Ch. 4- What should i do?

7.5K 44 4
                                    

VOTE,COMMENT,BE FAN

***

-FLASHBACK-

Trixie's Pov

"nasaan na ba yung dalawang babae na yun? kanina ko pa tinatawagan sa phone nila pero hindi naman nila sinasagot eh" sabi ni lindsay, naka upo lang kami dito sa vip seat sa isang exclusive bar habang nag hihintay sa pag balik ng dalawang babae na umalis lang saglit at hindi na bumalik, Natigil naman kami sa pag uusap ng may marinig kaming nag sisigawan na parang nag checheer sa ibaba malapit sa dance floor sa may bartender na curious naman kami ni lindsay kaya bumaba kami para tignan kung ano ang mga kaganapan na doon.

Doon ay nakita namin ang mga tao na naka palibot na parang may pinapanood sila, lumapit naman kami lalo doon ni lindsay at nakipag siksikan sa mga tao para makita kung anong meron.Nakita naman namin ang tatlong lalaki na nag papaligsahan sa pag inom ng mga ibat-ibang pinaka matapang na alak.

"yehhhhhhhhh!! whoooo!! Ang bagsik mo talaga!!" sigawa ng mga tao ng manalo ang isa sa mga lalaki na may piercing sa kanan ng tenga.

"syempre ako pa!!" mayabang na pahayag nya/ hini maipagkakaila na may itsura ito at may magandang pangangatawan kaya nag tinginan naman kami ni lindsay ng nakakaloko.

Nakita namin na may inabot na makapal na pera ang isa sa bartender ng bar at ang dalawa pa na lalaki na kasama sa paligsahan at aga naman na kinuha nito ng gwapong lalaki.

"Sino pa gustong lumaban sa akin?!! Kapag nanalo eh makukuha ito sa akin, pero kapag ako ang nanalo be ready for the consequence" sabi niya na itinaas pa ang hawak na pera.

"AKO!!" nagulat naman ako sa pag taas ng kamay ni trixie dahil hindi ko inasahan iyon. nag tinginan ang mga tao sa kanya pati na din ang gwapong lalaki at biglang tumahimik ang lugar.

"hoy!! ano ka ba? nag bibiro ka lang diba? hehe nag bibiro lang po siya" sabi ko sa mga tao naka tingin kay lindsay ng may gulat sa mukha.

"hindi ako nag bibiro! tinatanggap ko ang hamon mo mr gwapo basta ba kapag nanalo ako eh sa akin lahat mapupunta yang hawak mong pera!!" sabi ni lindsay na parang asong naka ngiti

"sigurado ka ba diyan? haha eh para ngang hanggang isang baso ka lang eh" sabi ng isa sa mga lalaki na kasama ng gwapo na may piercing at nag sitawanan naman ang mga tao, nakita ko naman na parang may ibinulong ang isa sa mga lalaki sa gwapo na hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan.

"try me then" sabi ni lindsay

"sige papayag ako, umpisahan na natin at ihanda nyo na ang mga alak" sabi ni mr gwapo sa isa sa mga bartender, sinunod naman nito ng bartender at may inihapag na ibat-ibang mga alak na 24shot glass sa harapan.

"pag bilang ko ng tatlo tsaka palang kayo mag sisimula. ISA,DALAWA,TATLO!" at doon na nga sila nag simula. kinakabahan ako sa mga mangyayari, parang kinukutuban ako. bakit kasi kailangan pang sumali ni lindsay eh, oo aaminin ko na gusto ko din yun kasi duhh..ang laking pera kaya nun pero.. bahala na nga!!

Wala pa sa kalahati ng mga alak eh parang bibigay na si lindsay, eh paano ba naman kasi nung nasa vip seat pa kami eh kanina pa laklak ng laklak ng alak. habang tumatagal ang laban lalong lumakas ang sigawan ng mga tao dito sa loob ng bar.

Nakita ko naman na malapit ng matapos si mr gwapo habang si lindsay naman eh masuka-suka sa iniinom, i knew it hindi talaga siya mananalo dito. dapat ako nalang ang gumawa pero ayoko naman gumawa ng consequence.

shit consequence?!! pero late na ng ma realize ko ang tungkol sa consequence.

"yesssss!! ang galing haha wala talagang makaka talo sayo!"

"sabi ko na nga ba matatalo yung girl eh haha"

"patay ka ngayon"

ibat-ibang komento ang mga naririnig ko sa mga tao dito sa bar.

-END OF FLASHBACK-

Ria's Pov.

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school kaka tapos lang kasi ng klase ko, para akong lantay na gulay kung mag lakad at pinag titinginan ng mga estudyante pero wala akong pakealam dahil wala ako sa mood.Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi sa akin nila lindsay.

-FLASHBACK-

"Aalis ako dito kung hindi niyo sasabihin kaagad"tanong ko sa kanila

"Eh kasi Ria..ano..yung kapalit nun....eh ikaw" pagka sabi ni trixie nun eh kaagad nanlaki ang mata ko sa gulat.

-END OF FLASHBACK-

Bakit ba sakit sa ulo ang pakikipag kaibigan? Hindi naman sa nagsisisi ako na may mga kaibigan ako ngayon. ang ayoko lang eh didiktahan nila ako at sila ang mag dedesisyon kaagad na para bang pag mamay-ari nila ako. you heard it right? Ang tinutukoy ko ngayon eh yung problema namin or let say na problema ko lang

pag ka tigil ng jeep sa harapan ko ay kaagad akong sumakay at nag bayad. after 15 minutes naka dating na din ako sa tapat ng gate namin.

-------
SORRY NGAYON LANG NAKA PAG UPDATE HEHE LATER NA LANG PO ANG NEXT UD PAG HINDI BUSY, THANKS PO SA LAHAT NG MGA NAG VOTE AND COMMENT! SANA PO IPAG PATULOY LANG HAHA! .

Ms.Virgin meet Mr.Fvcker (tagalog)Where stories live. Discover now