EPILOGUE (Part 1 of 2)

Magsimula sa umpisa
                                    


"Pucha ba't ko ba kayo naging kaibigan?!" Pabiro namang reklamo ni Raze.


Gaya ng nakagawian namin mula pagkabata, panay na naman ang biruan at asaran namin. Miss na miss ko 'to, tatlong taon rin naman kasi ang lumipas.


Habang inaayos nila ang mga bagahe ko sa sasakyan, bigla kong napansin ang isang kotseng nakaparada hindi kalayuan mula sa amin. Kahit lumipas na ang maraming taon, tandang-tanda ko parin ang sasakyang ito. Mula pagkabata, ito ang laging nagpapasaya sa akin lalo na sa tuwing nakikita ko itong dumarating sa bahay. Mula pagkabata, araw-araw kong inaabangan ang pagdating ng sasakyang ito kasi alam kong si Papa na ang nasa loob nito.


Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad kong nilapitan ang sasakyan ni Papa. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit, lumabas na agad si Papa mula sa kotse nang mapansing papalapit ako.


Sure I'm still mad at how he confined me to this mental institution and not believing me but at the end of the day, he only did it thinking it would help me heal. He may suck at making decisions but his intentions are always good. I was so blinded with anger and despair that it took me years to finally realize that he's always been there and it was I who always pushed him away. Parents aren't perfect, but at the end of the day, they're the only people who will surely love us no matter what happens.


"I love you, you know that right?" Tanong ko kay Papa at ngumiti naman siya at tumango-tango. Itinaas niya ang dalawang kamay niya kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. We may outgrow our parents' arms and lap but at the end of the day, no matter how old we are, we will always be their precious kids.


Despite of everything that happened, I'm still thankful that I was given another chance to fix my life, to thank the ones who have always been there, to say 'I love you' to the ones I love. But unfortunately, not the chance to say goodbye to him.


****


Gabi na nang makarating kami sa Drayton. Matagal ang byahe pero mas natagalan kami dahil sa mga kalokohan naming tatlo. Kung saan-saan kaming drive-thru huminto at bumili, palibhasa iniwan sa akin ni Papa ang credit card niya para daw makabawi. Pumayag pa siya nang nagpaalam sina Raze at Dana na magro-road tour kami ng fastfood chains, akala niya siguro nagbibiro lang 'tong mga 'to.


"At talagang dito pa talaga ang Birthday party?!" Hindi ko mapigilang mapabulalas nang makarating kami sa dating bahay ko at makita kong napakaraming tao. It's as if my house became a night club for crazy teenagers.


"Tutulungan ka naman naming maglinis." Paniniguro ni Dana kaya napabuntong-hininga na lamag ako.


"Ako hindi." Humahagikgik na sambit ni Raze kaya agad ko siyang binatukan. I can't believe this dumb boy used to be my boyfriend.


"Pero seryoso, hindi tayo nakabili ng gift para kay Jejelord." Pag-uungkat ko na lamang sa nalimutan namin. Buti pa si Shem nabilhan ni Dana ng regalo pero si lord of the jejemons hindi.


"Raze bigyan mo nalang ng condom." Biro ni Dana kaya siya naman ang binatukan ni Raze tutal magkatabi sila sa front seat. I couldn't resist the urge of dumbness kaya binatukan ko narin si Dana. Dahil sa nangyari naghampasan kami nang hampasan sa isa't-isa, it was more like slapping each other's hands in the air, none the less, we ended up laughing like the dumb kids we've always been.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon