CHAPTER 4

405 13 2
                                    

Matapos ang maikling kumbersasyon ni Joshua at Frankie ay dumiretso sila sa isang fastfood chain at doon nag breakfast.

“Pare, ano kaya kung tulungan mo na ang office attired ghost na yan?” tanong ni Joshua habang kumakain.

“Pare, as long as I can, I don’t wanna get involve in any businesses na hindi naman talaga ako dapat nakikialam.”

“Ok. Sabi mo eh..”

Bumalik si Joshua sa office para i-proof read ang kanyang story pero di na siya nagpaiwan at umuwi na around 6pm. Samantalang si Frankie, dahil malapit na ipamana sa kanya ang kanilang business, ay ine-enjoy muna ang “freeman” life niya at humilata lang all day with the laptop sa kanyang harap at internet ng internet sa pad ni Joshua.

Pagdating ni Joshua ay nakatutok pa rin si Frankie sa kanyang laptop. Si Joshua naman, kumuha ng yogurt sa ref at kinain ito. Pagkatapos, ay humiga na sa bed kahit maaga pa dahil puyat na puyat siya kagabi.

Maya maya pa, mga bandang 12am, ay naramdaman niyang sinisiko siya ni Frankie. Talikuran sila sa paghiga sa king size bed ni Joshua.

“Ahmmmmmmmmmm…” ungol ni Joshua na tila ayaw paistorbo. Pero ipinagpatuloy ni Frankie ang pagsiko sa kanya.

“Ano ba?” sabi ni Joshua sabay harap sa side ni Frankie, nanigas naman siya sa kanyang nakita.

Nasa harap ni Frankie ang duguang babaeng akala niya ay guni guni lang niya. Ang babae ay nakayuko, pero nakaharap ito sa kanyang kaibigan. May dugo ito sa kanyang dibdib at braso, ang buhok naman ito ay parang ilang beses na sinabunutan. Kapansin pansin rin ang ilang mga sunog na tela sa kanyang damit, at ang mga sunog niya sa kanyang braso. Nakikita rin na may sunog rin ang kanyang leeg, pero ang kanyang mukha ay di na masyadong nakikita dahil na rin magulo ang buhok nito at nakayuko ito.

At least 15 seconds has passed and the scary image of the ghost vanished in the air just like a smoke. The 2, however, are still stunned and can’t move an inch. For about 10 seconds, natauhan na si Frankie.

Tumayo ito sabay sabing “Pare, ayoko na! Uuwi na ako.”

Natauhan na rin si Joshua dahil sa sinabi ni Frankie.

“Ha? Sa tingin mo ba ngayong nakita mo na siya ay hindi ka na rin niya guguluhin? Alalahanin mo, mas magandang multuhin nang may kasama kesa mag isa!” sagot ni Joshua.

“Huh? Hindi pwede yan! Gawan mo yan ng paraan!” sabi ni Frankie na naiiyak na parang isang batang inagawan ng lollipop.

“Calm down, pare. Maging ako, I want it to stop. But before it stops, we need to do something.”

“Ano!? Sabihin mo! Kasalanan mo to eh!”

“We’ll help her. We’ll help the ghost.”

“Saan tayo magsisimula?”

“For sure, isa siya sa mga sinulat ko. Bukas, tignan natin ang mga..” hindi pa man natapos ang kanyang pagsasalita ay may pumasok sa kanyang isip. “Hindi kaya si..”

“Sino?”

“Si Agnes, Agnes Fuentabella.”

BULONG (CHAPTER 1)Where stories live. Discover now