Prologue

54K 1.1K 92
                                    

HIS GANGSTER QUEEN


"Chase tama na 'yan." sabi ni James pero siya nito pinakinggan sa halip ay itinungga pa ang isang baso ng beer. Ibinaba nito ang baso at muling nag-salin ng panibago. Iinumin na sana nito nang muli siyang pigilan ng kaibigan.

"What now James?" inis at malamig na tanong nito. Halos pumikit na ang dalawang mata nito ngunit ayaw parin nitong tumigil.

"You're already drunk King, umuwi na tayo." Ani ni James. Hinawakan niya sa balikat ang binata ngunit iwinaksi niya lang ito.

"Ano ba?! Gusto ko pa uminom! Kung gusto mo ng umalis, then leave. I don't care! Just leave me alone!" Chase at muling tumungga ng alak.

Napailing at napabuntong hininga nalang ang kaibigan. "tigas ng ulo" wika nito sa kanyang isip at muling tinignan si Chase na ngayo'y nakaubob na ang ulo sa lamesa. Hindi niya mapigilang mapailing nalang. Ganito ang nangyayari sa kanya, sa kanila araw-araw.

Sumula noong araw na makalabas ito ng hospital ay agad itong nagpakalasing. Gabi-gabi ay laging nasa bar si Chase upang uminom, upang makalimot at maiwaksi ang sakit na nararamdaman sa puso.

Hanggang ngayon, sinisisi niya parin ang kanyang sarili kung bakit siya nawala. Apat na buwan na ang nakakaraan pero tila parang kahapon lang sa kanila nangyari ang lahat. Masakit pero kailangan tanggapin.

Tanggapin na wala na siya.

Isinakbit ni James ang isang braso ni Chase sa balikat niya at tsaka lumabas ng bar. Nagulat nalang ito nang biglang may lumapit na grupo ng mga lalaki sa kanila. Mukang nakainom na ang mga ito at wala na sa wisyo.

Napamura naman si James sa isip. "of all times, bakit ngayon pa?!"

Napatingin naman siya sa akay niya na tulog na tulog at tsaka muling tumingin sa harap. Bigla naman itong nakaramdam ng sakit sa panga. Dahil narin sa gulat ay napaupo ito dahilan para mabitawan rin si Chase. Dahil sa inis ay agad niyang ginantihan ng suntok ang mga hayup na iyon. Agad namang itong bumagsak pero agad rin may sumugod na panibago sa kanya.

Suntok, sipa, suntok.

Hinihingal na tumingin siya sa paligid upang makasiguro na tulog na ang mga ito. Ibinaling niya ang tingin upang Makita ang kalagayan ng kaibigan ngunit ganoon nalang ang pagkagulat nito ng walang Chase siyang nakita doon.

Sh*t!

KING / CHASE

Kahit na hilo ay pinilit kong tumayo at diretsong nag-lakad palayo. Nakita ko pang nakikipagsuntukan si James. Hindi ko na siya tinulungan. Kaya niya na 'yon.

Kahit pagewang-gewang ay pinilit ko paring mag-lakad. Ayokong bumagsak. Masakit iyon, lalo na pag-alam mong walang sasalo sayo.

Katulad ko. Wala na siya at hanggang ngayon hindi ko parin tanggap. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Masakit.

Hindi ko namalayan na napaluhod na pala ako. Nanlalabo na ang paningin ko marahil ay dahil sa kalasingan kasabay nito ang pag-sakit ng ulo ko. Fck this!

Hindi ko na nakayanan at naramdaman ko nalang ang malamig na simyento. Pinilit kong tumayo pero wala akong lakas para gawin iyon. Pinilit kong gumalaw at idinilat ang mga mata ko. Malabo pero nakita ko ang isang pigura sa hindi kalayuan.

I knew that it was someone.

Nakita kong gumalaw ito. Pinilit kong palinawin ang paningin ko. Balak ko sanang humingi ng tulong ngunit napatigil nalang ako nang maninig ko ang taong iyon. Hindi ko alam kung dahil sa lasing ako o nagh-hallucinate ng kung ano but I saw it.

I saw her.....

then all went black....

His Gangster QueenМесто, где живут истории. Откройте их для себя