Chapter 11: Surcease*

5.9K 149 6
                                    


Halos mabalibag ko na ang taong panay gising saakin. Bwisit! "Natutulog ako, ano ba?!" Padabog na tinabunan ko ng unan ang tenga ko at tumagilid ng pagkakahiga.

A woman's voice is insisting. "Hala, si Ma'am sinasagad ang pagtulog sa kama ni Sir. Sabi niya po, pag hindi pa daw kayo bababa ma'am, siya na mismo ang gigising sainyo." Napamulat ako bigla sa sinabi niya, "Nagdadrama si Ma'am, halalala."

Napabangon ako at nakita si KC sa may bandang likuran ko. Halos mapatalon siya nang sumigaw ako bigla. Bakit ako andito?! Hindi ako nakauwi?! "Why am I-"

Agad na hinanap ko yung phone ko at nakita yun sa may sofa. May mahigit 20 missed calls at 16 messages. Mostly are from Con, patay. Pag nalaman niyang andito ako kay Sir Current natulog, mas lalong patay. May text din galing kay Ma'am Pearl na nagsasabing di ko na daw kailangan pumunta dun kagabi, which is a relieved because I really can't able to go.

Napaupo ako sa sofa at napapikit. Ano ba naman to.

"Dorothy."

Si Sir! Tumayo agad ako at binati siya na nasa may pintuan. Nakabihis na siya't handa nang umalis, "Sir..." Nagbow si KC at dahan-dahang umalis, bago siya lumabas nag lip sync pa siya ng 'hala' at ginagalaw ang hintuturo niya.

"It's already 8:00 in the morning. May trabaho pa ako." Sabi niya.

"Ah, pwede po namang mauna na po kayo... diba Sir?" Sabi ko na dahilan kung bakit nagclench yung panga niya. Patay.

Tiningnan ko lang siyang sinirado yung pinto at binuksan ang isang pinto dito sa kwarto niya, sumilip ako at nakitang walk-in closet yon. "Come here," he said from inside. Agad na sumunod ako sa boss ko at gulat na sinalo ang towel, extrang damit, isang malaking bottle ng shampoo at box ng sabon. "Don't waste any second, hihintayin kita sa dining." Sabi niya nang maharap na ako.

Wala akong maisip na ibang gawin kundi tumango ng sunod-sunod.

"Move along." Sabi niya, at narealize kong nakaharang pala ako sa pintuan. I pivoted to give him access, when he passed me, di ko mapigilang maamoy ang fragrance niya. Manly, pero sweet na gentle. Ewan ko ba.

"I said hurry." Medyo pasigaw niyang sabi tapos sinirado na yung pinto.

I scanned the room, the sofa, TV, grand piano, malaking kama, at picture ni Sir Current sa isang console malapit sa bintana. Walang duda, nasa kwarto nga ako ng dalaga kong amo.

Napabaling naman ako sa loob ng Walk-In closet niya, men suits, maraming drawers, may isang table na may glass sa gitna ng malaking kwarto. Curious, so I took a glance at some watches being arranged properly. Halos kuminang ang mga mata ko nang marealize ko kung gano kamamahal ang andito, Rolex, Hugo Boss... Natigilan ako nang mapansing parang may kuminang sa isang drawer na medyo bukas.

I couldn't think of anything but to take a peek of what's in it. "Wow." Sabi ko nang mabuksan yun. Mga nakahilarang neck tie siya sa loob ng isang pahabang flat box, nakabukas yun kaya kita ko ang mga kulay good, black, green, silver at red na neck tie sa loob, may halo pang gold at black. Ang kinaganda lang ang hindi siya tela, mukhang plastic na metal, ewan ko ba.

Nang sinilip ko yung brand, HEX TIE ang nakalagay. Napa wow ako ulit at tumigil na nang marealize kong nagpapaka ignorante na naman ako.

I seized the moment tho, nilakbay ko yung mahaba at malaking w-i closet niya, maraming business suits, of course. Nakatiklop yung mga pambahay at normal na damit niya sa isang bahagi ng closet. Ang linis ng loob, Sir sure be this tidy, sa mukha at ayos pa lang niya, malinis na siya.

Want You NakedWhere stories live. Discover now