Chapter Fourteen - From the Past

Comenzar desde el principio
                                    

Tumango sina Azrael at Bath.

“Be gentle with him. First time niya.” ,sabi naman ni Gab na nakangisi sa kaniya.

“Shut up, Gab.”

Tumawa lamang ito.

Binuksan niya ang kwarto na kinaroroonan ni Nero at pinapasok ang lalaking may tulak tulak na isang food cart.

“Paki-iwan na lang diyan. Thanks. Here’s your tip.” Binigyan niya ito ng $500.

“Thank you, Sir.” Umalis na din ito pagkatapos.

“Hudson. Wake—“

Pagtingin niya sa kama ay wala na doon si Nero. Naalarma siya. Ano na naman bang nangyari sa lalaking iyon? Hinalughog niya ang buong kwarto, ang banyo, ang cabinet maging sa basurahan  ngunit hindi pa rin niya ito nakita. Lumingon siya sa kaliwa’t kanan. Tumakbo siya papuntang elevator. He punch the ground floor’s button.

Damn that brat! Where did he go? Baka naman meron na namang isang tulad ni James na nakakita dito at … at …

Biglang nag-flashback ang sinabi ni Gab sa kanila kanina.

“Ibig sabihin, naghahanap sila ng mate. Don’t you remember? Every December to February ang mating season. Pero tuwing leap year lang nangyayari yun. At sa mga panahong iyon, mas nagiging mabango para sa kanila ang mga unmark creatures na katulad natin. The only safe creatures are the ones who have a mark on their skins.”

No! Sinuntok niya ang gilid ng elevator.

Napalingon siya sa likod niya. Glass kasi iyon at kitang kita doon ang magandang tanawin sa labas ng hotel. Dumako ang kaniyang paningin sa dalawang taong magkahawak kamay na naglalakad sa labas ng hotel. Si Nero! At may kasama itong isang lalaki! Sino naman lalaki ‘yon?

Fuck! “Damn this sluggish elevator!”

Nero’s POV

“Long time no see, Nero.” Nakangiting bati nito sa kaniya  mula sa loob ng elevator. “Or should I say, Bonjour, Nero. Ça fait longtemps. Tu me manques.”

“L-Louis?! Anong ginagawa mo dito? Hindi ba nasa Paris ka? At pwede ba ‘wag kang mang-alien diyan. Gusto mong tamaan ng laser beam ko?”

He chuckled. “Before anything else, pumasok ka muna ng elevator.”

“Ah! Oo nga pala.” Pagkapasok niya ng elevator, nagulat siya ng bigla siyang yakapin nito at halikan sa mga labi. Saglit lang iyon. Naiwan siyang nakatulala dito.

“I really missed you!” Pagkasabi niyon ay tsaka lang siya natauhan.

“Walanghiya ka, L!” Hinampas niya ito. “Bakit mo ako hinalikan?!”

“Ow! Ow! Stop it, Nero. It’s just a form of greeting!”

“Greeting mo mukha mo! Tadyakan kita diyan eh.”

Tinitigan siya nito ng matagal bago tumawa ng malakas. “Ang cute mo pa rin hanggang ngayon. ‘Di ka pa din nagbabago. Parati ka pa ding ngumunguso.”

Gggrruuuuuu!

“Ano yun?”,tanong nito.

“Wala ‘yon.” Nahihiyang sabi niya.

Gggrruuuuuu!

“Tiyan mo ba ‘yon?”

“Hindi nga sabi!”

Malakas na tawa nito ang pumuno sa loobg ng elevator. Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator. Hinawakan nito ang kaniyang braso at hinila siya papalabas niyon. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang kaniyang boss na papasok sa isa pang elevator doon.

My Demon Angel (UNEDITED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora