Prologue

3 1 0
                                        

"Gab bilisan mo na, mahuhuli tayo nyan eh" maktol ni white

"Sandali lang nga sabi, alam mo namang pangarap kung mabili yun diba. Kaya kahit sa malayo lulubusin ko na" sagot ko naman

Balang araw mapapasakin ka rin. Sana di ka pa mawala. Hayy buhay!

"Oh eto na eto na, aalis na tayo. Masyado ka namang atat masyado" sabi ko sa kanya habang naglalakad

Oo nga pala mag 8 pm na lagot na naman kami nito kay Muma.

"eh alam mo naman kung paano magalit ang baklang yun. Parang megaphone mabuti ka at ikaw ata paborito nun eh" litanya nya

"E magkamag-anak ata kayo nun eh, para karing megaphone kung magsalita" sabi ko

Sinamaan nya lang ako ng tingin. "Joke lang. Peace espren" sabi ko sabay peace sign

Siya nga pala si White Lavender Lopez, ang kulay nya no? Haha, sya ang katrabaho ko at ahm nakakahiya mang aminin eh Best friend ko sya. Mahal ko yan.

Ilang lakad nalang at makakarating na kami ng pinagtratrabahuan namin ng biglang huminto at nagsalita si white.

"Gab ni minsan ba hindi mo naisipang hanapin ang pamilya mo? Ang sarili mo? tsaka maghanap ng, hindi naman sa pangit ang trabaho natin pero yung desenting trabaho. Katulad non oh" sabi nya at tinuro ang isang naka-unipormeng damit na babae na lumabas galing sa restaurant. Tingin ko'y nagtratrabaho sa opisina base sa damit

"Syempre sinubukan, kaso anong magagawa ko eh, Grade 7 lang tinapos ko" sagot ko

bumuntong hininga sya "Hayyy gusto ko talagang makatuntong kahit sa isang hotel dito sa manila" sabi nya habang tinitingnan ang hotel sa harap kaya napatingin naman ako

Totoo! Kahit nasa manila kami ay hindi kami nagkakaroon ng oras na gumala-gala sa hotel, sa mall oo.

" Kahit ata janitres sa isang hotel ay may requirement na kailangan makapagtapos ng kahit highschool kaya wala tayong pag-asa. Tsaka masaya naman sa trabaho natin ah" pahayag ko naman

Ngumiti sya at tumango "Oo masaya" sabi nya at naglakad ulit "Halika na Gab!" Tawag nya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya

Napaisip ako , kahit kailan hindi ko binalak na maghanap ng ibang trabaho pwera sa trabaho ko ngayon , sabi kasi ni muma wala naman daw mangyayari, papagurin ko lang ang sarili ko dahil wala akong mararating .

Napalinga linga ako sa buong paligid habang nagtetxt si white sa boyfriend-of-the-week nya. Nakita ko ang mga iba't ibang pamilya, meron rin namang mga naka suot ng uniporme at mga taong simple pero halatang masaya.

Simula 7 yrs old ako at napadpad sa poder ni muma, Hindi ko pa nakuhang maging sobrang saya. Siguro oo pagnakikita ko si Zac yung gitara na gustong-gusto ko. Ewan at nagka-interes ako sa gitarang yun, eh hindi naman ako marunong magtugtog dahil hindi pa ako nakakahawak ng ganun sa tanang buhay ko.

"Wow ang deep ng iniisip, di ko ma-reach" reklamo ni white

"Ha? Bakit may sinasabi ka?" tanong ko

Pinalo nya ang ulo ko at "Bruha ka! Sabi ko dito po ang daan, saan ka pupunta?" Inis na tanong nya

Napakamot naman ako sa ulo at tiningnan ang dadaanan ko.

"Oo nga pala sa kaliwa haha" sabi ko

Napailing lang si white at inakbayan ako. At nag-umpisa na ulit kaming maglakad hanggang sa makarating kami.

The Walking SinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang