Chapter 2

5.2K 163 0
                                    


Author's note:

Please don't continue reading if you don't like a naïve, gullible, ignorante o aanga-anga na female lead. This story is not for you. Thank you po.



"Saan tayo ngayon pupunta?" mabining tanong ni Maiza kay Olmer pagkalabas nila sa kinain nilang sikat na fast food chain.

Magkaholding-hands silang magkasintahan na naglakad-lakad muna sa mall, at kinikilig naman siya. Sa wakas ay malaya na sila ni Olmer. Hindi na sila mahihirapan sa kanilang relasyon. Hindi tulad noon na itinatago nila na animo'y isang malaking kasalanan na nagmamahalan silang dalawa.

"Hindi ko pa alam. Nag-iisip pa ako," walang ganang sagot ni Olmer. Kabaliktaran niya ito. Si Olmer kasi ay parang namumoblema imbes na masaya.

Panay rin ang paglinga nito sa paligid.

Nakaramdam na naman ng hiya si Maiza sa kanyang nobyo dahil pakiramdam niya ay pabigat na lamang siya rito, kaso ay wala naman siyang pagpipilian. Si Olmer na lang ang makakatulong sa kaniya sa sitwasyon niyang iyon.

Hanggang sa may nag-text sa cellphone niya. Nang tingnan niya ay si Jhane. Kinukumusta agad siya ng kaniyang kaibigan.

Napatingin din si Olmer sa cellphone.

"Si Jhane. Nag-text. Tinatanong kung nasaan na ako," pagbibigay-alam niya upang hindi mag-isip ng kung anu-ano ang kaniyang kasintahan. Kahit kailan ay hindi siya gumawa ng ikakaduda sa kaniya ni Olmer. Mahal na mahal niya ang boyfriend kaya kahit sa hinagap ay hindi niya ito magagawang lukuhin.

Sa totoo lang ay madaming nagpaparamdam sa kaniya na ibang mga employee sa factory pero hindi niya sila mga pinapansin. Si Olmer lamang talaga ang nakabihag sa puso niya.

"Huwag mo nang replayan. Akin na 'yang cellphone mo," sabi ni Olmer.

Nagtataka man ay ibinigay iyon ni Maiza. Hinayaan niya na kalikutin ng nobyo niya iyon. Wala naman siyang dapat ipag-alala dahil wala siyang itinatagong lihim doon. Malinis na malinis siya bilang isang nobya.

"Ayos na 'to. May pera na tayo," mayamaya ay sabi ni Olmer habang sinisipat-sipat pa rin nito ang cellphone.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Kinabahan si Maiza. Napamahal na kasi sa kaniya ang kaniyang cellphone. Sabi nga niya, iyon na lang ang tanging ala-ala niya sa pagtatrabaho niya sa factory. Saka pinaghirapan niya kasi iyon. Isa pa, parehas sila ni Jhane ng cellphone kaya may sentimental value iyon sa kaniya. Para sa kanila ni Jhane ay kambal ang kanilang cellphone kaya ipinangako nilang magkaibigan noon na kahit na ano'ng mangyari ay aalagaan nila.

"Ibenta natin para may pera tayo," sagot ni Olmer na nakangisi.

Nagulat si Maiza at tututol sana siya. "Pero, Olmer-"

"Maiza, wala rin akong pera ngayon. Hindi tayo makakakuha ng kahit room for rent lang na uupahan kung hindi tayo gagawa ng paraan. This is our only hope, ang cellphone mo."

"Pero kasi-" aangal pa rin sana siya.

"Gusto mo bang matulog dito sa lansangan? Sabihin mo lang!" Nga lang ay tumaas na naman ang boses ni Olmer. Galit na naman ang kaniyang nobyo. "Mas mahalaga pa ang cellphone na 'to?! Ikaw na nga ang tinutulungan, eh!"

Napayuko siya't umiling. "Hindi naman sa gano'n pero sige payag na ako," at napilitan niyang sabi.

Kung iyon na lang ang paraan ay wala na siyang magagawa. Sabagay, ang cellphone naman ay napapalitan. Bibili na lang ulit siya ng bago oras na makabawi siya. Siguro naman ay mauunawaan siya ni Jhane kung sakaling malaman nito na wala na ang kanyang cellphone.

DARKER SIDE OF HIM (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon