Chapter Fourteen - From the Past

46 1 2
                                    

Chapter Fourteen

 From the Past

AD’s POV

Pagmulat ng mata niya ay nilapat niya ang kaniyang palad sa noo ni Nero. Wala na ang lagnat nito. Napagdesisyunan niyang kumuha ng pagkain para ipakain dito sa paggising nito. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niyang sabay na lumabas sina Amy ay Azrael sa kwartong inookupahan nila Nero. Napatingin ang dalawa sa kaniya at sabay na namula. Anong problema ng dalawang ‘to?

“G-Good morning, AD!” ,bati sa kaniya ni Amy.

“Good morning.” Bati din ni Azrael sa kaniya.

“Gutom ka na ba? Tara. Sabay-sabay na tayong bumaba.”,sabi pa ni Amy.

Akmang lalapit ito sa kaniya at hahawakan ang kaniyang kamay. Pero mabilis na hinawakan ni Azrael ang kamay nito at pinagsalikop iyon. Lalong namula si Amy at hindi na makatingin sa kaniya. Hindi kaya…

“Did the two of you do it?”

“Aaaah! Ah..Ah..Nagugutom na ako! Kumain na tayo.”

“T-Tama si Amy. Kumain na tayo.

Magkahawak ang kamay na nagmamadaling pumasok ang dalawa sa elevator. Tama nga ang hinala niya. Hindi naman malaking bagay sa kanila kung may mangyari man sa pagitan nilang mga anghel kapag nasa lupa sila. Wala lang din sa kanila kung sa babae o babaeng anghel sila magkaroon ng contact. As long as it’s not a demon.

Nang makababa na sila sa ground floor ay dumiretso sila sa dining area. Naabutan nila doon sina Gab at Bath na masayang nag-aalmusal. Naupo sila sa mga bakanteng silya sa mesa ng dalawa.

“I have something to discuss with all of you.”,aniya pagkatapos nilang umorder. “That filty demon attacked us yesterday.”

“Who?” tanong ni Azrael.

“James. Kung nahuli ako ng dating, hindi ko na alam ang nangyari kay Nero. He’s on top of him.”

Hinampas ni Amy ang lamesa. “Sabi ko na nga ba at may something fishy fishy sa taong ‘yun eh. Simula nang makita ko siya sa kumapanya niyo last time.”

“Nagiging mabango na si Nero sa pang-amoy nila.”

Napalingon silang lahat sa direksyon ni Bath maliban kay Gab.

“Anong ibig mong sabihin?” ,tanong niya.

“Demons are for demons and angels are for angels.”

“Hindi ko pa din ma-gets.” ,sabi ni Amy.

Tumikhim si Gab. “Ibig sabihin, naghahanap sila ng mate. Don’t you remember? Every December to February ang mating season. Pero tuwing leap year lang nangyayari yun. At sa mga panahong iyon, mas nagiging mabango para sa kanila ang mga unmark creatures na katulad natin. The only safe creatures are the ones who have a mark on their skins.”

Tumingin si Gab kay Amy at ngumisi.

“W-What? Anong tinitingin-tingin mo diyan?”

“Congratulations. You’re now safe.” Gab winks and laugh.

Nang tumingin siya kay Amy ay napansin niya ang kakaibang marka sa leeg ni Amy.  Nakita din niya ang pamumula sa mukha ng dalawa niyang kaibigan. Si Azrael ay tumingin lamang sa ibang bagay habang si Amy naman ay walang sawang nakikipagbangayan kay Gab habang dinidepensahan ang sarili hanggang sa dumating ang kanilang order. Nagpaalam siya sa mga ito para sumunod sa maître na may dala-dala ng pagkain ni Nero.

“We will resume this meeting later.”,aniya.

“Okay!” Nakataas pa ang isang kamay na sabi ni Amy.

My Demon Angel (UNEDITED)Where stories live. Discover now