Mr. Dream Boy

437 25 9
                                    

"Kailangan mo na siyang hanapin! Bago sumapit ang iyong ika-tatlumpong kaarawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kailangan mo na siyang hanapin! Bago sumapit ang iyong ika-tatlumpong kaarawan..."

"Hinanap ko na siya, kung saan-saan subalit hindi ko siya matagpuan. Bukod sa malabong imahe ng kanyang katauhan at pangalang Gabriel ay wala na akong iba pang pagkakilanlan sa kanya..."

Desperado ang kanyang tinig. Higit kanino man, siya ang mas lalong nababahala. Anim na buwan na lamang ang kanyang hinihintay at tatlumpong taong gulang na siya.

"Makikilala mo na siya..."

"Paano?"

"Madali lang..."

Habang unti-unting naglalaho ang imahe ng bisita sa kanyang panaginip ay palakas ng palakas ang alingawngaw ng katagang binitiwan nito.

"Bago magrelyebo ang mukha ng buwang kasalukuyan, magsasaya ang mga buwitre, uod at langaw...

Sa pagkalagas ay sisibol ang panibagong supling, mula sa ugat ng kinalawang na timbangan...

Isang haplos at walang katapusang landas,
Kung saan ang dulo ay hindi mo matatanaw!"

Isang linggo ang matuling lumipas at malaking palaisipan pa rin sa dalaga ang kahulugan ng mga talinhaga mula sa kanyang panaginip. 'Di niya lubos maisip kung bakit sasabihin na rin lang sa kanya ang 'clue' ay naisipan pang humabi ng tula.

Nasa gitna siya ng pagmumuni-muni ng abalahin siya ng tunog ng intercom, "Yes Talia, what is it?"

"Ma'am, just reminding you of your luncheon meeting with all the Directors sa Conference room B. You still got twenty minutes on the clock before it starts."

"O'k, thank you. I'll be ready to leave in ten. Send all documents I need in my PM."

"Already doing as we speak Ma'am."

Hindi malinaw ang agenda ng emergency meeting na pinatawag ni Xander - her first cousin and CEO of RL Corporation - but it would't hurt to be ready just in case, kaya naman pinahanda na niya ang lahat ng dokumentong relevant sa napipintong aquisition ng GAYN Publications.

Claire was about to get out of her office when her eyes caught a glimpse of the calendar in top of her secretary's table.

"Talia, when is the schedule of the next full moon?"

After consulting with the calendar, "February 22, that is two days from now, Ma'am."

Bago magrelyebo ang mukha ng buwang kasalukuyan, magsasaya ang mga buwitre, uod at langaw...

Unti-unting lumilinaw ang lahat. Maliwanag pa sa sikat ng araw - bukas makalawa ay may mamamatay!

Pero sino?

Sa lawak ng Pilipinas, paano niya malalaman kung sino ang tinutukoy sa hula...

Nabalot ng pangamba ang dalaga, kasabay ng lungkot at kilabot na halos pumiga sa kanyang puso. Hanggang ngayon ay 'di pa rin niya maipagwalang-bahala ang nalalaman.
Her curse, her burden...

She only got one chance at a cure...

Before she turned 30, kailangan niyang mapaibig at mapangasawa ang lalaking tinutukoy sa hula...

Dahil kung hindi, habambuhay na siyang makukulong sa isinumpang kakayahan...

Ang makita ang hinaharap ng sinumang kanyang mahawakan...

Their future joys, sorrows hanggang kamatayan...

To feel empathy towards a stranger, to celebrate with them and most of all, to mourn for their loss in silence is something so horrifying that she'd think she'll wake up one day and found that she already lost her mind.

Sa pagkalagas ay sisibol ang panibagong supling, mula sa ugat ng kinalawang na timbangan...

Realization hit her!

It's his son, the son of the man that's about to die a day or two from now...

Napapikit ng mahigpit ang kanyang mga mata.

Her mind keeps wondering to the thought of the would-be-dead niyang future beyanan, "I'm sorry, if your death is necessary to save my sanity, I will be thankful for the rest of my life. If luck would have it, and I met you before your demise...

I swear!

Pipigilan ko ang kapalaran upang dayain si Kamatayan maubos man ang aking kayamanan!

At bilang ganti, I will serve and be a good and faithful wife to your son...

Kahit pa mukhang nagmumog ng tubig galing sa poso-negro at amoy sibuyas pa ang kilikili niya...

Kahit kamukha pa siya ni Rene Requiestas (sumalangit nawa)...

Kahit pa unano at mukhang napabayaan sa kusina...

Kahit pa may almuranas o siya ay bakla...

Pangako, aalagaan ko siya habang-buhay..." tahimik niyang usal.

Bago tuluyang lumakad papunta sa pulong ay nabuo ang pangakong mahigpit niyang panghahawakan.

Any moment now and she'd meet the man of her dreams, or rather, the man in her dreams...

Gabriel!

GABRIEL - Destiny, Sold, FulfilledWhere stories live. Discover now