Prologue

493 17 2
                                    






Dear readers,

Hi everyone, Im sandaedate. I made this story just to add kilig vibes sa paborito niyong love team. Sana magustuhan niyo . Happy reading everyone!..

Ps: ano man kaparehas ng story ko sa reality, hindi ko yun sadya. Lahat ng nakalagay dito ay pawang imagination lang at epekto ng insomnia ko. Thank you.

- sandaedate


.......



Sue's POV...



( Habang naglalakad papuntang Basketball court, malungkot at naluluha)



Ang bigat sa pakiramdam. Ilang hakbang nalang makikita ko na siya. Diba dapat masaya na ako kasi Tapos na ang isang Linggo? Di ko na siya makikita, di ko na siya makakasama, at patuloy na akong makakapag move on sa buhay lalo na sa kanya. Pero bakit ganito? Parang iba ang kilos ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko. Sa di mapaliwanag na dahilan, parang ayaw ko pa matapos ang lahat. Parang gusto ko nalang na makasama siya at kahit nasaktan niya ako noon, parang kaya ko na siyang patawarin... Tama nga ba yun? Handa nga ba ako magpakatanga nalang para sa taong mahal ko?



" Ronnie, Im so proud of you... Sabi na kayang kaya mo yan! "

Masayang boses na narinig ko na nanggagaling aa loob ng court. At kahit hindi ko pa yun nakikita kung sino, kilalang kilala ko na kung kanino yun.

For some reason, kinabahan ako ng husto. Andoon ang takot sa mga pwede kong makita. Pero gaya ng sabi ng iba. Kailangan ko'ng maging matapang para harapin ang lahat.

Inhale, exhale muna ang nagawa ko bago ako tuluyan na pumasok sa court. Seconds passed, tuluyan na ako pumasok.

Dalawang tao lang ang nakikita ko doon. Ang mahal ko, at ang girlfriend niya na rason kung bakit nawala ang sa amin. She was hugging Ronnie habang bahagyang nakaangat ang ulo, meaning, naghahalikan sila.

Sinubukan kong utusan ang sarili ko na huminto sa paglapit sa kanila pero hindi ko kaya. Tapos hindi ko na din mapigilan ang mga luha ko sa pag pagsak. Damn! Mas gugustuhin ko na yata ang malamon ng lupa ngayon kaysa, makita silang dalawa .


" Sue..."

Saad ni Ronnie ng makita ako. Napatigil tuloy silang dalawa, habang napayakap naman sa kanya si aly. At tila proud na pinapakita sa akin na magkayakap sila.

Dahil doon, napahinto na ako, nagawa ko din na mapayuko para maitago ang luhang walang balak sa pag agos. At this moment, parang ang tanga tanga ko na talaga... Di uso sa flexes ko ang mahiya eh, kaya heto ako ngayon nananatili sa harapan nila.

" Sue, ano'ng ginagawa mo dito?"

He asked me, saka bahagyang humiwalay kay aly, para lapitan ako. Dahil doon napatalikod nalang ako, para maitago ang itsura ko.

" ano kasi , ano... Uhmmm.. Remind lang sana kita na Tapos na ang one week.. Uhm... And naibigay na sa charity na napili mo yung amount of money na nai-ambag mo tapos nakuha na sa office ng tita mo yung budget para sa project ng buong school....uhmm, pInapasabi din pala nung mga bata sa orphanage na salamat daw sa mga sports goods... Yun lang Ronnie... Congratulations din pala.."


Yan ang sunod sunod kong sabi sa kanya. Bahagya din akong nag pupunas ng luha, good thing nalang talaga at nagawa kong makatalikod. Matapos ko'ng sabihin ang lahat,  nakapag lakad na din ako ng mabilis papalabas ng court. Di ko na inantay ang sasabihin pa ni Ronnie. Mas mabuti na din yun dahil kung narinig ko pa siyang magsalita , baka kung ano na ang nagawa ko.

Tuluyan na akong nakalabas, hindi ko alam pero mas nasasaktan ako ngayon. As in doble sa nararamdaman ko kanina bago ako pumasok sa court. Dahil doon, nagawa ko'ng mapahinto, for a moment. Binigyan ko muna ang sarili ko ng time na mailabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan pero traydor na lumalabas.

Ang sakit sakit.. Akala ko, okay na ako. Akala ko kaya ko ang lahat , akala ko matapang akong harapin ang lahat, pero MALI pala ako. Kasi yung mga inaakala ko dati, KASINUNGALINGAN lang pala ng sarili ko. Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa din si Ronnie. Hindi nagbago. Hindi nabawasan. Bagkus, nadagdagan pa dahil sa pag sasama namin nung mga nakaraan. Pakshet lang diba?

I was in the middle of my drama scene ng biglang may kumabig sa akin at yakapin ako ng mahigpit. Rason para mas mapaiyak na ako ng husto dahil alam kong SIYA yun.. Ang taong mahal ko.

" Sue, please stay with me... Please..."

He said. Habang mahigpit pa din ang yakap sa akin. Gustohin ko man na Sumagot ng OO agad, pero tila umurong ang dila ko. Parang di ko kaya siyang sagutin at tanging iyak lang ang tungon ko.


" Sue, answer me please... Diba mahal mo ako? Diba ako lang? Diba sue...."


Naluluhang sabi niya habang hawak ng magkabilang kamay niya ang mukha kong basang basa na sa kakaiyak. Nakatitig siya ngayon sa mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam. Yung titig niya sa akin, para ba'ng ako lang ang mahal niya. Yung marahan niyang haplos sa mukha ko, gaya pa din ng dati na malimit niyang gawin pag malungkot ako. Nagawa din niya akong halikan sa noo ko na gustong gusto ko'ng ginagawa niya nung kami pa.


" Ronnie! "


Sigaw na nakapag palingon sa amin. It was aly. She was standing near us, may galit sa mga mata niya habang napapaluha din. Agad kong inalis ang mga kamay ni Ronnie sa mukha ko. Saglit ko siyang tiningnan sabay napailing nalang. Napatakbo na din ako papunta sa parking lot. Hindi ko na inantay kung may hahabol sa akin o may tatawag ng pangalan ko. Sa mga oras kasing ito. Gusto ko lang tumakas sa kanilang dalawa.

As i reached my car, muli nag flashback ang mukha ni Aly kanina sa Utak ko. Yung itsura niyang nakatayo lang habang nakamasid sa amin. Lumuluha pero alam mo'ng dahil sa galit. Ganun na ganun ako sa kanila dati nung nalaman ko ang sa kanila. Yung gusto ko ng sampalin at sugurin silang dalawa pero hindi ko kaya dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko.

( napasandal nalang sa kotse saka napaiyak)






.....

Vote. Share . Comment
Happy reading everyone!
#SueNie

Last Time ( SueNie FanFiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon