"1" My Past

46 3 4
                                    

KHYRA

When I was seven years old, My mom's died. Binaril sya, hindi ko alam kung anong naging kasalanan dahil hanggang ngayon, hindi pa rin masagot sagot ang aking katanungan. Bumalik kami ni Papa sa Korea noong 9 years old ako upang mag bagong buhay kami and beside, sa Korea rin naman lumaki si Mama, pero pure Filipino pa rin sya. Si papa na ang humawak ng kumpanya ni mama sa Korea. Kilala ako as Crying lady that time kasi kahit gaano na katagal ang nangyari, hindi ko pa rin maiwasang di umiyak.

Kilala pa ako bilang artist noong bata pa ako sa Pilipinas. 10 years old ako noong nakahanap ng bagong asawa si papa. Nagkaroon sya ng dalawang anak kay tita Ruby, tita lang ang tawag ko sakanya at hindi mama o kahit na ano pa mang tawag sa ina dahil hirap na hirap pa rin akong tanggapin ang nangyari. Nawalan ng bisa ang kasal ni mama at papa kaya kinasal sila ni tita Ruby. So kahit na ano pa mang gawin ko o kahit baliktarin pa ang mundo, ako ang anak sa labas.

Hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyayari that time. Hindi ko pa rin tanggap ang bagong pamilya ni papa. I just can't. Wala akong ibang ginawa kundi ang pagsalitaan sila ng masasakit na salita. Tuwing bakasyon ay umuuwi kami sa Pilipinas then babalik na naman sa Korea pag malapit na ang pasukan.

When I was 14 years old, humiwalay na agad ako kila papa. Binilhan ako ng Condo ni papa, labag man sa kalooban nila na humiwalay ako pero wala pa rin silang nagawa dahil iyon ang gusto ko. Pero may kasama parin naman akong kasambahay at isang Guard. Binibigay naman ni papa ang mga pangangailangan ko bilang isang anak nya sa una nyang asawa at bilang isang estudyante, kaya di ko masasabing nagkulang sya saakin. Kahit papaano ay nakokonsensya ako sakanila. Monthly, sumasama ako sakanila para kumain sa labas. Tahimik lang ako pag sila ang kasama ko.

15 years old ako noong nabawian na ng buhay si papa. Nagkasakit sya as Lung Cancer, at may asthma sya.

Sirang sira na ang buhay ko. Wala akong magawa kundi ang magwala at umiyak lamang. Para akong isang paslit lamang na walang kakwenta-kwenta. Para akong baliw dahil tahimik na lang ako. Wala na akong kwenta. Wala na akong pinaghuhugutan ng lakas. Wala na yung tinatawag kong papa, also mama. Wala na. Wala na lahat.

16 years old, nagkaroon ako ng Boy Friend. His name is Clyde. Mahal ko sya. Mahal na mahal. Inayos ko ang buhay ko. Sya ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay.

Si Tita Ruby naman ang bumubuhay saakin. Sya ang nagbibigay ng mga pangangailangan ko.

Beside You [On going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang