LWT7BB 7

76 4 1
                                    

"Ang ganda nya sana eh. Ang taray lang. Hehe" bulong ni Monster. Potek! Akala mo ang gwapo niya, ang panget naman. Ako pa talaga ang sinabihan ng panget. Wow ah. Nahiya ang balat kong maputi sakanya.

"Oo nga. Tapos ang bossy pa." Bwisit. Akala mo wala dito yung pinagbubulungan nila eh.

Gusto kong sabihin sa kanila na 'Hoy! Mga chismoso, andito lang ako oh? Kita niyo ba?' Like myghad. Nasa iisang bahay lang kami. Anong ieexpect nila? Na magkukulong ako sa kwarto na punong puno ng muka ng isang koreana. Kaasar.

"Noonaaaaa!" Tawag ni Kookie. Ang cute niya kaso seryoso lang talaga siya pero mas cute pa rin si Jin. Syempre loyal ako kay Kuya Jin. Wow Kuya pa ang nais ko.

"Bakit na naman?" Lagi kasing nangungulit eh. Pero ayos lang cute naman siya eh. Kahit madalas nakakabagnot na rin. Madalas kasi walang kwentang bagay pinagsasabi eh.

"Wala lang. Hehe. Ang ganda mo pala noh?" Natural. Wala namang panget sa mundo.

"Ay. Nako! Alam ko nayan no tsaka wag mo nga akong tawaging noona hindi ako koreana at isang buwan lang naman tanda ko sayo ah! Maka noona ka jan!" Totoo yun. August 1. po birthday ko. Kaya no need to call me Noona or whatsoever kasi isang buwan lang ang tanda ko sa kanya.

"Hehe. Kahit na! Mas matanda ka pa rin sakin ayaw mo nun? May gwapo kang kaibigan?" Ayan na naman po siya. Hulaan ko may bagyong darating siguro sa sobrang lakas ng hangin dito.

"Okay! Bahala ka." Sabi ko nalang tapos umakyat sa taas. Pupunta sana ako ng terrece. Magpapahangin at para maka-iwas kay Kookie. Sobrang kulit na niya.

Kaso biglang sumulpot si V.

"Pst!" Pusitsit niya. Kainis lang eh. May pangalan naman ako. Lilingunin ko na sana eh.

"Huy!" May pangalan nga ako diba? Maka-huy. Hindi ba niya alam pangalan ko?

Pagharap ko hindi ko inasahan yung nangyari.

"MAY PANGALAN A--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nung pagharap ko nandun si Monster. Putek! Hinalikan ba naman ako sa cheeks.

"ANO BA?!"

Vote, Comment, and be a Fan.

Living With This 7 BadBoys [BTS]Where stories live. Discover now