sa kanya eh. "Who's up for drinks?" He asked everyone.

"Uy, inuman gusto ko yan!" Excited na sabi ni Lucas.

"Bakit parang bigla kang nagyayang uminum?" Tanong ko.

"Tapos na kasi ang final exams kaya happy happy naman." Kung sabagay tama nga naman siya, tapos na ang stress kaya time to enjoy naman.

"Game ako dyan!" Luisa said raising her hand. "Tagal ko ng di nakakapag Clubbing." She added.

"So, kita kita nalang tayong lahat mamaya sa Club?" Tanong ni Damon sa lahat.

"OKAY!" Sabay sabay nilang sabi maliban sa'kin. Excited lang ang mga peg? Grabe sila na mga wasalak!

Since tapos na ang exam at lahat sila ay excited na mag Clubbing lalong lalo na si Luisa kaya nag yaya na siyang umuwi para makapag bihis na daw.

So kami ni Majah no choice kundi umuwi na din para makapag bihis. Plano daw kaming sunduin ni Mar at Damon after nilang mag bihis para daw di na kami mag dala ng kotse ni Maj kasi plano din nila kaming ihatid.

Dumiretso naman agad ako sa kwarto ko pag kauwi namin tsaka nag hanap ng pwedeng suotin para mamaya. Ang last time na suot ko eh yung black dress ko, ano naman kaya ngayon?

Hmm.. isip, isip, isip.

I decide to wear my dark blue backless dress, yun lang tanging pumasok sa isip ko.

Nang mapag dedisyunan ko na kung ano ang susuotin, kinuha ko na yung towel ko para makapag shower na.

Pero bago pa 'ko makapasok ng bathroom naunahan na ko si Maj. Haay! So wala na kong nagawa kundi ang mag stay muna sa sala habang hinihintay siya.

At dahil nakakaburyong mag maghintay dito, i decided na mag patugtog nalang muna sa DVD player namin. Nag patugtog ako ng mga Taylor Swift songs.

Now playing.. Blank space.

Hindi ko na mabilang kung pang ilang kanta na ni Taylor Swift ang tumugtog nang finally matapos si Majah sa pag shower.

Sa wakas ako naman!

I head straight to bathroom, and sinimulan ng mag shower. Baka dahil sa tagal mag shower kanina ni Majah eh dumating na yung mga sundo namin. Wag naman sanang dumating sila habang nandito pa 'ko sa bathroom at baka makita na naman ako ni Damon na nakatapis lang ng tuwalya.

Natapos ako sa pag shower at dali daling pumunta ng kwarto ko. Hindi ako excited ah, sadyang ayoko lang paghintayin yung mga sundo namin na baka bigla nalang dumating.

Sinuot ko na yung dark blue dress ko, tsaka umupo sa upuan sa harap ng salamin habang pinupunasan yung buhok ko.

Biglang nag bukas yung pinto ng kwarto ko at napahinto sa pag pupunas ng buhok ko ng makita kong si Damon na papasok. He's wearing black polo, naka unbuttons yung tatlong buttones ng polo niya kaya medyo kita ang chest niya talaga namang lalong nag pa hot sa kanya.

"Hi, baby." He greeted, smiling.

"Damon, dapat kumatok ka muna bago pumasok paano nalang kung nakahubad pala ako at bigla bigla ka nalang pumapasok." I scolded.

"Edi maganda kung ganun." Pilyo niyang sabi.

"Pervert!"

He laughed. "Can't argue with that, baby." Naglakad siya papunta sa kama ko at umupo banda sa likod ko kaya nakikita ko ang reflection mula sa salamin.

"Yan ba susuotin mo?" He asked looking at back.

"Yah, why?"

"You look hot."

I chuckled. "Thanks."

Pinagpatuloy ko lang ang pag pupunas sa buhok ko habang tahimik sa likod ko si Damon kaya di ko maiwasang mailang at tignan siya mula sa salamin at iniisip kung ano na naman kayang tumatakbo sa playboy niyang utak.

"Can you do me a favor?" I asked looking at him on the mirror. Tumingin siya sa mga mata ko bilang response sa tanong ko. "Pwedeng pasabit ng towel ko sa tabi ng pinto?" Wala naman siyang ginagawa eh, kaya uutusan ko na. Haha.

He chuckled. "Sure." Tumayo siya at humakbang ng dalawang beses papalapit sa'kin tsaka kinuha yung towel sa kamay ko.

I smiled sweetly. "Thanks."

He kissed my head. "Anything for you, baby." Pagkasabi niya nun, sinimulan ko naman ang mag make up. I still want to look simple, so simple make up lang na nag match sa kulay ng dress ko ang nilagay ko then my favorite cherry flavored lipstick.. and... im done.

"Finish?" He asked.

"Yup." I stand and face him. Humakbang siya papalapit sa'kin at hinawakan ako sa bewang habang nakatingin sa labi ko. I put my hands on his shoulder, while looking back at his lips.

"Shall we go?" I asked.

"No, wait." He said shaking his head. He bends down his face and presses his lips to mine. "Now we can go." He said smirking, seductively. Woe! Just a smack kiss? Nothing more deeper like.. intertwining our tongue or maybe just a passionate kiss?

I felt.. bitin.

I pout disappointingly.

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon