"Sorry na nga, di ba? Hindi ko din naman akalain na magtatagal ako."

"Sana nagtext ka man lang."

Napapagod na bumuga ito ng hangin. "Look Tami. I'm tired. We're both tired. So give it a rest, will you?" pagod na sabi nito. at nagmaneho lang ito ng tahimik. Napanguso naman ako.

Baka nga pagod si Arthur. 

Buong biyahe kaming walang imik hanggang makarating kami sa gate ng bahay namin. 

"Bye Arthur." sabi ko at akmang hahalik sa pisngi nito ng pasimpleng umiwas ito.

"Bye Tamarind."

Nasaktan man ako ay hindi ko na lang pinahalata. "Ingat ka." sabi ko dito at bumaba na sa sasakyan. Pagkasarang pagkasara ko ay mabilis na umalis naman ito.

Napabuntong hininga naman ako.

"Wala man lang bye bye? Naku senyales na yan na meron ng iba." bigla naman akong napatingin sa likod ko at nakita ko si Macky na nakasandal sa may gate namin.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Uutot sana eh. Kaso dumating kayo. Nahiya na bigla." nakangising sabi nito.

"Alam mo Mackerel, madalas talaga ang sarap mong kutusan." naiinis na sabi ko. "Saka wala lang bye bye... may iba na agad? OA mo din ha." at inismiran ko pa ito.

"Sus. Yung mga ganyan... senyales na yan. Oh bakit naman siya madaling-madali? Syempre kailangan agad puntahan yung chiks niya."

"Wow ha. Gawain mo siguro noh?" taas kilay na tanong ko. Ngumisi lang sa akin ito.

"Wag mo akong itulad dun. Pag ako nagmamadaling umalis, isa lang ibig sabihin nun."

"Ano?" taas kilay kong tanong at pinagkrus pa ang mga braso ko sa dibdib ko.

"Eh di ano pa... natatae na ako!" sukat sa sinabi nito ay umutot ito ng pagkalakas lakas at agad na nagtatakbo sa loob ng bahay habang tumatawa ng malakas. Agad naman akong nagtakip ng ilong ko at pilit sumasagip ng preskong hangin kahit hindi na ako makahinga sa baho ng utot nito.

"Tangina ang baho! Hayop ka talaga Mackerel! Hindi ka malansa! Napakasangsang ng amoy mo!" nagagalit kong sigaw.

Hindi na nga kami ayos ni Arthur... peste pa itong kapatid ko.

Great! Sobrang great talaga!


KABANG-KABA ang mga kasama ko. Samantalang ako ito... easy easy lang. Syempre baka masira ang make-up ko. Masira ang dyosa kong mukha.

"Okay ladies! Be ready in five minutes!" sigaw ng coordinator at nagsibilisan naman ang kilos ng lahat samantalang ako relax lang. Nang muli kaming tawagin ay buong confident akong tumayo at naglakad.

"Di ba siya si Tamarind Viale? Hala mukhang siya na naman ang mananalo." bulong nung isang babae.

"Oo nga. Lalo ata siyang gumanda noh?" sabi pa nung isa. Lihim naman akong napangiti.

Oh my gosh! Alam ko naman girls. Alam ko naman na mukha akong dyosa at walang halong pagmamayabang yun promise.

May lumapit naman sa akin. 

"Hi Ms. Tami! Susuportahan kita! Sana manalo ka kasi ang ganda ganda mo talaga!" sabi ng isang babae. Siguro student ito sa school. Ngumiti naman ako ng ubod ng tamis.

"Maraming salamat sa support mo. I'll do my best to win." nakangiting sabi ko dito. Tapos nun ay pumila na kami sa may backstage. 

Hingang malalim Tami. This is it.

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Where stories live. Discover now