Stalker (One-shot)

3K 69 15
                                    

Katatapos lang ng klase namin. Pauwi na yung iba. Haaay Ang hirap maging estudyante.

Ayoko pa sanang umuwi eh. Gusto ko pang makita si Ren. Ang aking ultimate crush since high school days pa namin. Ewan ko ba. Kahit sobrang cold niya, snob, at parang weird, crush ko pa rin siya. Psh

As if kilala niya ako. Wala naman ako sa radar niya.

Anyway, magpapaalam muna ako sa bestfriends ko.

"Uy Jill, Dana, sibat na ako ha?"

Nagsalita si Jill. "Nako Justine. 'Di ako naniniwalang uuwi ka na agad. Sa itsura mo palang, mukhang bubuntot ka na naman kay Papa Ren."

"Gagi! 'Wag mo nga siyang tawaging 'Papa'. Akin lang siya noh... Osige na nga. Oo, gusto ko siyang sundan pero kailangan kong umuwi ngayon. Bukas na lang siguro." Sagot ko.

Kasi naman eh. Maglalaba pa ako tapos gagawa pa ako ng assignments. Wala naman akong yaya sa bahay para gumawa ng gawaing-bahay. Pati nga si Mang Orly, naiistorbo ko kasi siya nagluluto ng mga kinakain ko. Mag-isa lang kasi ako sa buhay. Pero, so far, so good. Ayos naman.

"Justine, baka naman masaktan ka sa ginagawa mo." Biglang sabi ni Dana.

"Sus. 'Wag kang magalala Dana. Alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ako ambisyosa para mangarap na sana mapansin ako ni Papa Ren. Gusto ko lang siyang bantayan. Na sana ligtas siya, nakakakain siya nang maayos, o kung masaya ba siya. Kuntento na ako na sa malayo lang siya nakikita. Pasalamat nga ako sa mga ninja---"

"Justine." Biglang sabat ni Dana. Parang nakatulala sa kung saan.

"Oh bakit? Masyado bang cheesy mga lin---"

"Sa likod mo." Tinuturo ni Jill yung pintuan ng classroom.

"Huh?" Lumingon ako at...

"Ren."

Nakita ko si Ren na nakatingin sa amin. Lalong-lalo na sa akin. Nakakunot yung noo.

Ilang saglit pa ay umalis na siya ng classroom. "Teka--- Ren!" Hindi ko na siya naabutan.

Hala! Buking na buking na ako. Paano ko siya haharapin?! Lagot ako. At parang galit pa ata siya dahil sa mga narinig niya. Sabi ko na nga ba't hindi niya ako gusto at mukhang nagalit pa sa akin.

"Pano 'yan, Justine? Mukhang alam na ni Ren yung feelings mo." Pag-aalala ni Dana

"Hayaan mo na 'yun Bespren. Makakalimutan niya rin 'yun. Baka hindi lang niya nakaya yung mga narinig niya." Dagdag pa ni Jill.

"*sighs* Uwi muna ako guys. Bukas na lang ulit---kung may bukas pa." Matamlay kong sagot.

Nakakahiya na nakatakot na nakakaiyak. Halo-halong emotions ang nararamdaman ko ngayon. I've never felt like this before. Sobrang... sobrang lungkot ko habang naglalakad pa-uwi. Narinig na niya yung 'confession' ko. Alam ko na ang next step. Snob, tatarayan, o di kaya, he will live as if I don't exist. Oo, gets ko na. Ganun naman lahat ng lalake, 'pag nalaman nilang may gusto ka sa kanila, they will ignore you...forever. Cliche na 'yung malalaman niyang gusto mo siya, tapos aamin din niyang gusto ka rin niya. Psh

Stalker (One-shot)Where stories live. Discover now