EPILOGUE (Part 1 of 2)

Start from the beginning
                                    


****


Panay ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ko, napakalakas pa ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapalagay habang naglalakad patungo sa visitor's area dala ang mga bagahe ko. Sabik na sabik akong makita ulit sila ngunit natatakot ako sa sitwasyong madadatnan ko. Axel made a wish, alam ko kasi nangyari narin to nang si Dana rin ang humiling. Ganitong-ganito ang nangyari noon pero si Dana ang wala.


"Cielo!"


Bigla kong narinig ang napakalakas na boses ni Dana at nang sundan ko ito ng tingin, nakita ko siyang tumatakbo na patungo sa direksyon ko kasama si Raze.


Muli, hindi ko na napigilang maiyak nang magkaroon uli ako ng pagkakataon na mayakap si Dana ng mahigpit at sa pagkakataong ito'y hindi na siya isang malamig na bangkay. Matagal bago kami bumitaw sa isa't-isa, nagyakapan lamang kami at nag-iyakan, hindi nagpapalitan ng salita at pinapahalagahan ang sandaling magkasama na uli kami.


Nung una naiiyak lamang ako dahil sa dami ng pinagdaanan namin ni Dana pero kalauna'y sumagi na sa isipan ko si Axel at bumalik ang labis na sakit ng katotohanang wala na siya. Gaya ng dati, si Dana na naman ang naging sandalan ko.


"Come on Snowy, it's okay now." Sambit ni Dana sabay himas ng likod ko. Pinunasan niya ang luha ko kaya pinunasan ko rin ang sa kanya gaya ng lagi naming ginagawa mula pagkabata.


"Yung palangiting Cielo yung gusto naming bumalik, hindi yung iyakin." Biro naman ni Raze.


Napabuntong-hininga ako. Pinilit kong ngumiti ngunit sadyang ayaw talagang huminto ng luha ko. Ibinaling ko na lamang kay Raze ang atensyon ko at siya naman ang niyakap ng mahigpit.


"Tumahan na nga kayo, mamimili pa tayo ng regalo para kay Jejelord." Biro sa amin ni Raze dahilan para mapahagalpak si Dana kakatawa.


"Dana gusto mo ipasok kita dito tutal andito pa naman tayo sa mental? Bakante na yung kwarto ko ngayon." Biro ko na lamang rin kay Dana habang pinupunasan parin ang luha ko.


Napabuntong-hininga si Dana at pinunasan muli ang kanyang luha, "Naalala ko parin kasi yung nangyari... Sa sobra pagka-Jejemon ni Churchill, pati demonyo nireject siya. Let's gift him with something that will make him more manly."


"Dana." Biglang sambit ni Raze na para bang sinisita si Dana. Siguro napansin ni Raze na natahimik ako nang mabanggit ni Dana ang demonyong 'yon.


Lumapit si Dana sa akin at inayos ang scarf kong natabingi, muli niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi niya man sinasabi, alam kong paraan niya ito upang humingi ng tawad.



****


"Go Ramonsito!" Biro ni Dana kay Raze na siyang may bitbit ng mga bagahe ko. Halatang nahihirapan na si Raze sa mga bagahe ko pero kami ni Dana, heto at patawa-tawa lang habang magka-akbay na naglalakad sa parking lot. Just like the old days...

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now