Ten.

629K 12.2K 564
                                    

Week After..

Maj is in the couch, reading, studying as always. Gusto niya kasing maka kuha ng highest grades sa classes niya di tulad ko, ayos na sa'kin ang makapasa at hindi pasang awa ang grades. Ewan ko ba kahit mag best friend kami wala ako sa mood na magaral ng magaral tulad niya.

Wala siyang pasok ngayon, swerte niya ako kasi meron. Bukas pa 'ko walang pasok, swerte din naman pala.

"Plano bang bumisita ngayon ni Mar?" I asked.

"Yup." Sagot niya na di manlang nag abalang tignan ako.

Naglakad nalang ako palabas ng Apartment kasi naman obvious sa kanya na ayaw paistorbo. Pero bago ako lumabas, pag bukas ko ng pinto biniro ko muna siya.

"Use condom, okay?"

Dali dali kong sinara yung pinto at narinig ko pa yung pasigaw niyang tawag sa'kin. Kaya habang binubuksan ko yung pinto ng kotse ko di ko mapigilang matawa.

Ang pikon talaga niya.

Sumakay na 'ko ng kotse, inilagay sa passenger seat yung bag, nag suot ng seat belt, inistart yung makina, tinignan sa salamin kung maayos yung buhok at binuksan ang music.

Ready to rock na si Amber.

Sinimulan ko na ang byahe at tulad ng hobby ko kapag nagmamaneho o nasa byahe, nakikinig ako ng music. Now playing: Baby now that i found you, MYMP version.

I just hummed with feelings. May pahawak hawak pa 'ko sa dibdib ko habang itinataas yung kamay, Oo tila ako baliw ganun talaga ang epekto ng music sakin. Haha!

Narating ko ang school, pinark ko lang yung car ko tsaka kinuha yung bag at sinukbit sa balikat ko tsaka bumaba ng kotse para makarating na ng classroom ko.

Nakita ko si Luisa na naglalakad at mukhang papunta na rin sa classroom namin, tumakbo ako papalapit sa kanya at biglang umakbay sakanya na ikinagulat niya. "Ano ka ba, aatakihin ako sayo sa puso eh." Pagaangal niya.

"Bawas bawasan mo kasi ang pagkakape para di ka nagiging magugulatin." I joke. She just rolled her eyes.

"Nag rereview ka na ba for finals?" She asked.

"Yup, nag sisimula na 'ko."

"Aba, mukhang ang Damon thing wala nasa ulo mo ah."

"He.he." I laughed sarcastically. "Dahil sinabi mo pangalan niya ayan, pumasok na naman siya sa utak ko."

"Ooppss!" Nag peace sign siya. Isang linggo na din ang lumipas mula nang pinalayo ko sa'kin si Damon, at masasabi ko yun na ata ang pinaka mapayapang linggo ko mula nung make out session namin.

Sinunod niya yung gusto kong tigilan na niya 'ko, iba naman kasi ata ang ginugulo niya ngayon. Napapadalas ko na kasing nakikita siyang may kasamang babae, siguro sa buong linggong mula ng tigilan niya 'ko mga tatlong beses ko silang nakita. Oo na! Tinitignan ko padin siya, siguro naman kahit sino gagawin yun kung alam mong may pinagsaluhan kayong uh.. mainit na oras?

Hindi ko di naman matanong kay Mario kung sino yung girl na lagi nitong kasama, wala din naman akong planong itanong. Tsaka dahil siguro napaka understanding nilang kaibigan kaya pag magkakasama kami sa iisang table every break time hindi nila binabangit si Damon. Alam kong mahirap yun para kay Mar dahil tropa niya si Damon.

Haay! Bakit ko ba na naman iniisip yung mokong na yun? Eh siya nga hindi ako iniisip eh. Eto kasing si Luisa eh, binangit pa.

Narating namin ang classroom, saktong dating naman ng professor namin.

Our classes finally ends.

"Library muna 'ko ah, manghihiramin akong libro eh." Luisa said.

"Okay, mauna na 'ko sa canteen gutom na naman yung tyan ko eh."

"Pa check up ka na, baka may bulate ka na sa tyan." She jokes.

I make a disgusted face. "Nakakadiri naman yun!" She just laughed.

Sabay na kaming lumabas ng classroom, siya para pumunta sa library ako naman sa canteen. Mukhang loner ako today sa canteen ah, walang pasok sila Maj. Haay! Dapat pala nag hanap pa 'ko ng friend na iba, tutal Miss Friendship naman ako dati eh.

Nag hiwalay na kami ng way ni Luisa siya sa pupuntahan niya ako tinawag ng kalikasan kaya pumunta muna ako ng c.r para makajingle muna.

May mga nakasabay ako sa c.r, sila palabas na ako papasok naman. Nang magawa ko na ang kanina ko pa gustong gawin, naghugas lang ako ng kamay tsaka naglakad palabas ng c.r. Pero bago pa 'ko makalabas may nakabangaan ako sa pinto.

"Sorry." She apologized, nicely. I blink as i saw her familiar face. I know who she is, okay.. not exactly know kasi ngayon palang kami nagusap, pero alam kong siya palagi yung kasama ni Damon na babae.

"Sorry din." Ngumiti lang siya ng very nice, tsaka tuluyang pumasok sa c.r.

Hu! Akalain mo nga naman oh, sinong mag aakalang magkakausap kami ng di sinasadya. Alam niya kaya ang tungkol sa'kin? Hindi naman kasi naging lihim sa school yung pag halik sa'kin ni Damon sa canteen.

Kung sabagay bakit pa niya 'ko iisipin o susubukang kilalanin eh, wala lang naman yun kay Damon.

Hindi ko alam pero..

Dinala ako ng mga paa ko papunta sa rooftop, na ang dapat naman talaga ay sa canteen. Siguro after na maka encounter ko yung girl na yun, parang nawala yung gutom ko at mas bet kong mapagisa muna.

Magpahangin at maglaylo para iwas sa pagiisip. Ayokong masyadong mag isip lalo na't kung tungkol kay Damon at sa new prospect niya.

Narating ko ang rooftop, umupo ako sa gilid, kinuha yung bago kong biling novel book, kinuha ko din yung IPod ko para habang nagbabasa nakikinig ako ng music..

Now playing.. Give your heart a break by Demi Lovato.

Mag iistay muna 'ko dito hanggang matapos ang break time.

Naka focus ako sa pagbabasa ng libro ko ng bigla kong naramdamang may humila ng isa kong earphone, napatingin ako sa gumawa nun at nabigla ng makita si Damon..

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon