"Ang mga panget kay Doktora Belo kumakapit." halos sa kanya ko sinabi yun.

Tinanggal ko na din ang see-through blouse ko. Sabay sabay na nagpalakpakan sila sa likod ko at talagang nagcheer pa sakin.

"Dahil ang tunay na maganda, ngiti pa lang madadala ka na." i flash my famous smile, yung tinatawag nilang makalaglag panty. Nakakatuwa naman syang pagmasdan dahil obvious sa mukha nya ang inis at asar.

Tinanggal ko na din ang short ko at saka tumalon sa pool. Di pa ako nakakaahon ng maramdaman kong sumunod sila sa pagtalon sakin sa pool. Eto yung panalo eh, yung feeling na lagi kang may kakampi at kasama.

Sabay sabay kaming umahon. Isa isa kaming tinulungan ni Baby A na maka akyat. Agad na pinulupot ni Baby A yung tuwalya sa basang katawan ko. Naramdaman ko yung lamig ng pang probinsyang hangin.

"Naughty." pitik ni Baby A sa ilong ko. Nag pout ako sa sinabi nya. "But your so sexy and that's my Baby." hinalikan nya yung tip ng ilong ko na pinitik nya kanina. Napangiti na lang ako sa ginawa nya. Nasa ganun kaming landian moment ng biglang lapit ng mga foreign gers.

"Sa hinaba-haba man ng prusisyon, bading din pala ang magiging karelasyon." agad na nangunot ang noo ko sa entrada ni Joanne.

"Walang matinong lalake sa malanding kumpare." napalunok na lang ako sa sinabi ni Mavy.

"Aanhin mo ang guwapo, kung mas malandi pa sa iyo?" nakataas ang kilay na sabi nung Jenevie.

"Matalino man daw ang bading, naiisahan pa rin." sabay talikod ni Johnrill at sunod nila.

Tulala kaming lahat. Lalo na kami ni Baby A. Anong ibig sabihin nila? Akala ko ba wala silang alam? Pero sa salita nila parang inaalipusta nila ang relasyon namin ni Baby A.

"Baby A.." naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I don't know." umiiling na sagot nya. "Let's go." inakay nya ako papasok sa loob ng bahay.

Nasa grand staircase na kami at aakyat na ng masalubong namin ang care taker ng bahay.

"Umalis nga pala sila Senyora Reen at Hervas. Baka gabihin daw po sila. Bumaba na lang kayo ulit para maghapunan. Ihahanda ko na po ang hapag." nagsitanguan na lang kami at umakyat.

Sa pangalawang palapag ng bahay ay matatanaw ang magarbong sala ng bahay, marangya ang pagkakaayos nito at tila mga luma na ang mga kagamitan, may malaking piano sa pinaka gilid ng hagdan at nakabukas ang main door. Sa pangalawang lapag naman ay matatanaw ang makipot na daan na may anim na magkakaharap na pinto, sa dulo ay makikita ang nakabukas na bintana, nililipad pa ng hangin ang puting kortina na nandoon.

Biglang namatay ang ilaw ng saktong nasa tapat kami ng pasilyo.

"Kyaaaahhhhh!" umalingawngaw ang sabay sabay namin na sigaw, nagpatay sindi ang ilaw na para bang any moment ay mawawalan ng kuryente. Napakapit ako ng mahigpit kay Baby A at naramdaman ko din ang yakap nya. Nagsiksikan kami sa pinakagilid ng pasilyo.

Ting, ting, ting ..

Sumunod ang tunog ng makalumang relo na nasa sala ng bahay nila.

"Alas sais na, oras na ng hapunan." sabay sabay kaming napatindig ng makita namin ang taong may hawak ng puting kandila.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhhh!" iisa ang nasa utak namin. May multo!

"Guys! Ang care taker ng bahay yan. Si Mang Beryo!" sigaw ni Baby A.

"Pagpasensyahan nyo na ang ilaw rito sa pangalawang palapag, matagal na kasing di nagagamit kaya napundi na yata." Tinukod nya ang kandila na hawak at pumatong sa upuan na di ko alam kung saan nya nakuha. Ginalaw nya ang ilaw at sumindi na ito ng maayos.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora