Chapter 1

2.2K 28 3
                                    

I'm publishing this again, edited and completed. Enjoy, guys!

-----

Another story for my Kissing Game series. Sana magustuhan nyo rin to. I will make this short like the others. Enjoy!

-----

"Girl, di ka pa tapos dyan? Male-late na tayo!" kanina pa atat na atat si Jinnie na umalis na palibhasa kanina pa sya tapos mag ayos.

Alas syete ng gabi ang simula ng party. Medyo maaga sya dahil mag di-dinner pa muna daw.

"Hello?! Six palang kaya!" balik na sigaw ko habang inaayos ang buhok ko. Malapit na kong matapos pero binabagalan ko lang dahil ayokong maaga kami sa party.

"Ano ba?!" nakita ko sa gilid ng mga mata ko na sinilip na ako ni Jinnie sa kwarto ko. "Ayokong dumating dun na nag iinuman na sila tapos tayo kakain palang. Ano pa ba kasing ginagawa mo?" naiirita na sabi nya. Sanay na ko sa pagbunganga nya.

Nung mag third year kami, naisipan namin ni Jinnie na mag rent nalang ng apartment. Pareho kami ng probinsya pero dito na kami sa Manila nagkakilala. Since pareho ang course namin kaya naging close kami.

Minsan sabay na rin kaming umuuwi ng Pampanga. Na-invite ko na sya sa amin at nakapunta na rin ako sa kanila.

"Tulungan na nga kita." inagaw na nya ang hawak kong pangplantsa ng buhok at sya na ang nagtuloy. Wala na kong nagawa kaya hinayaan ko nalang sya tutal kanina pa ko nangangawit dito.

Last semester na namin at dalawang buwan nalang ga-graduate na kami ng Accountancy. In the next two months, sunud sunod na ang pagpasa na namin ng mga requirements at ang defense namin sa thesis kaya naisipan ng mga kaibigan namin na mag party bago ang mga ito.

"Daan pa tayo ng grocery ha? Bili tayo ng smirnoff. Ayoko ng alak na dinadala nila Kyle." tumango nalang ako at hinayaan na sya sa ginagawa nya.

Kina Madison ang party. Sa condo unit nya. Sa aming pitong magbabarkada, sya ang may kaya talaga sa buhay. Lahat yata ng luho nya nasusunod. Yung typical rich kid na walang time sa kanya ang mga magulang nya kaya puro sa material things bumabawi.

Pero infairness naman sa kanya, hindi naman sya matapobre. Sya pa nga ang pobre eh. Nagkukulang minsan sa atensyon.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Jinnie. Minsan kasi hindi ko na napapansin na napapangiti o simangot nalang ako pag may naiisip ako. Kaya nga timang ang bansag nila sa akin.

"Hala! Ayan ka na naman ha? Minsan naiisip ko na may sira na talaga tong tuktok mo." to emphasize what she said, tinuktok pa nya ang ulo ko.

"Aray naman! Akala ko ba nagmamadali tayo? Bilisan mo na kaya no?!"

---

"Girls!!!! Akala ko male-late na naman kayo! Kayo nalang ang hinintay! Tara na gutom na ang mga boys!" sinalubong kami ni Ellie at dinig na dinig na namin ang tawanan ng mga lalake sa dining.

Hindi naman kalakihan ang condo ni Madison pero malaki na para sa get together namin.

Binati kami ng lahat. Anim lang kami talagang magbabarkada, naging pang pito ang pinsan ni Madi. Mga nakasama ko sila since second year at hindi na kami nakahiwa hiwalay pa. Wala na ring nakaisip na magsama pa ng iba kaya mas naging tight ang barkadahan namin.

Kumain muna kami bago uminom. Ganito kami lagi, salo salo muna then konting kwentuhan saka kami magiinuman.

Hindi alam ng parents ko na nakikipag inuman ako sa kanila. I don't want to worry them. Nag aaral naman ako ng mabuti pero syempre gusto ko ring ma experience ito. Yung makipag inuman sa barkada.

The Kissing Game Series 6 - 60 Seconds To HeavenWhere stories live. Discover now