TUlang gusto lang ay maglahad paano ko nga ba sisimulan
Binalikan mga alaala at ikay lumabas sa isipan
Marahil ikaw ang magiging inspirasyon sa tulang isusulat
At di ko alam kung kilala ka nilang lahat
Nagtanong sila kung paano ba tayo nagsimula
Agad gumuhit ang ngiti sa aking mukha
Nakaramdam ako ng kakaiba
At agad nilahad ang panimula ng istorya
Sa kapirasong papel pangalan mo'y nakatala
Tinitignan kung sa pangalan ko'y babagay ba?
Tumigil ang mundo nang ikay kumanta
Sa sandaling iyon ako iyong napasaya
Isang gabi ika'y umamin sa iyong nararamdaman
Gamit ang ibat ibang banat na akin pang natatandaan
Di makapagsalita na ako pala ay iyong nagugustuhan
Sa dinadami ng babae ako pa ang iyong natipuhan
Ngunit hindi pala tayo palaging masaya
Dumating ang isang masamang balita
Na ikaw pala ay may kasintahan na
Eto ako nalungkot at wala ng magawa
Gusto kita pero hindi na mapadama
Dahil ngat may gusto ka nang iba
Sa panahon na agad na iyo ay pinalaya ka
Alam kong sa kanya ka na sasaya
Ilang buwan bago matapos pagdadalamhati
Sarili ko ay aking binabati
Pagibig na tila pinagkait
Ay nakalimutan na at di na ulit pinipilit
Naging masaya ako ng sasandaling nakilala kita
Lalaking nagpabago sa akin pansamantala
Ngunit hindi pala tayo ang nakatadhana
Dahil parehas tayong may iba pang makikilala
Dati nating pasasamahan ay aking binalikan
Kinikilig pa din sa mga pick up lines mong binitiwan
Pangalan mo'y nakatatak pa din sa puso 't isipan
Ngunit di na bilang kasintahan dahil bilang alaala na lang
Ngayon nang aking nilahad ang ating istorya
Wala ng halong lungkot ang nadarama
Masaya ako at naikwento kita sa kanila
Mga gawain mong di mapapaltan ng sino man sa kanila
Ako ay nagsusulat na ng panibagong kabanata
Isinara na ang dati nating pahina
Dahil hindi nagtagal akoy may nakilala
Isang taong minamahal ko na ngunit parang wala sa kanya
