Chapter 18

6.4K 133 25
                                    

3am na ng nakauwi ako sa bahay, dumaan pa kasi ako sa 24/7 na grocery dito malapit sa bar, dala ko naman ang motor ko kaya hindi hassle naka hoodie ako na black, nakaleggings na black din at puting sneakers na binili sa ukay na may tatak na nike halos lahat naman ng gamit ko ay sa ukay ko binili may mga branded kasi yun ang matagal ang buhay at ang pambahay naman ay malalaking damit yung usual na nakikita natin sa ukay.

Bumili ako ng agahan sa grocery total naman ay may pera ako galing sa work kanina at walang nakaabang na bayaran, bumili ako ng hotdog, itlog at ilang mga delata, gatas nanfresh milk, coco crunch dahil paborito ito ng mga bata at minsan lang din naman bumili na din ako ng palaman at tasty pati na din mantika. Kokonti lang pero ang nabayaran ko ay halos nasa isang libo, napaka bilis talaga ng pera kung gaano mo kahirap kinita ganoon naman kabilis lustayin.

Pinagmasdan ko ang bahay namin, maliit lang ito bungalow style, may 2 kwarto at dahil medyo malaki ang master bedroom ay doon kami ng mga kapatid ko at si mama sa isang kwarto. Kulay puti ang wall at brown, katunayan ang bahay namin dito ay isa sa mga maayos na bahay dito sa lugar namin. Ang sabi ni tiya adelle ay sa kapatid daw nila ito na umalis na patungo sa ibang bansa,  kayat dito kami tumira magkapatid si mama at tiya adelle kaya malapit sya saamin.

Pinagmasdan ko lang ang bahay, may lumang TV may sala set na nabili ko sa unang buwan sa bar, may ref na binili ko second hand at may dinning set din, halos lahat ng gamit namin ay second hand kasi mura kesa bumili ng bago at kita din naman na matitibay ito.

Nag punta na ako sa banya at nag halfbath bago matulog, nakatitig lang ako sa kisame, off ko bukas sa restau kaya sisiguraduhin ko na makakatulog ako ng medyo mahaba.

Hindi ako makatulog, kahit ilang pikit ko na sa mata ko.

Napag isipan ko nalang na icheck ang gamit ni calvin kung may mga assignment ito, pero nagawa naman nya lahat kaya okay na din. Inaayos ko nalang ang mga susuotin nila bukas para sa pag pasok. 4 na ng madaling araw at tumilaok na din ang manok na panabong ng kapit bahay.

Nakatingin lang ako sa bintana ng bahay, at nakikitang may iilan na manlalako ng pandesal na dumadaan.

Hindi talaga ako makatulog kaya, nagwalis nalang ako at nagwalis din sa labas, medyo makulay na ang langit at maya maya pasikat na din ang araw. May bakod ang bahay namin, baka na gate pero yung style grills lang kulay pula ito.

May maliit din kming hardin sa loob, at minsan ay nagtitrim ako at nagdidilig ng mga ito.

Naupo ako saglit sa may labas ng bahay, at naisip na ilang buwan nalang ay enrollan na, kailangan ko mag doble kayod para may pang matrikula, 2nd yr na ako sa pasokan at kumukuha ng Accounting  tumigil ako kasi lumipat kami ng bahay 3yrs ago noong naaksidente sila mama at papa, Nakakamis gustong gusto ko na din kasing mag aral. Nakapag inquire na din ako sa public school na malapit saamin, mura lng dito at may mga scholarship din sila na offer. 10k ang isang sem at kung aalis man ako sa restau bago magpasokan ay sigurado naman ako na makakaipon ako ng pang matrikula, total naman ay malaki ang sinasahod ko sa bar at sakto ito para na din sa gastosin namin at sa mga gamot ni mama. Noong una ay paiba iba ako ng trabaho, kasi may masyadong maliit ang sahod, at ang iba naman ay hindi maayos ng management kung hindi yun ay madalas na ako naman ang pinagdidiskitahan ng katrabaho buti nalang may nag bigay sakin ng flyer para mag apply sa bar at may nagrecommend sa restau kaya nakapasok ako.

Alas 6 na ng mapagdesisyonan ko na magluto ng agahan, wala pa din akong tulog pero okay lang medyo nakakaramdam na din ako ng antok. Pag pasok ko ay nakita ko na si calvin na kalalabas lang ng kwarto.

Ate hindi ka ba nakatulog? tanong niya.

Hindi e, mamaya na siguro. Wala naman akong pasok sa bar ngayon e.
Maligo ka na at maghahain na ako ng almusal natin.

Nagluto na ako ng 5 na hotdog at ininit ang tirang kanin, nagdagdag na din ako ng 4 na itlog. Naghain na ako sa mesa, at nakabihis na si calvin.
Niliguan ko na si mama at si cara at binihisan para makakain.

Sabay sabay kami, at wala na akong mahihiling pa sa ganitong tagpo, kahit wala na si papa ay atleast andito pa din sila mama at mga kapatid ko. Kaya masaya ako.

hinatid ko na sila mama at cara kay tita adelle at si calvin sa paaralan at binigyan siya ng baon. 100 kasi nga may pera ako.

Dumaan din ako ulit sa isang grocery para dumaan kay tita adelle at maibigay ito.

Bumili ako ng tasty at yung mga biscuit na nasa lata na laging dala ng mga balik bayan, palaman at kape at gatas.

Solo lang si tita sa bahay kaya hindi nya alintana na andoon sila mama at cara upang may kasama siya, byuda siya at may isang anak ngunit nasa abroad.

Pumunta na ako kala tiya bago ako umuwi para gumayak patungo ng restau.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying Mr. Billionaire (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon