PROLOGUE

20.7K 336 12
                                    

"twinkle twinkle little star, how i wonder what you are

up above the world so high, like a diamond in the sky" kanta nang batang lalaki habang nakatingin sa maliwanag na langit

"linoloko mo ba ako? walang star ngayon! ang aga pa oh!" sabi nang batang babae na katabi nya habang humihikbi.

humarap ang batang lalaki sa umiiyak na batang babae at pinunasan ang tumutulong luha nito

"tahan na kasi, sige ka papanget ka nyan! pag pumangit ka hindi na kita papakasalan pagbalik ko" sabi nang batang lalaki

nagulat ang batang babae at napapatitig lang sa nakangiting mukha nang batang lalaki

"pakasalan ka jan!" sabi nang batang babae na sabay mahinang suntok sa balikat nang batang lalaki pero imbis na masaktan napatawa lang ito

"ngiti ka na kasi, wag na lungkot" sabi nya sabay pisil sa pisngi nang batang babae

"paano ako ngingiti kung alam kong aalis na ang bestfriend ko?" sabi nang batang babae, at tumulo ulit ang mga luha nito

"wag kang mag-alala pag balik ko di na kita bestfriend" sabi nang batang lalaki na nakatingin ulit sa langit

"ganyan ka naman eh kakalimutan mo na ako" sabi nang batang babae at lalo pang naiyak

"di na kita bestfriend kasi nga pakakasalan na kita!" sabi nang batang lalaki sabay tusok sa pisngi nang batang babae na walang tigil na ang pagtulo nang luha.

nabato muli ang batang babae habang nakatitig lamang sa bestfriend niya, naramdaman nya na parang may kumikiliti sa tiyan nya, na tila ba may lamang paru paro pero naisip nya

gutom nanaman ako? kakakain lang namin nang burger kanina ah

"mukha mo! baka makakita ka na nang bagong bestfriend paglipat nyo, tapos makaklimutan mo na ako, tapos, tapos-" sabi niya sabay pout

"Eto naman di pa ako nakakalis nagseselos na, wag ka mag alala hindi ako maghahanap nang iba, kaya dapat ikaw din" sabi nang batang lalaki na nakatayo na at nakaharap sa batang babae na nakaupo sa swing.

"twinkle promise?" sabi nang batang babae sabay raise nang pinky finger nya

"twinkle promise!" sabi nang batang lalaki at sineal ang kanilang mga pinky

"twinkle twinkle little star, How I wonder what you are, up above the world so high, Like a diamond in the sky, twinkle twinkle little star, How I wonder what you are" kanta nang batang babae habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang kablinang kamay

"twinkle twinkle little star, How I wonder what you are, up above the world so high, Like a diamond in the sky, twinkle twinkle little star, How I wonder what you are" kanta nang batang lalaki na tila ba sagot ito sa kanta nang batang babae

"a promise is a promise Neau!" sabi nang batang babae

" a promise is a promise" sabi ni Neau

"babalik ka!" sabi nang batang babae

"di ka maghahanap ng iba!" sabi nang batang lalaki sabay halik sa noo nang batang babae

nang biglang

*beep**beep*

"Neau aalis na tayo!"

napalingon ang dalawang bata sa daan kung saan mayroong Toyota Fortuner na nakahinto at matandang babae na nakadungaw sa driver's seat

"alis na kami Sam, babye!" sabi ni Neau sa batang babae na nkatulala lang

*dub*dub*

O__O

Gangster Vs Bully ✔Where stories live. Discover now