~Prologue~

9.6K 171 4
                                    

"Aicca..." yung boses na yun.... Hinding-hindi ako nagkakamali. Siya talaga yun... Napaka-pamilyar. Kahit nakatalikod ako alam kong siya yun.

Imbis na lingunin ko siya ay naglakad nalang ako palayo sa kanya. Nung nararamdaman ko na sumusunod siya, mas binilisan ko pa lakad ko at parang binibilisan din niya lakad niya. Tumakbo ako palayo para hindi ako mahabol pero sa sobrang bagal ng lola mo nahuli pa ako.

"Whats wrong babe?"OMO! Bat ang husky ng boses niya??

Hindi man lang ako makatingin sa kanya hindi ko alam kung bakit.

"Wa-wala.." Sheet! Bat nauutal ako?

Hinawakan naman niya yung baba ko at itinaas ito para makita ang mukha ko.

"Wala ba talaga?"this time, yung mukha niya sobrang nag-aalala

"Chase, itigil na natin ang relasyon natin. In a few days ikakasal na ang magulang natin at magiging step-brother na kita." Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Napaka-hirap ng sitwasyon namin ngayon.

Bigla naman akong niyakap ni Chase. Sobrang higpit na yakap.

"Shhhh...shhh.... May magagawa naman tayo eh."sabi niya habang tinatapik-tapik yung likod ko.

"Ano?"

"Lets stop their wedding." Dahil sa narinig kong yun naitulak ko siya palayo na ikinagulat naman niya.

"Baliw ka ba? Stop their wedding? Hinding-hindi ko magagawa yun at lalo na na yun ang magpapasaya kay mom at sa dad mo! Hindi ako makasarili at alam mo yan."naging seryoso naman ang mukha niya. Medyo natakot na ako dahil minsan lang naman siya magseryoso.

"So, anong sinasabi mo? Na makasarili ako. Jamaicca hindi ako makasarili. Ginagawa ko lang ang mga bagay na magpapasaya satin."

"Magpapasaya?! Magpapasaya ba ang ihinto ang wedding ng magulang natin dahil lang sa relasyon natin?!" This time, napasigaw na ako.

Natigilan siya.

"Dahil LANG sa relasyon natin? Wala nabang saysay ang relasyon natin ang ginagamitan mo ng salitang LANG? Alam mo Jamaicca, hindi ko alam kung malungkot ka talaga na ikakasal na ang magulang natin eh. Siguro lungkut-lungkotan ka lang."

Unti-unti naman siyang naglakad palayo sakin. Yung luha na pumapatak kanina sa mukha ko ay mas dumoble ngayon. Sobrang sakit. Ang hirap na nga ng sitwasyon namin.

"Chase...."
_________________________
Hello po! Im Jasmine Faith M Quitco. 12 years old grade seven student na adik na adik sa wattpad 😂.

Sorry po sa typos and grammars sa story ko. Tao lang po ako nagkakamali lalo na sa grammar naku!

Kumbaga tong storya na to ay pinagsama ko po yung two story pero siyempre may originality ako kaya may sarili rin akong plot twists no!

WARNING!
*Maraming bad words kaya kung ayaw niyo po ng storyang maraming bad words, hanap nalang po kayo ng ibang story.

*Pa-hopia po ako kaya wag po kayong masyadong umasa sa mga scenes dito dahil masasaktan lang kayo.

Pang-patay boredom lang po itong storyang to kaya kung nag-eexpect po kayo ng storyang sobrang ganda, wag po to XD

So... Yun lang po enjoy!

P.s
Si Chase at si Jamaicca sa pic.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon