Chapter Eight - Come back...

40 0 0
                                    

Chapter Eight

Come back…

AD’s POV

Pangatlong bote na ng alak ni AD ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari. Una naiiinis siya sa ‘di pagsipot ni Mr. Von Miller sa kanilang meeting. Tungkol kasi iyon sa pagsasama ng dalawa sa ilang malalaking kumpanya sa bansa para sa isang project. At siya ang may-ari ng isa sa mga iyon. How dare him?! Ikalawa, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagkakatitig ng secretary nito kay Nero. Kaya naman napagpasyahan niyang mag-walk out para magpalamig ng ulo kasama ito. Pero nangyari ang ikatlong bagay na lalong nakapagpainit ng ulo niya. Hinampas niya ang kamay sa bar counter.

“That brat!”

Napatingin sa kaniya sina Bath at Gabriel. Tinawagan niya ang mga nang makauwi siya. Inaya niya ang mga kaibigan sa isang bar para makipag-inuman sa kaniya. Tinignan niya ng masama si Gab ng marinig niya ang pigil na pagtawa nito.

“Look who’s talking.”,anito.

“What do you mean?”

Nangalumbaba ito sa counter at bumaling sa kaniya  na may ngiti sa mga labi.

“I think you’re the one who’s acting like a brat, AD. Hindi mo dapat inuuna ang init ng ulo.”

“I know what I’m doing! Kung hindi niya matagalan na kasama ako, fine! Bahala siya sa buhay niya.”

“Then what about our mission?” ,sabat ni Bath.

Natahimik siya. He almost forgot about it. Ano bang nangyayari sa kaniya? Nagiging irrational siya pagdaring sa isip batang iyon. Muli niyang inisang lagok ang alak na nasa kaniyang shot glass.So, anong gagawin niya? Pupuntahan ito at hihingi ng tawad? Eh paano kung ayaw pa din nito gusting bumalik sa kaniya? Magmamakaawa siya na bumalik ito? No way!

Oo masama ang ugali niya. Kahit na alam niyang may mali siya ay hindi siya kailan man humingi ng tawad. He might be an angel but he’s in a form of a human right now. They are can feel and act as a human. They’re even capable of loving someone. As long as hindi sila papatay ng mga normal at inosenteng nilalang, pwedeng pwede silang bumalik sa kanilang pinanggalingan. That’s the rule.

“One scotch please.” Napasulyap siya sa babaeng sumulpot sa gilid niya upang um-order sa bartender.

One look at her, he already knows that she’s a bitch. Makapal ang make-up nito na tila isang painting ang buong mukha nito. Kapiraso lang ang telang bumabalot sa katawan nito. See through ang suot nito at hayagang makikita doon ang malulusog na dibdib nito na natatakpan lamang ng bra nito. Maikli ang shorts na suot nito na tinernuhan ng butas butas na stockings. Muntik na siyang masuka ng magsalita ito dahil sa pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo. Disgusting!

“Hello, handsome. Wanna hang out?”

 “No.”

“Eh? Why not?”, malanding reklamo nito. Ang isang daliri nito ay unti unting gumagapang sa kaniyang hita. Sabay bulong sa kaniya. “I’m good in bed.”

Pakiramdam niya napatid ang kung ano mang kailangang mapatid sa utak niya. Binigyan niya ito ng kaniyang pamosong tingin. Na sabi nila ay parang gusto mo nang maglaho sa mundo kapag tumitig siya ng ganun.

“Don’t you dare touch me.”

Kung maaari lang maging yelo ang isang tao, naging yelo na siguro ang babaeng ito. Bigla itong nanigas sa kinatatayuan habang nakanganga. Iniabot ng bartender ang in-order nito. Kinuha nito iyon at mabilis na umalis.

Napabuntong hininga siya. Sa isang tao lang hindi gumagana ang tingin niyang iyon.

“Argh!”

“Pfft!” Malakas ang naging pagtawa ni Gab.

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon