"Damn! Those jerks just won't quit! Shit!" Hingal na hingal na ako. Naiwan ko pa yung bag ko sa bar. Ang baho pa ng pinagtataguan ko! What the fuck should I do? Wala akong makitang pwedeng pagtaguan.
"Sige na Miss, labas na, isa lang naman. Ay, lima pala kami." He said before laughing maniacally. Oo, hinahabol ako ng mga manyak.
Hindi ko na rin kayang magtago sa likod ng basurahan kaya naman sinikap kong maglakad ng tahimik. Nagtiptoe ako paalis pero kagaya ng mga tangang bida sa pelikula, nadapa ako at na-stuck yung heels ko sa kanal. "Shit!" Narinig kong nagtawanan na naman sila bago tumakbo sa direksyon ko. Kesa naman ma-rape, hinubad ko yung heels ko, okay lang naman, mayaman ako kaya kong bumili ulit ng bago. Yun nga lang, ang daming bubog na nakakalat. Ramdam kong bumabaon ang mga yon sa bawat tapak ng paa ko. Fuck shit! Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga sa sakit. Tangina, mamamatay na ata ako. Hindi dahil sa paa ko kundi dahil sa sobrang cliché ng istoryang ito, akalain mo ba namang umulan. Nakakawindang lang.
Takbo ako ng takbo, tiningnan ko yung likod ko pero wala na sila though I can still hear them. Malayo na siguro ako. Dahil nga nakatingin ako sa likod hindi ko napansin yung pader ng isang building at sumalpok ako doon. I swear I saw stars.
Kahit hilong-hilo sinikap ko pa ring tumayo. Pumasok ako sa loob, ramdam ko ang malamig na hangin. Sobrang dilim at tahimik. So freaking creepy but I have no other choice. Umakyat ako sa taas. May maliit na ilaw galing sa lampshade. Bakit bukas? May nakatira dito? But how can she live here, it's so filthy.
May naaninag akong dalawang sofa. Umupo ako doon. As I was sitting, realization hit me, hard. I can't believe that just happened. Janina kasi parang laro lang, kumbaga eh hindi ko pa feel. Pero shit lang! Muntik na kong ma-rape! Naiyak na lang ako.
"I just wanted to feel happy! Hindi ba yon pwede? Gusto ko lang naman maranasan ang mga nararanasan ng mga kaklase ko, ng mga kaedad ko. I just want to feel normal! I just want to fit in! Hindi ba talaga pwede?" Napaiyak na lang ako. I broke the vase beside me. Pati yung sofang ko inuupuan tinumba ko rin.
"What the fuck? What is it with woman and their screaming? Nakakarindi."
Natigil lang ako ng may marinig akong nagsasalita. May figure sa sahig. Lumapit siya sa lampshade at may kinalikot doon tapos biglang lumakas yung ilaw. Tiningnan niya ako ng masama bago tumingin sa paligid, "Damn! You trash the whole place!" sabi niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"What? She did?" may ulong umusli doon sa isang sofa bago umupo at tiningnan din yung paligid.
"She freaking did!" Tumayo yung unang lalaki at nagpunta sa isang sulok, nagulat ako dahil may isang lalaking nakahiga sa folding bed. Hinila niya yung unan nung lalaking nakahiga kaya nagising ito.
"Ano bang problema mo?"
"You, stupid! Akala ko ba ni-lock mo yung front door? May babaeng nakapasok." umupo siya doon sa sofang katapat ko kung saan nakaupo yung pangalawang lalaki. Sumunod na yung huling lalaki.
Pinagmasdan ko lang sila dahil ganoon din naman ang ginagawa nila. "Pwede na." hindi ko namalayan na nasabi ko pala iyon ng malakas. Lilinawin ko lang hindi ako manyak, for the first time kasi ay may nakita akong mga lalaki na medyo malapit sa iniimagine kong ka-forever ko pero malayo pa rin.
"What the heck? Pedophile!" sabat nung unang lalaki.
"Excuse me?" nagulat naman ako sa sinabi niya. Gago ba siya?
"What? Pedophile ka naman talaga. What are you doing here exactly? Nalaman mo bang gwapo kami kaya ka nandito? Kidnap us and sell us to rich, older people? Auction us?" napakadaldal niya para sa isang lalaki. Letche!
"Are you blind? Just so you know, I'm only 17 so how can I be a freaking pedophile? And hate to break it to you, jerk, you're not that handsome to be auctioned." I can hear them two other guys giggling.
"Yeah, so stupid of me. Paano ka nga ba naman magiging matanda eh sobrang liit mo at wala ka pang hinaharap, mas maganda pa ang katawan ng mga highschool student sa school namin kesa sayo." sabi niya ng nakangisi, mas lumakas naman ang tawa nung dalawa lang lalaki.
"You are so freaking rude! You're not suppose to say those words to a woman you've just met! Wala ka bang manners?" grabe! Pakiramdam ko lalabas na ang mga litid ko sa leeg. Napaka!
"Meron naman, it's just that I don't see a woman, do I, short?"
"What the fuck do you actually mean?" ngumisi lang siya. Fuck you! Nakakapanggigil na talaga.
Just as I was about to curse that baboon. Nagsalita na yung pangalawang lalaki. Nagsalita ka pa, akala ko puro tawa ka lang. "Miss, sorry ha? Wag mo na lang itong pansinin, wala talaga yang modo. I'm Ford." inextend niya yung kamay niya para makipagkamay, syempre dahil well-mannered ako, tinanggap ko. "This is Jin." tinuro niya yung pangalawang lalaki, kinuha nun yung kamay ko bago hinalikan, tinaasan ko lang siya ng kilay na siya namang ikinatawa nito. "And this one here is Dean." tinapik niya yun sa balikat. Inirapan ko lang siya, narinig ko namang tumawa lang siya ng konti. Nahiya pa sana nilaksan mo na. "And you are?"
"Ash."
"What are you doing here? Girls should not stay out this late." tanong ni Jin.
"I'm looking for something."
"Something?" tanong ni Ford pero hindi ko siya sinagot.
"Well, according to her monologue earlier, she's looking for happiness, contentment perhaps." sabat naman ni Dean. Siya lang naman ang sabat ng sabat.
I hate to admit it but he's right. "Whatever, Sherlock."
"Ha! Aminin mo na lang kasi." Tiningnan ko lang siya, wala na akong lakas para makipag-away pa sa kanya. Unti-unti, nararamdaman ko ang sarili kong pumipikit at nanghihina.
