Chapter 43

2.2K 50 2
                                    


Enjoy reading :')

**********

Dawn's POV

NAPASULYAP ako sa anak ko na nakaupo sa kaharap kung upuan na busy sa hawak niyang cellphone habang pangiti-ngiti pa. Si Richard naman may kausap din sa cellphone. Nandito na kami sa waiting area nang airport habang inaantay ang private plane ni Richard para mag hatid sa amin sa London kung saan gusto mag christmas nang anak ko at nang asawa ko.

Tumabi ako sa anak ko pero hindi niya naman ako napansin. Napatingin ako sa cellphone niya at nakikipag text siya kay Zach. Ngayon ko lang ulit makakasama nang matagal ang anak ko dahil sa parehas sila nang Daddy niya na busy sa trabaho. Isang beses sa isang lingo ko nalang yata sila nakakasama sa loob nang bahay.

"Nak?" Untag ko sa anak ko.

Binaba niya ang hawak niyang cellphone at tumingin sa akin. "Bakit Mom?" Sumiksik siya sa akin at hinawakan ang malaki kung tiyan.

Umakbay naman ako sa anak ko. "Kamusta ang pagiging busy anak?"

Yumakap siya sa akin. "Nakakapagod Mommy sa loob nang isang buwan limang bansa ang napuntahan ko para sa mga fashion week." Nakangiting sabi niya.

"Paris naman ang paborito mo sa lahat na napuntahan mo." Ngumisi ako sa kanya. Biglang namula ang pisnge niya. "Naka-date mo kasi si Zach sa paris kaya yun ang paborito mo, nakita ko rin ang mga pictures niyo." Nang aasar na sabi ko sa kanya.

Mas lalo namang namula ang pisnge ni Jennylyn sa sinabi ko. "Mommy naman eh, nagkataon lang din po na nagpunta doon si Zach." Nahihiyang sabi niya habang ngumi-ngiti.

"Talaga ba?" sinundot ko ang tagiliran nang anak ko. Mabilis naman siyang natawa. "Wala naman akong problema kay Zach nak basta ba hindi ka niya sasaktan." Seryosong sabi ko.

"Love let's go." Aya ni Richard habang inaalalayan na ako nakahawak siya sa isang kamay ko. Nakasunod naman sa amin si Jennylyn na nakasuot na nang sunglasses.

Pagpasok namin sa plane naupo naman ako agad habang may pinuntahan si Richard siguro yung piloto o kung sino man ang nandito kasama namin sa plane. Naupo sa tabi ko si Jennylyn saka inihilig ang ulo sa balikat ko.

"Mommy gumawa na po ako nang mga gagawin natin tapos nag pabook na ako nang cruise ship para sa christmas eve." Ngiting-ngiting sabi niya.

"Cruise ship?" Nagtatakang tanong sa anak ko.

Tumango-tango siya. "Yes Mommy, na-settled ko na po ang lahat dun tayo mag stay for one night pero pagdating nang 10pm two hours yun dadaan sa lahat nang tourist spots sa london and i'm so excited." tuwang-tuwang sabi nang anak ko. "Don't worry Mommy two suite ang pina-reserved ko para nakahiwalay ako sa inyu." Ngumisi siya sa akin.

Naintidihan ko naman ang ngisi nang anak ko. "Jennylyn alam ko yang iniisip mo." Natawa na akong sa mukha nang anak ko.

Sabay kaming napatingin kay Richard na kadarating lang galing sa kung saan at naupo sa kaharap naming sofa habang nag bubukas nang TV. "Anung pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Richard sa amin.

"Sinabi ko lang Daddy ang balak natin sa christmas eve." Sagot ni Jennylyn saka umayos nang upo. "Daddy saan yung room ko?" Tanong niya.

"Second room sweetie pero may ibibigay muna ako sayo." May kinuha si Richard na envelope sa bag niya at inabot sa anak ko. "Matagal ko na yan dapat binigay sayo, papirmahan mo kay Zach." Umismid pa si Richard.

Binuksan naman ni Jennylyn ang envelope na may lamang isang pirasong papel. Rules for dating my daughter. Ang title. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Stay With MeWhere stories live. Discover now